Skip to playerSkip to main content
Panayam kay National Food Authority Administrator Larry Lacson ukol sa lagay ng mga NFA warehouse at supply ng bigas mula sa epekto ng Bagyong #TinoPH at #UwanPH

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kamustahin naman natin ang lagay ng mga NFA warehouse at supply ng bigas mula sa efekto ng Bagyong Tino at Bagyong Uwan
00:07kasama si National Food Authority Administrator Larry Laxon.
00:12Admin Larry, magandang tanghali po.
00:14Magandang tanghali. Asik Joey and Asik Weng, magandang tanghali po.
00:19Sir, ano po yung kasalukuyang kalagayan ng mga warehouse sa mga region na apektado po nung dalawang Bagyong Tino pati Uwan po?
00:27Sir, meron po bang lubahang naapektuhan?
00:31Well, medyo malapad yung inabot or naapektuhan ng Bagyong.
00:36Pero sa kabutihang palad, yung mga naapektuhan natin nasa bandang norte.
00:42Yung sa may Nuerra Vizcaya, sa Bayombong at sa Balabag, medyo nasira yung warehouse natin doon.
00:50At saka yung isang opisina natin sa La Union, yung regional office natin, nasira yung bubong.
00:57Ang kainaman naman, kahit nasira itong mga facilities natin na ito, hindi naapektuhan ng ating mga stocks.
01:04Dahil bago pa man dumating ang mga bagyo, tinatakloban din natin ng mga tarpolina at plastic yung ating mga stocks kahit nasa loob ng bodega.
01:12Sir, ayon po sa ulat, may nakahandang 2.57 million na bag ng bigas mula sa NFA para sa relief operations.
01:22Pwede niyo po bang ilahad sa amin kung ilan pa yung naipamahagi at saan ang mga LGU or regions ito naipaabot?
01:27Tama yun, nasa mayigit 2.5 million ang ating stocks na pwedeng ipamahagi.
01:34And out of that volume, nakapamahagi na tayo as of noong Thursday, yung last count natin,
01:42naka-101,000 bags na tayo na na-distribute sa iba't ibang mga LGUs including yung ating DSWD at OCD.
01:53Nakapag-distribute tayo sa Isabela, sa Nueva Vizcaya, at dyan sa Region 3.
02:01Marami tayong na-distribute sa Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac.
02:05Gayun din sa may Region 5, marami po dyan kasi malaki tinamahan ng bagyo dyan.
02:14Katanduanes, Albay, Camarines Sur at Camarines Norte.
02:18Marami tayong na-distribute dyan.
02:21Including, alam naman natin na bago pa man tumama ang bagyo, dito sa Region 7, particular sa Cebu,
02:29dyan marami po tayong na-distribute dyan.
02:32Itong nakaraang Tino at Uwan, naka-26,000 bags tayo na na-distribute dyan sa Cebu.
02:40Admin, dahil po sa nagdaang dalawang bagyo po, meron po bang sa inyong monitoring po,
02:47meron po ba kayong natukoy na kailangang ilipat o punan na mga stocks,
02:52lalo na po doon sa mga region na pinaka-nangangailangan nito?
02:56Sa ngayon, walang immediate need, pero syempre habang nababawasan nito at hanggang sa kasalukuyan ay nagdi-disperse pa rin tayo ng bigas.
03:08Once matapos ito, ina-assess naman agad-agad dito at ino-augment ng ating mga stocks coming from other regions na maladyo malapit.
03:17So sa ngayon, we don't see any need for immediate replenishment since enough naman yung ating preposition ng mga stocks sa bawat mga warehouses natin nationwide dito.
03:29Sir, sa inyong pananaw, sapat po ba yung kasalukuyang kapasidad ng imbaka ng NFA para sa buffer stocks sa harap ng sunod-sunod na bagyo tulad nitong Tino at Uwan?
03:38Ah yes, oo, sapat na sapat ito. At yun lang, ang medyo nag-suffer ng kaunti yung ating ability to buy palay dahil na puno.
03:52Pero kung ang pag-uusapan naman yan ay sapat, ay sapat ito. At kaakibat naman yan, nagagawa natin ng para, nakakapamili pa rin tayo ng palay mula sa magsasaka para at least naibsang din yung hirap sa kanilang pagsasaka.
04:09Lalo na't ngayon pa lang, unti-unti, umaangat ang presyo ng palay. So overall, ano to, sapat ito?
04:15Admin, kamusta naman po yung rapid response distribution ng bigas sa mga evacuation center doon sa mga apektadong probinsya po?
04:26Nagkaroon po ba kayo ng challenge sa pag-mobilize ng stocks mula sa warehouse patungo po doon sa mga affected area?
04:36Well, ganito kasi ang sistema doon sa mga affected areas.
04:39Usually, ang sistema, ang kumukuha sa atin ay ang track ng mga agencies, relief agencies like DSWD, OCD.
04:50And sometimes, ang LGU ang ating pagbibigyan, sila na po ang kumukuha mismo sa ating mga warehouses.
04:58So in terms of NFA, wala naman po tayong naitala na difficulty with regards to sa distribution ng rice na yan.
05:07And ang ginawa natin, since calamity ano yan, ang laging nating target is at least 48 hours mairelease agad yan.
05:17Pero internal target namin, dapat within 24 hours mairelease agad.
05:21At which, yun yung ginagawa natin.
05:23So may mga region po ba o mga pantalan na nahaharap sa logistical challenges para makalabas yung mga bigas ng NFA para doon dalihin sa mga apektadong lugar?
05:33Kung meron man, meron po ba kayong lugar na may babahagi sa amin?
05:39At saka paano nyo po ito nasolusyonan?
05:42Sa ngayon, in terms of NFA operation, wala tayong na-monitor na difficulty sa mga pantalan at sa logistics.
05:50But I don't know doon sa mga ibang mga ehensya ng gobyerno.
05:55But so far, sa NFA, dahil nakapag-preposition naman tayo, walang ganong urgent need to move stocks.
06:03Kanya siguro hindi natin ito naramdaman.
06:06Admin, last week nakausap po namin si ASEC Panlilio po ng DA at nabanggit nyo nga po na palay talaga yung isa sa mga napuruhan na produkto, agricultural product.
06:19At nabanggit nyo po kanina na baka magkaroon po tayo ng hamon sa pagbili po ng palay.
06:25So, kamusta po? Ano po yung plano natin para tuluyan pong maging stable naman po yung supply ng bigas sa merkado sa kabila po ng mga nagdaang kalamidad?
06:38Oo. Yung sa pagbili ng palay sa ating mga magsasaka, na solusyonan naman natin yan dahil halos natapos na rin yung mga pinaparepare nating mga warehouses.
06:50And at the same time, patuloy ang giling natin ng bigas para at least makapag-free up tayo ng space.
06:56In terms of meal grinds or bigas for distribution, alam naman natin medyo aggressive nga yun ang rollout ng bentin bigas meron na sa buong kapuluan.
07:07And at the same time, yung mga recent launch, marami talagang bumibili doon sa mga calamity-streak and areas like Cebu,
07:18kung saan nag-o-open din tayo ng mga bentin bigas meron na outlet.
07:24So, diredenate yun ang release natin so that ang merkado mas-stabilize, hindi masyadong magtaas ang presyo ng biling kamukha ng bigas.
07:35So, yun ang ating pamamaraan dyan together with the Department of Agriculture, nireroll out, together with the FTI also, nireroll out natin yung bentin bigas.
07:47Para at least stable ang price at merong available na murang bigas para sa ating mga kababayan na nasa lantaan ng bagyo.
07:55Yung magkasunod ano, paano po mamimaintain yung buffer ng bigas at saka yung para po doon sa bentin bigas?
08:03Kasi alam naman po natin na sa mga susunod na buwan ay baka maubusan dahil na epektohan ng bagyong ito.
08:10Dahil ngayon, ang niririlis po natin ay yung mga nakaraang buwan na mga na-harvest.
08:15Okay. In terms of that concern, yung sa buffer stock natin, siguro bigyan ko yun ang mga ganda-gandang context yan.
08:25Habang tayo yung nag-di-distribute ng bigas, whether it's for calamity, bentin bigas,
08:32actually, ang ating buffer stock sa buwan, sa buong kapuluan, ay tumataas pa.
08:37Huling tala natin, nasa 453,000 metric tons.
08:41Ngayon, ang huling report na napunta sa akin, naging 460,000 bags, metric tons pa ang ating stock, meaning tumataas pa.
08:52Ibig sabihin, habang nag-re-release tayo, mas marami pa rin yung nagbibili na ating talay mula sa ating mga magsasaka.
09:00That's why, umaangat pa ang buffer stock level natin.
09:04So, wala tayong dapat pangamba pagdating sa ating buffer stock at sa pagtugon sa mga kalamidad na kamukaan itong mga nagdaang mga bagyo.
09:17Admin, para po sa long-term planning, meron po bang hakbang ang NFA na palawakin o palakasin po yung capacity ng mga warehouse sa mga region na madalas pong tamaan ng mga bagyo?
09:30Ah, yes, meron tayo nyan. In fact, we have a multi-year program kung saan strategically nilolocate natin yung mga bagong mga warehouses na talaga namang climate resilient.
09:43Kahit 300 to 350 kilometers per hour na bagyo, they can withstand.
09:50So, ito ay tuloy-tuloy na programa nationwide. Ang initial nyan, mga 36 bagong construction at saka yung mga nirepair natin, yung mga around 130 na warehouses.
10:02So, yan yung ating long-term plan so that mas maraming warehouse, mas maraming imbakan, mas maraming mapuposisyon sa mga areas na vulnerable sa mga sakuna or kalamidad sa mukha ng mga bagyo.
10:16So, sir, sa ibang usapin naman po, ano po ang naging basihan ng NFA para magsampan ang kasong plunder laban sa isang empleyado nito?
10:25At gaano po kalaki ang nawawalang supply ng bigas at palay na hindi niya naipaliwanag mula pa noong 2021?
10:33Well, ito ay ano-ano, meron tayong mga tinatawag ng stock accountable officers.
10:37So, sila ay humahawak ng mga stock. So, kapag through audit, hindi may paliwanag kung bakit nagkulang ang stocks niya kasi nire-record ang pagpasok at nire-record ang paglabas.
10:51Kapag may mga discrepancy at nagkulang, tinapag-explain natin.
10:55Pag hindi kayang i-explain, then saka natin tinuturo investigate.
11:00And then, until, yun nga, nahahantong sa pagsasampan ng kaso kung tinakailangan.
11:06At which dito, ngayon, tingin natin malakas ang kaso.
11:09Since 2021, nakapag-accumulate ng more than 15 million shortages na kailangan niyang panagutan.
11:16So, yun ang ginagawa natin.
11:20Kasama ito sa ating mandato na tignan at pangalagaan ng resources ng NFA.
11:28Itugon din ito sa panawagan ng Pangulo for good governance at si Sekretary Kiko na ito nga,
11:36pagbutihin ng servisyo sa ating mga kababayan.
11:39Parte ito, no, ng ating tugon para mapigilan ang mga pagkakamalig sa mga aensya.
11:47Admin, without having to go into much detail dahil alam nga natin na magsasampa kayo ng kaso,
11:52kamusta po yung imbestigasyon at may kasabwat po ba itong kakasuhan ng plunder?
12:00Sa ngayon ay tingitignan lahat ng angulo na yan.
12:04And tingin namin, once ma-filan ng kaso at mag-hearing na,
12:12probably baka mas masabi siya na kung sino pwede niyang kasama pa dyan.
12:18Pero right now, it's still under finalization and investigation so that we will have an airtight case against the person.
12:26So sir, ano po yung mga reformang ipinatutupad ngayon ng NFA para maiwasang maulit yung ganitong insidente,
12:32lalo na sa tracking, inventory at security ng bigas at palay doon sa inyong mga warehouses?
12:37Sa ngayon, mayroon tayong programa yung digitalization hanggang 2028 kung saan dini-digitalize lahat natin yung transaksyon.
12:50And at the same time, yung sinabi ko kaninang modernization ng mga facilities,
12:54ito ay interconnected na by a app.
12:57Lahat makikita natin real-time.
13:00Kahit ako nasa opisina o nasa man ako sa party ng mundo, makikita ko kung ilan yung stocks, ilan yung ginigiling, ilan yung pinapatuyo.
13:08So part of the modernization na ginagawa natin just to ensure na yung stocks integrity ay nandun at hindi nawawala.
13:17So lahat pa nyan, kaakibat nyan, may mga CCTV pa, etc.
13:21So ito yung ginagawa natin under the modernization ng NFA.
13:28So yun, it's an exciting time ahead para sa mas mabuting servisyo.
13:34Bilang panghuli na lamang po, admin, mensahin nyo na lamang po sa ating mga kababayan na bumabangon po mula po sa dalawang nagdaambagyo.
13:43Sa mga kababayan natin, ang NSA po, katuwang ang Department of Agriculture, ang FTI, ay pupunta po sa mga nasalantanang bagyo na mga lugar
13:55kung saan maggagawin pong available ang benteng bigas para po makatulong.
14:00Alam po natin, after po magbigay ng DSWD, ng OCD, ng mga ayuda, mauubos din po yan at natural, bibili rin po tayo ng bigas.
14:10Doon po, magiging available ang benteng bigas meron na ng ating Pangulo para kayo po ay masuportahan sa inyong pagbangon.
14:20Alright, maraming salamat po sa inyong oras, National Food Authority Administrator Larry Laxon.
14:27Thank you, sir.

Recommended