- 15 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 18, 2025
- Operasyon ng MRT-3 mula Shaw Blvd. hanggang Taft Ave., limitado dahil sa tren na nagkaroon ng technical glitch sa Santolan at Ortigas Stations
- Hamon ng ICI kay Zaldy Co: Tumestigo sa komisyon kaugnay sa mga alegasyon ng budget insertions | ICI, pinag-aaralang dumulog sa RTC para ipa-indirect contempt sI Zaldy Co | Dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, nag-submit ng supplemental affidavit sa ICI | Mga dati at kasalukuyang senador na binanggit ni Bernardo na sangkot sa kuwestiyonableng flood control projects, iniimbestigahan ng Ombudsman | Imbestigasyon ng ICI, pinuna ng ilang personalidad na nakiisa sa kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo | ICI, nanindigang transparent sa kanilang imbestigasyon sa kuwestiyonableng flood control projects
- House Deputy Speaker Puno, tinawag na imbentong kuwento ang mga pahayag ni Zaldy Co | House Deputy Speaker Hernandez sa mga pahayag ni Co: Maraming inconsistencies | Deputy Majority Leader Adiong kay Co: Umuwi siya at magsumite ng sworn affidavit | Mga alegasyon ni Zaldy Co, vine-verify ng DOJ
- Sen. Imee Marcos, binatikos sina PBBM at First Lady dahil sa paggamit umano ng ilegal na droga | Usec. Castro: Walang basehan ang mga alegasyon ni Sen. Marcos laban kay PBBM; Dati nang nag-negative sa drug test ang Pangulo | Iglesia Ni Cristo, tinapos ang kanilang "Transparency for a Better Democracy" rally sa ikalawang araw nito
- Rep. Sandro Marcos, pinabulaanan ang alegasyon ni Sen. Marcos sa kanilang pamilya kaugnay sa paggamit umano ng ilegal na droga
- Presyo ng isda sa ilang pamilihan, tumaas dahil sa epekto ng mga Bagyong Tino at Uwan; inaasahang tataas ang presyo hanggang December, ayon sa ilang nagtitinda
- Presyo ng sibuyas, halos doble ang itinaas | Ilang mamimili, kaniya-kaniyang diskarte para mapagkasya ang kanilang budget
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Operasyon ng MRT-3 mula Shaw Blvd. hanggang Taft Ave., limitado dahil sa tren na nagkaroon ng technical glitch sa Santolan at Ortigas Stations
- Hamon ng ICI kay Zaldy Co: Tumestigo sa komisyon kaugnay sa mga alegasyon ng budget insertions | ICI, pinag-aaralang dumulog sa RTC para ipa-indirect contempt sI Zaldy Co | Dating DPWH Usec. Roberto Bernardo, nag-submit ng supplemental affidavit sa ICI | Mga dati at kasalukuyang senador na binanggit ni Bernardo na sangkot sa kuwestiyonableng flood control projects, iniimbestigahan ng Ombudsman | Imbestigasyon ng ICI, pinuna ng ilang personalidad na nakiisa sa kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo | ICI, nanindigang transparent sa kanilang imbestigasyon sa kuwestiyonableng flood control projects
- House Deputy Speaker Puno, tinawag na imbentong kuwento ang mga pahayag ni Zaldy Co | House Deputy Speaker Hernandez sa mga pahayag ni Co: Maraming inconsistencies | Deputy Majority Leader Adiong kay Co: Umuwi siya at magsumite ng sworn affidavit | Mga alegasyon ni Zaldy Co, vine-verify ng DOJ
- Sen. Imee Marcos, binatikos sina PBBM at First Lady dahil sa paggamit umano ng ilegal na droga | Usec. Castro: Walang basehan ang mga alegasyon ni Sen. Marcos laban kay PBBM; Dati nang nag-negative sa drug test ang Pangulo | Iglesia Ni Cristo, tinapos ang kanilang "Transparency for a Better Democracy" rally sa ikalawang araw nito
- Rep. Sandro Marcos, pinabulaanan ang alegasyon ni Sen. Marcos sa kanilang pamilya kaugnay sa paggamit umano ng ilegal na droga
- Presyo ng isda sa ilang pamilihan, tumaas dahil sa epekto ng mga Bagyong Tino at Uwan; inaasahang tataas ang presyo hanggang December, ayon sa ilang nagtitinda
- Presyo ng sibuyas, halos doble ang itinaas | Ilang mamimili, kaniya-kaniyang diskarte para mapagkasya ang kanilang budget
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
03:00Let's do it right at mahiyan naman kayo.
03:03Matapos ilabas si dating congressman, saldey ko, ang mga video niya nag-aaku sa akin na Pangulong Bongbong Marcos, dating House Speaker Martin Romualde, sa di ba bang matataas na opisyal, hamon ng Independent Commission for Infrastructure Keco, tumistigo na siya sa komisyon.
03:16We've been inviting him, right? So the fact that we've been inviting him, we want to know his statements under oath before the commission. Kasi malaking bagay yun eh. Kailangan talaga nandito sila in person testifying under oath para maging credible ang kanilang testimony.
03:33Dalawang beses na na ipinasabpina ng ICI si dating congressman saldey ko, pinakahuli para noong November 11. Pero ayon sa ICI, hindi raw tinanggap ang sabpina sa pinagdala nito. Pagdidesisyon na na ng komisyon kung dudulog na sila sa regional trial court para ipa indirect contempt si ko.
03:52Wala pang pahayag si ko ukol sa hamon ng ICI. Ayon sa ICI sa ngayon, hindi nilang magagamit na ebidensya ang mga video ni ko.
04:00The videos come in, alam niyo, sa under the rules of evidence. Pagka video yan, kailangan dyan eh untampered, diba? Derederecho.
04:09But the fact that there's also a requirement under the rules of court, rules of evidence, that the person taking that video should verify, in fact validate this video.
04:22Sa harap dapat sa ICI, si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
04:27Sa halip nagsumiti siya ng supplemental affidavit, nakapareho nang ibinigay niya sa Senado.
04:32Confidential ang kopyang ibinigay sa ICI dahil ginagamit ito ni Bernardo sa aplikasyon niya para maging state witness.
04:39Dahil din dito, hindi na maiimbitahan ng ICI si Bernardo bagaman gagamitin ng komisyon ng affidavit sa kanilang investigasyon at mga referrals sa ombudsman.
04:48Sa nakaraang pagdinig ng Senado, kabilang sa mga ediniin ni Bernardo sa anomalya sa flood control projects, ang pitong dati at kasalukuyang senador.
04:57Ayon kay ombudsman Jesus Crispin Remulia, lahat ng nabanggit sa affidavit ni Bernardo iniimbestigahan.
05:03Naano na nang itinanggi ng mga nabanggit ni Bernardo ang kanyang mga aligasyon.
05:08Ang ginagawang investigasyon ng ICI kasama sa mga binanggit ng ilang personalidad sa kilus protesta ng Iglesia ni Cristo sa Quirino Grandstand.
05:16Ginawa po ang tinatawag na ICI.
05:20Tinatanong ko po paano naging independent ang ginawa nilang ito samantalang sila po ay humihingi ng tulong sa House of Representatives,
05:31humihingi ng informasyon sa Senado, humihingi ng informasyon sa Sandigan Bayan, sa mga korte at sa lahat ng mga opisina ng ating pamahalaan.
05:43Hindi siya independent.
05:45Tuntunin at pangalanan ang mga sangkot, lalo na ang utak ng katiwalian.
05:56Sagot dyan ng komisyon.
05:58Ang aming being transparent is shown through our actions, meaning nakita naman ninyo yung aming mga referrals.
06:05We already included there several high-ranking officials.
06:09Kung anong ebidensyang meron kami at ito'y tumuturo sa any individual who may be responsible on these anomalous projects,
06:20then we will include them in our reference for possible filing of charges by the Ombudsman.
06:25Ito ang unang balita, Joseph Morong para sa GMA Integrated News.
06:29Tinunan ang ilang leader sa Kamara ang mga anilay butas sa mga pahayag ng dati nilang kasamahang si Saldico Kaugnay sa flood control projects at budget insertions.
06:39Tinawag na imbentong kwento ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno ang mga sinabi ni Coe sa kanyang mga video.
06:47Buuraw ang suporta ng House Majority kay Pangulong Bongbong Marcos.
06:51Sabi naman ni House Deputy Speaker Ferdinand Hernandez,
06:54maraming hindi tugma sa mga salaysay ni Coe tulad na lang anya na mga maletang i-deliver umano sa Pangulo
07:00at kay dating House Speaker Martin Romualdez pero hindi ipinakita ang laman.
07:04Pati ang pecha ng delivery na hindi naman tugma sa sinabi ni Coe kung kailan ipinasingit umano ng Pangulo
07:10ang 100 milyon peso sa budget.
07:13Panawagan naman ni House Deputy Majority Leader Zia Adiong kay Coe bumalik na sa Pilipinas
07:19at magsumite ng sinumpaang salaysay kung gusto rin talaga ni Coe na lumabas ang katotohanan.
07:29Biniverify naman at Department of Justice sa mga pahayag ni Coe sa tatlo niyang video
07:33Ayon kay Prosecutor General Richard Fadulion, kailangan nilang suriin ang mga pahayag ni Coe
07:38lalo na't hindi ito sinumpaang salaysay.
07:43Pupigit kumulang 600,000 ang lumok sa ikalawang araw ng Transparency for a Better Democracy Rally
07:50ng Iglesa ni Cristo sa Maynila ayon sa Manila Police District at Malila Disaster Risk Reduction and Management Office.
07:56Bago matapos kagabi, nagsalita sa rally si Senadora Aimee Marcos
08:00na nagbitiw ng mabibigat na aligasyon laban sa kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos
08:05pati na kay First Lady Lisa Araneta Marcos, kaugnay ng iligal na droga.
08:11May unang balita si Sandra Aguinaldo.
08:14Sa ikalawang araw ng protesta kontra korupsyo ng Iglesa ni Cristo
08:22nagsalita sa entablado si Senadora Aimee Marcos
08:25hayagan niyang binatikos ang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
08:30Batid ko na na nagdadrug siya, naalaman ko at ng pamilya, naalaman ng pamilya, seryoso ito.
08:47Minsan kami ng Presidential Guard at Metro Gumpa ang naglilinis tuwing nagpa-party po sila.
08:57Namuhay kaming magkakapatid sa ibang bansa, kami-kami lang.
09:07Kinumbinsi ko pa si Bongbong, pakasalan mo na si Lisa.
09:13Naisip ko noon, kapag nag-asawa siya, malalagay na sa tahimik at magkakaroon ng direksyon.
09:24Ang laki ng pagkakamaliko.
09:28Mas lumala ang kanyang paglulong, pagkalulong sa droga.
09:36Parehas pala silang mag-asawa.
09:40Noong 2016, kasabay ng kampanya ni dating Pangulong Duterte laban sa droga,
09:49lumabas ang pangalan ni Bongbong sa listahan.
09:55Nakasama siya sa listahan ng mga celebrities.
10:00Masinsinan kong kinausap si Pangulong Roddy.
10:07Halos maniklohod ako.
10:10Sinabi kong ayon sa kapulisan,
10:14dapat unahin, usigin ang mga pusher.
10:19At saka na lamang sagipin ang mga user.
10:23Naligtas si Bongbong.
10:27Si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
10:31iginiit na walang basihan ang mga aligasyon ni Sen. Aimee.
10:34Alam naman natin na nagkaroon na ng drug test
10:39nung pangbago mga kampanya ang ating Pangulo.
10:42Gusto ko pong ipakita sa inyo para po maalala niyo muli.
10:44Ito po, November 25, 2021,
10:49nang may mga pagbintangang gumagamit di umano ng droga.
10:52Mismo, at the time, hindi pa po Pangulo,
10:55si Pangulong Marcos Jr.
10:57Siya mismo ang nagbolontaryo para magpa-drug test.
11:01At sinasabi po sa drug test na ito ay negatibo.
11:04Ano ang dahilan ng disperadong galawan
11:07ni Sen. Aimee Marcos laban sa sarili niyang kapatid
11:10at pati kay First Lady?
11:12Kung di makapanira lamang,
11:15walang basihan.
11:16Sa Sen. Aimee, sana naman maging makabayan ka.
11:20Tumulong ka po sa pagpapaimbistigang ginagawa
11:22ng sarili niyang kapatid.
11:24Tulik sa ina lahat ang mga korup.
11:26Huwag niyo pong kampihan. Huwag niyong itago.
11:28Hayaan natin magtrabaho ang Pangulong Marcos Jr.
11:31para masawata lahat itong korupsyon na ito.
11:33Bago ang programa, sinagot ng INC
11:35ang sinabi ng mga Duterte supporters
11:37na nagtipon sa Plaza Salamangka
11:40na hindi sila pinayagang makisali sa INC rally sa Luneta
11:44dahil sa mga banner nilang BBM resign.
11:47Ayon sa tagapagsalita ng INC na si Kaedwil Zabala,
11:52welcome sumali sa kanila kahit hindi miyembro ng INC,
11:56basta hindi lilihis sa panawagang
11:58Transparency, Accountability at Justice.
12:00Wala kaming nakitang mga placard na BBM resign sa rally ng INC,
12:06hindi tulad sa pagtitipon ng mga Duterte supporter.
12:09Hindi tayo sangayon sa revolusyon.
12:12Hindi tayo sangayon sa revolusyonary government.
12:17Hindi tayo sangayon sa kutayta.
12:21Hindi tayo sangayon sa snap eleksyon.
12:24Ang ikalawang araw ng INC rally generally peaceful pa rin
12:30ayon sa NCRPO chief na si Brigadier General Anthony Aberin.
12:35This can be attributed dun sa comprehensive security plan natin
12:40and at the same time yung real-time coordination po natin
12:46dun sa mga organizers po.
12:49Ito ang unang balita.
12:51Sandra Aguinaldo para sa GMA Integrated News.
12:56Tinabulaanan ni House Majority Leader
12:58at Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos
13:01ang mga akusasyon ng kanyang tiyahin
13:04na si Senadora Amy Marcos
13:05sa amang si Pangulong Bongbong Marcos
13:07at First Lady Lisa Araneta Marcos
13:09kaugnay sa iligal na droga.
13:11Sabi ng Presidential Sun,
13:13nakalulungkot na bumaba sa ganitong punto ang Senadora
13:15para lang saan niya ay kanyang political ambition.
13:18Lahat na ang akusasyon ng Senadora
13:20ay walang basihan, walang katotohanan
13:23at walang magandang idudulot sa bayan.
13:26Masakit daw para sa kongresista na itinakwil
13:28ni Senadora Marcos ang kanilang pamilya.
13:31Hindi raw ito asal na isang tunay na kapatid.
13:34Tumaas ang presyo ng isda sa ilang pamilihan sa Ilo-Ilo City
13:43dahil sa efekto ng mga bagyong Tino at Juan.
13:46Ayon sa mga nagtitinda, asahan na ang taas presyo hanggang Desyembre.
13:49Live mula sa Ilo-Ilo City, may unang balita si Kim Salinas
13:52ng GMA Regional TV.
13:54Kim?
13:55Susan, ramdam na ng mga mamimili pati mga nagtitinda ng isda
14:03ang efekto ng mga nagdaang bagyo
14:05lalo na sa presyo nito na tumaas kumpara noong nakaraang buwan.
14:09Bago manalas ang bagyotino at Juan,
14:16abala pa raw ang Haro Big Market Fish section
14:18dahil sa kabi-kabilang customer
14:20na bumibili ng mga sariwang isda at iba pang seafood.
14:24Ngayon, hirap ng kumita ang mga nagtitinda
14:27dahil walang bumibili.
14:29Hindi naman raw nila masisisi ang mga mamimili
14:31dahil matapos ang mga nagdaang bagyo
14:33tumaas ang presyo ng mga isda.
14:35Ang 210-220 pesos kada kilo ng bangusa
14:40pumalo na ngayon sa 260-280 pesos
14:44depende sa laki.
14:45Ang tamban, mula sa 100 pesos per kilo
14:48140 pesos na.
14:50Ang galonggong na nooy 240 pesos kada kilo
14:53300 pesos na kada kilo.
14:56Habang ang bisugo, 300 pesos na kada kilo
14:59mula sa 260 pesos.
15:01Wala siyang pangunglakaton na mga sakayan
15:04ang isang natuon sa Pista Minatay
15:07na agnadungan sa bagyo.
15:09Matamat man eh, kahit nakwato na mo
15:11sa dalas akong sa akaman mo.
15:14Pagabuti, alam lang na ibigya mo sa barato.
15:17Kung gamay na lang ang ilagi na bakal
15:20sa sanoto yung damo ilang mabakal
15:24kahit siyempre do barato-barato gawa ang isda.
15:27Asahan raw na magtutuloy-tuloy
15:29ang pagtaas ng presyo ng isda
15:30hanggang Desyembre.
15:31Susan, umaasa ang ilang mamimili dito sa Iloilo
15:41na may paraan pa upang mapababa
15:44kahit paano ang presyo ng isda.
15:46Lalo pat araw-araw,
15:47isa ito sa hindi mawawalang handa sa mesa.
15:50Susan?
15:51Maraming salamat, Kim Salinas
15:53ng GMA Regional TV.
15:55Nakakaiyak na ang presyo ng sibuya
15:57sa ilang palengke na halos kapresyo na
16:00ng karne.
16:02At live mula sa Marikina City,
16:03may unang balita si E.J. Gomez.
16:05E.J.?
16:06Susan, pangunahing sangkap sa pagigisa
16:13ang sibuyas.
16:14Pero paano na lang ang budget at ulam
16:17kung ang kada kilo ng sibuyas,
16:19nako, umabot na sa P310.
16:22Na nanatiling mataas ang presyo
16:28ng karamihan ng gulay
16:29na ibinibenta sa Marikina City Public Market.
16:32Ang ilan nga,
16:33mas nagmahal pa nitong mga nagdaang araw
16:35ayon sa mga nagtitinda.
16:37Sabi ng tinderang si Jenny Lean,
16:39dahil daw yan sa mga dumaang bagyo sa norte
16:41na sumira sa mga pananim
16:43sa ilang probinsyang pinagkukuna ng supply
16:46ng gulay at ibinibenta sa Metro Manila.
16:48Ang ilang klase ng gulay,
17:14nagkakaubusan na raw ng supply.
17:18So, ang bagyo beans namin,
17:21medyo nagkakaubusan talaga,
17:22wala kaming supply.
17:23Actually, ang presyo niya ngayon,
17:25naglalaro siya sa P500, P400, ganyan.
17:28Dito sa Marikina City Public Market,
17:30ang kada kilo ng local red onions
17:32o pulang sibuyas,
17:34pumalo na sa P310 pesos.
17:37May mas mura at malalaking variety
17:39na imported galing India
17:40na ibinibenta ng P140 pesos kada kilo.
17:43Ang imported white onion naman na maliliit,
17:47P140 pesos din ang kada kilo.
17:50P120 pesos kada kilo yung mas malalaki.
17:53Mas mababa ang presyo ng mga lokal
17:55at imported na pula o puting sibuyas
17:57base sa Price Monitoring Index
17:59ng Department of Agriculture sa Metro Manila.
18:01Ilang gulay pa ang mas tumaas ang presyo
18:03gaya ng ceiling green
18:05na nasa P330 pesos ang kada kilo ngayon
18:08mula sa dating P250 pesos.
18:10Ang ceiling labuyo naman mabibili sa P500 pesos
18:14na nooy P400 pesos.
18:16At ang bell pepper, P280 pesos
18:19mula sa dating P220 pesos kada kilo.
18:23Mas mababa rin ang ceiling labuyo
18:25at halos katumbas lamang ang bell pepper
18:27base sa Price Monitoring Index
18:29ng Department of Agriculture sa Metro Manila.
18:32Ang mamimiling si Antonia,
18:34araw-araw na lang daw dumidiskarte
18:36para mapagkasa ang budget.
18:38Oo nga ang taas ang presyo ng mga gulay
18:40kaya ang ginagawa ko na lang
18:42binabawasan na lang yung gulay na bibilin mo
18:47hindi na yung isang kilo, hindi na ganun.
18:51Half na lang, yung mura na lang yung binibili.
18:53Susan, sabi pa naman nakausap natin
19:02nagtitinda no, baka ilan lang na gulay
19:04yung magbaba yung presyo sa mga susunod na linggo.
19:07Pagsapit daw kasi talaga ng December
19:08ay nagbabago o tumataas talaga
19:11ang presyo ng ilang gulay.
19:12Huwag lang din daw sanang bumagyo ulit no
19:14at masira yung pananim
19:16ng kanilang mga supplier.
19:18Mula po nito sa Marikina City,
19:20E.J. Gomez para sa GMA Integrated News.
Recommended
7:51
|
Up next
24:30
19:42
20:54
30:21
25:52
21:32
23:03
25:19
19:14
22:42
19:16
27:01
17:33
21:05
Be the first to comment