- 5 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 17, 2025
- Pulisya at grupong nananawagan ng pagbibitiw sa puwesto ni PBBM, nagkatensiyon sa gitna ng peace rally ng United People's Initiative | UPI: Mga miyembro ng PDP Laban, One Bangsamoro, at ilang religious groups, kaisa rin sa kilos-protesta kontra-katiwalian | QCPD: Umabot sa 4,000 ang dumalo sa rally sa EDSA People Power Monument kahapon; posible pang dumami ngayong araw | QCPD: 1,700 na pulis ang magbabantay sa paligid ng EDSA People Power Monument ngayong araw
- Ikalawang araw ng 'Transparency for a better democracy rally' ng Iglesia Ni Cristo
- MPD: 16,000 pulisya, ipinakalat sa rally ng Iglesia Ni Cristo; ipinatutupad ang maximum tolerance | MPD: Mga dadalo sa ikalawang araw ng Iglesia Ni Cristo rally, inaasahang madaragdagan pa
- Usec. Claire Castro: Ginagamit at nagpagamit si Zaldy Co para pabagsakin si PBBM; kampo ni Co, itinanggi ang alegasyon | Usec. Castro: Posibleng kasuhan si dating Rep. Co; dapat niyang patunayan na may banta sa kaniyang buhay | Ombudsman Remulla, nanawagan kay Co na maghain ng sworn affidavit
- Flood control projects sa mga binahang lugar sa Cebu, ininspeksyon ng mga opisyal ng ICI at DPWH | ICI Special Adviser Gen. Azurin: DPWH, hindi sinunod ang masterplan ng mga river basin sa bansa; tiniyak na ipapaayos agad ang mga nasirang flood control project
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Pulisya at grupong nananawagan ng pagbibitiw sa puwesto ni PBBM, nagkatensiyon sa gitna ng peace rally ng United People's Initiative | UPI: Mga miyembro ng PDP Laban, One Bangsamoro, at ilang religious groups, kaisa rin sa kilos-protesta kontra-katiwalian | QCPD: Umabot sa 4,000 ang dumalo sa rally sa EDSA People Power Monument kahapon; posible pang dumami ngayong araw | QCPD: 1,700 na pulis ang magbabantay sa paligid ng EDSA People Power Monument ngayong araw
- Ikalawang araw ng 'Transparency for a better democracy rally' ng Iglesia Ni Cristo
- MPD: 16,000 pulisya, ipinakalat sa rally ng Iglesia Ni Cristo; ipinatutupad ang maximum tolerance | MPD: Mga dadalo sa ikalawang araw ng Iglesia Ni Cristo rally, inaasahang madaragdagan pa
- Usec. Claire Castro: Ginagamit at nagpagamit si Zaldy Co para pabagsakin si PBBM; kampo ni Co, itinanggi ang alegasyon | Usec. Castro: Posibleng kasuhan si dating Rep. Co; dapat niyang patunayan na may banta sa kaniyang buhay | Ombudsman Remulla, nanawagan kay Co na maghain ng sworn affidavit
- Flood control projects sa mga binahang lugar sa Cebu, ininspeksyon ng mga opisyal ng ICI at DPWH | ICI Special Adviser Gen. Azurin: DPWH, hindi sinunod ang masterplan ng mga river basin sa bansa; tiniyak na ipapaayos agad ang mga nasirang flood control project
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
📺
TVTranscript
00:00Music
00:00Kasabay ng day 2 ng protesta kontra katiwalian ng Iglesia ni Cristo,
00:24magpapatuloy rin ngayong araw ang Peace Rally ng United People's Initiative o UPI sa EDSA People Power Monument.
00:32Dari daw unang balita live mula kay Bea Pilak.
00:36Bea!
00:40Igan, generally peaceful daw ang rally dito sa People Power Monument sa Quezon City kahapon.
00:46Ayon sa pulisya, yan ay sa kabila ng namuong tensyon matapos harangin ng pulisya
00:51ang isang grupong may bit-bit na mga placard na ang nakalagay BBM Resign.
00:58Lahat tayo gusto natin bumabas.
01:01Let's not prevent anyone.
01:02But if you will insist to take those...
01:04Hindi, wala-wala-wala.
01:05Ang tanong namin, sir, ano ba yung dala nyo? May dala ba kayong placard?
01:10Marcos Resign.
01:11Sa unang araw ng rally sa People Power Monument sa Quezon City kahapon,
01:15nagkatensyon nang dumating ang grupo ni Eric Celis galing EDSA Shrine.
01:20Hinarang sila ng mga pulis dahil hindi raw sila kagrupo ng United People's Initiative
01:25ang grupong nag-organisa ng rally sa EDSA.
01:29Ayon kay Celis, isang dating kongresista raw mismo ang nag-imbita sa kanila roon.
01:34Humupa naman kalauna ng tensyon nang magkasundo ang UPI at grupo ni Celis.
01:39Minor ano lang po yun.
01:41At yan naman po eh, pag magkakakilala sila, pag nag-usap-usap,
01:46at the end of the day, doon pa rin sila ay papunta sa peaceful resolution or peaceful means.
01:53Sabi ng UPI, kaisa rin nila sa rally ang mga miyembro ng PDP laban,
01:58One Bang Samoro, mga religious group na KOJC o Kingdom of Jesus Christ,
02:03JIL o Jesus's Lord Church, at Iglesia ni Cristo.
02:07Ang pangako ng grupo sa LGU at pulisya,
02:10walang seditious remarks o pag-uudyok ng pag-aklas sa gobyerno sa kanilang kilos protesta.
02:16Sa isang pahayag, nanawagan ng UPI sa Pangulo na gumawa agad ng mga hakbang
02:22para may balikan nila ang kumpiyansa sa Office of the President.
02:26Sa gitna ng kaliwatkanang aligasyon na binitawan ni dating Akobicol Partylist Representative Zaldico
02:32laban sa kanya, dapat a nila magkaroon ng isang buo, independent at transparent na investigasyon tungkol dito.
02:41Dapat din daw ipag-utos ng Pangulo na may isa publiko lahat ng dokumento,
02:46pag-uusap at records kaugnay sa budget allocations, insertions at fund flows.
02:51Kung hindi raw ito agad matutugunan, dapat a nilang mag-resign na lang si Marcos.
02:57Sabi ni Palas Press Officer at Undersecretary Atty. Claire Castro,
03:00matagal nang sinisikap ng Pangulo na maayos ang aniyay kalat na iniwan ng nakaraan.
03:06Ang mga nagnanais daw na matanggal sa pwesto ang Pangulo
03:09ay mga taga-suporta umano ng mga tinatamaan sa mga investigasyon.
03:15Ayon sa Quezon City Police District,
03:17umabot sa 4,000 ang naitalang nag-rally sa People Power Monument kagabi.
03:22Posible raw na dumami ang bilang ng rallyista ngayong araw
03:25matapos bigyan ng Quezon City LGU ng Go Signal ang UPI
03:29para sa ikalawang araw ng rally mula alas 8 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
03:35Tatlong araw na rally ang plano ng UPI.
03:37Through coordination nila, nag-meeting, pumayag sila dun sa one day lang.
03:41But then ngayon kasi gusto nilang mag-extend.
03:44So ang naging suggestion natin, kailangan nilang mag-apply ng permit.
03:47And yun, in-approve naman po ng ating QCLGU.
03:49Ang ina-anticipate nila, mas marami kasi nakita nila ngayon yung mga participants.
03:55Nasa 1,700 polis siya ang magbabantay sa lugar ngayong araw.
04:03Igan pa naka-naka ang buhos ng ulan dito ngayon sa People Power Monument sa Quezon City.
04:09Hindi pa naman gaano mabigat itong daloy ng trapiko,
04:11lalo na at nagbukas nga ng zipper lane dito sa White Plains Avenue,
04:15pagitan niyan ng EDSA at Katipunan Avenue.
04:19Yan ang unang balita mula rito sa Quezon City.
04:21Bea Pinlock para sa GMA Integrated News.
04:25Ngayon naman po ay patuloy po ang dating ng mga member po ng Iglesia Ni Cristo
04:29para po sa ikalawang araw ng kanilang rally dito po sa Carina Grandstand.
04:33Pero yung kinalalagyan ko po ngayon,
04:34ay dito po ito sa may kahabaan ng Rojas Boulevard.
04:37At nakikita po natin, ako marami po yung mga kababayan natin dito.
04:39Actually, yung nakikita niyo yung mga tent,
04:41yan yung mga tent na tinulugan ng ating mga sumama sa rally.
04:48Dito na po sila nagpalipas ng magdamag.
04:50Dahil tatlong araw nga po itong rally ito ng Iglesia Ni Cristo.
04:53Ngayon, alamin nun natin yung ilang mga kapuso natin dito
04:59na nagpalipas ng magdamag.
05:00Ma'am, anong pong pangalan niyo?
05:01Sally po.
05:02Tagasahan po kayo ma'am?
05:03Angono po.
05:04Dito ba kayo nagpalipas ng magdamag?
05:06Opo.
05:06Kahapang sumama na kayo?
05:07Opo.
05:08Umaga.
05:09Anong ang plano niyo ngayong araw?
05:12Nandito pa rin.
05:13Sasama pa rin kayo?
05:14Opo.
05:14Hanggang martes po yan ang hapon.
05:16So, yung hanggang martes ay tatapusin niyo?
05:18Opo.
05:19May kasama kayo?
05:21Opo.
05:21Nasa po yung kasama?
05:22Andyan sa iba.
05:23Sa nag-gagala-gala yung iba.
05:25Yung iba lang si Church.
05:26Ano ba masasabi niyo dito sa ginaganap na rally na ito?
05:30Okay naman po.
05:31Ito'y kaisahan po ng Iglesia.
05:32Ano ba damdamin niyo sa mga isyong to na dinadala ng Iglesia daw sa rally?
05:38Eh, syempre po.
05:40Nandun kami sa ano na kailangan din namin isigaw.
05:45Yung dapat namin isigaw.
05:46Ano pa yung gusto niyo isigaw?
05:49Gusto niyo paratay?
05:50Na maging transparency po.
05:52Doon po sa mga nangyayari?
05:55Opo.
05:56Lumabas ang dapat lumabas.
05:57Opo.
05:58Ikulong yung dapat ikulong.
05:59Okay.
06:00Bakit doon sa mga nagiging takbo ba na pangyayari?
06:03Di ba kayo satisfied?
06:05Paano ba ang damdamin niyo?
06:08Syempre po, bilang mamamayan,
06:10hindi kami sangayon doon sa talamak na yung nakawan
06:15tapos hindi pa kami,
06:17kumbaga, wala kaming gagawin.
06:19Syempre mamamayan din po kami.
06:20Opo.
06:21Na kailangan din isigaw kung anong dapat sa bayan.
06:26Okay.
06:27Okay, yan.
06:28So, maraming salamat, ma'am Sally.
06:29Sige po.
06:30So, okay naman yung magdamag niyo.
06:32Di ba kayo inulan?
06:33Pag umulan po, syempre,
06:35ligpet at ayaw lang kami.
06:37Okay.
06:37Ayan, oo.
06:38Maraming salamat po.
06:40At kanina nga po ay kausap natin si PNP Chipnartates.
06:43At sabi nga ho niya,
06:44kahapon po ay umabot sa 650 million
06:47yung bilang ng pumunta dito sa Kirino Grandstand.
06:51At inaasahan nila na baka po ngayong araw neto ay madagdagan pa yung bilang.
06:57Kaya nagkaroon din ho sila ng adjustment doon sa mga ipinapatupad na patakaran
07:01para ho sa mga dadalo sa rally ngayong araw neto.
07:04Dahil ito po ay tatlong araw,
07:06so yung 650,000 po yung dumalo kahapon.
07:11So, 650,000.
07:12Umabot po ng 650,000.
07:14At sabi nga po ni PNP Chipnartates,
07:17ngayong araw neto baka daw po madagdagan yung bilang ng mga sasama.
07:22Kaya nagkakaroon ho ng mga konting revision doon sa pinapatupad nila mga patakaran.
07:27Actually, sabi niya, yung mga pulis hanggang dito lang po sa may bahagi
07:30ng Rojas Boulevard, gaya mga napag-usapan doon sa mga leader po
07:35ng rallying ito sa Quirino Grandstand na tatagal hanggang bukas.
07:40Mula po rito sa kanto ng Rojas Boulevard at PM Calao dito po sa Lungsod ng Maynila.
07:45Back to studio po tayo.
07:48Mahigpit pa rin nagbabantay ang polisya ngayong ikalawang araw ng rally
07:51ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo.
07:53At live mula sa Maynila, may unang balita si Pam Alegre.
07:57Pam!
08:00Ivan, good morning.
08:02Nananatili ang mataas na antas ng seguridad dito sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila.
08:09Nang magliwanag, agad nag-formation ang mga polis mula sa Manila Police District,
08:13Ermita Police Station.
08:15Maximum tolerance ang ipatutupad ng pulisya na ipinaaalala ng pamunuan ng PNP sa mga polis.
08:20Nagpaalala rin na gumamit lang ng necessary at appropriate force
08:24kapag nagkaroon lang ng insidente ng karahasan.
08:2716,000 na mga polis ang nakadeploy sa 3-day rally ng INC dito sa Quirino Grandstand.
08:33May mga nakaantabay rin ng mga ambulansya.
08:35Maula ng umaga at nanatili ang manakanakang ambon.
08:38Nagsimula na rin magsigising ang mga rallyista na nag-overnight sa luneta sa kanika nilang mga tent.
08:43Marami na rin ang nakapila sa mga portalet.
08:44Sa panulokan naman ng Rojas Boulevard at Katigbak Parkway, marami pang tent ang nakalatag sa mismong kalsada.
08:51May dumarating pang mga dadalo sa programa ngayong araw.
08:53Crowd estimate ng Manila MDR MO sa magdamag mula 10pm, 120,000 na mga tao.
08:59Pero inaasahang darami ang bilang na ito sa crowd estimate ngayong umaga.
09:02At dito naman sa ating kinatatayuan, dito sa may kahabaan din ng Rojas Boulevard ay patuloy rin yung pagdating ng mga tao at nabawasan na rin yung pagulan sa mga oras na ito.
09:13Ito ang unang balita mula rito sa Luneta, Bamalagre para sa GMA Integrating News.
09:18Matapos maglabas ang mga video tungkol sa 2025 budget insertions,
09:23panawagan ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulia,
09:26kay dating Kongressman Zaldico, maghain ng sinumpaang sa Laysay.
09:30Sa gantang abugado ni Co, wala na raw itong saysay dahil nahusgahan na ng Ombudsman ang kanyang kliyente.
09:37Tingin naman ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
09:40nagpapagamit lang si Co para pabagsakin si Pangulong Bongbong Marcos sa pwesto.
09:45May unang balita si Mav Gonzalez.
09:51Kasunod ng pagdawit ni dating Kongressman Zaldico kay Pangulong Bongbong Marcos sa umunay mga insertions sa 2025 budget,
09:58sa tingin daw ni Palace Press Officer Yusecler Castro, may gumagamit kay Co para pabagsakin ang Pangulo.
10:04Tingin ko, nagagamit. Nagamit, nagpagamit si Zaldico.
10:09Itinayin mo ito kasi ang gusto ng mga gusto magpabagsak sa Pangulo, e mawala ang Pangulo.
10:15Diba?
10:16Kaya maaang gamitin ito, personal ko ito, ito lang yung nababasa ko.
10:21Pinangakuan na kapag kami ang naging nasa pwesto,
10:25makapalitan ang Pangulo, hindi ka na uusigin.
10:29Nang tanungin kung sino sa tingin niya ang gumagamit kay Co,
10:31Alam naman natin kung sino ba yung gusto magpabagsak sa Pangulo.
10:36Sino ba yung naitanais na ipuesto ang iba sa kapalit ng Pangulo?
10:41Giip ng kampo ni Co, walang ganitong deal na nagpapagamit si Co.
10:45Ginagawa raw niya ito dahil oras na para gawin ang tama.
10:49Sa inilabas na video ni Co, ipinakita niya ang mga litrato ng mga hilera ng mga maleta
10:54na kanila raw i-deliver sa Pangulo at pinsan itong si dating House Speaker Martin Romualdez.
10:59Sa ilalim ng mga litrato, may mga nakalagay na date at may katagaring cash out.
11:04Hindi ipinaliwanag ni Co kung ano ang ibig sabihin ng mga petsang nakalagay sa mga litrato.
11:09Sa maleta, wala po kayo nakitang anumang ibibesya kundi maleta.
11:13At sana masuri niyo po yung mga dates na nakalagay dyan sa kanyang video.
11:19Miniligay po siya na 2024.
11:21Tating January 2024 hanggang November 2024.
11:24E nagumpisa po yung Bicam Conference noong November 2024.
11:27So, papaano po manasabi na nagkaroon na po ng bigyan ng maleta kung 2025 budget ang pag-uusapan?
11:37Meron date din na maleta mga January 2025, March, and May 2025.
11:43So, papaano din po mangyayari yun kung January 13 pa lang, 2025,
11:48ay hindi na po siya head ng Appropriations Committee, hindi na siya chair.
11:53So, saan man gagaling yung kanyang power?
11:55Anong susunod na hakbang ng Malacanang? Kasunod ng mga pahayagdiko?
12:00Sampahan siya ng kaso kung dapat sampahan.
12:02Yun lang. Wala, wala.
12:04Kasi ang Pangulo naman lagi isan sa bataseng.
12:07Lagi naman yan sa kung ano ang itinuturo ng ebidensya.
12:13May threat ba talaga?
12:14So, dapat tatunayan niya yan.
12:15Hindi pwedeng bibiglang yan.
12:17Sandaling magsalita. Yan.
12:18Pangalawa, kung meron talagang threat,
12:21ano ba ang sabi ng ombudsman?
12:24Poproteksyonan ka.
12:25Wala siya dapat ikatakot.
12:26Ang kinakatakot lang yan,
12:28e talaga masakdal siya,
12:30dalang ebidensya, e papunta talaga sa kanya.
12:32Kahit sabihin natin yung mag-estate witness siya,
12:34dahil may mga nagsasabi gawing state witness siya.
12:36Wala siyang isasole,
12:38dahil wala siyang sinabing kinuha niya.
12:40Doon pa lang,
12:41talagang sinesafety niya na yung sarili niya.
12:44Nanawagan na rin si ombudsman Jesus Crispin Remulia
12:47na maghain ang sworn affidavit si Ko.
12:50Pero sabi ng abogado ni Ko,
12:52walang puntong gawin nito,
12:53dahil hinusga na ani yan ng ombudsman ang kaso ng kliyente niya.
12:57Pilit din daw kung sasabihin naman ng ombudsman
12:59na kailangan nila ang sworn statement ni Ko
13:01para patutuhanan ang mga aligasyon niya sa videos.
13:04Dahil alinsunod daw sa ombudsman charter,
13:06ay kailangan niya imbestigahan kahit anonymous complaints.
13:10Kung gusto raw ng ombudsman,
13:12pwede siyang mag-imbestiga kahit walang sworn statement.
13:14Magsusumiti raw ng sworn statement si Ko
13:16kung naaayon ito sa layunin nila alinsunod sa procedural rules.
13:21Pero hindi raw niya papayagang magsumiti si Ko
13:23para lang makilaro sa anayay political games.
13:26Ito ang unang balita.
13:27Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
13:31Inspeksyon ng ICI ang mga fraud control projects
13:33sa ilang binahang lugar sa Cebu.
13:35Dada-discoverin ng komisyon na hindi sinunod
13:37ng Department of Public Works and Highways
13:39ang master plan ng mga river basin sa buong bansa.
13:44May unang balita si Luan May Rondina
13:46ng GMA Regional TV.
13:51Mahigit dalawang linggo matapos maranasan
13:54ang malawakang baha sa iba't ibang lugar sa Cebu,
13:57nag-inspeksyon sa flood control projects
13:58sa mga binahang lugar,
14:00ang ICI at mga opisyal sa DPWH.
14:03Una nilang sinuri ang flood control structures
14:06sa Barangay Tabok at Barangay Alang-Alang
14:08sa Mandawis City,
14:09kung saan makikita ang Butuanon River.
14:12Ang Butuanon River,
14:13na isang major waterway sa syudad,
14:15ang Umapaw,
14:16pumasok at sumira
14:18sa daandaang bahay sa lungsod.
14:20Nagpunta rin sila sa Barangay Tamiow
14:22sa bayan ng Kompostela,
14:24kung saan mahigit dalawampo ang nasawi
14:26matapos rumagasa ang mataas na level ng baha.
14:29Sa lungsod ng Talisay naman,
14:31pinuntahan rin ang ICI
14:32ang Mananga River
14:33na umapaw rin ang tubig
14:35at nalubog ang maraming kabahayan
14:37at subdivisions.
14:38Pito ang naitalang namatay sa Talisay City.
14:41Ayon kay Azurin,
14:42nakita nilang hindi sinunod
14:44ang master plan
14:45ng mga river basins
14:46sa buong bansa
14:47at mas nagfokus
14:49ang DPWH
14:50sa rebatement.
14:51Sinisiguro rin ang ICI
14:53na mapaayos agad
14:54ang mga nasirang
14:55flood control project
14:56at mapanagot
14:57ang nasa likod nito.
14:59Pag ibabangga mo
15:00yung ginawa nyo
15:00ng mga flood control dito
15:02versus yung ginawa nyo
15:04na sana
15:05na yung
15:05yung
15:06cuts basin
15:07dun sa
15:08ballmark na
15:09estimate ng ating
15:10regional director
15:11aminado naman siya
15:13na
15:13mas nakatipid sana tayo
15:15kung inuna natin
15:16yung
15:17river basin.
15:19Ito ang unang balita.
15:21Luan Merondina
15:22ng GMA Regional TV
15:23para sa GMA
15:24Integrated News.
15:26Gusto mo bang
15:27mauna sa mga balita?
15:29Mag-subscribe na
15:30sa GMA Integrated News
15:31sa YouTube
15:32at tumutok
15:33sa unang balita.
Recommended
6:58
|
Up next
47:44
14:14
22:19
24:47
48:26
21:45
23:02
48:09
50:53
44:58
17:01
12:51
18:58
Be the first to comment