00:00Sa ibang balita, magkakasa ang Senado ng pagdinig hinggil sa online gambling sa susunod na linggo.
00:07Geet ng mga senador, hindi ito dapat ipagsawalang bahala,
00:11lalot marami ng individual at pamilya ang naapektuhan ng online sugal.
00:17Si Daniel Manalastas sa Sentro ng Balita.
00:22Posibleng sa susunod na linggo, simula na ng mga senador ang pagdinig hinggil sa kontrobersyal ngayon na online gambling sa bansa.
00:30Nais matanong ni Senate Committee on Games and Amusement, Chairperson Erwin Tulfo, ang mga sektor hinggil sa usapin.
00:38And I will say, ito ang problema natin ngayon, diba? We need to stop this.
00:43But kung mayroong ko kontra, sabihin ko, I want to listen, I want to hear. Ano ba yun?
00:47Kasi kung sa sabihin na kita ng gobyerno, we understand that.
00:53Pero kung mas marami naman yung negative effects sa positive, pwede ba patitigil, diba?
00:58Maraming nasisira ang...
01:00Kahapon sa plenaryo, binanatan ang mga senador ang online gambling at maraming senador ang tumayo para manawagang ipatigil na ito.
01:08Ito na po mga kababayan, ang bagong wedding. Digital na pang-pamilya pa.
01:15Pwedeng tumaya pagkagising sa umaga.
01:19Pwedeng tumaya habang nakaupo sa kubeta.
01:23Pwedeng sa gitna ng trabaho.
01:25Pwede siya bayahe pa uwi.
01:27Hindi na natin kayang ipasawalang bahala lamang ang realidad na ito.
01:33Isipin nyo, tataya ka lang ng 20 pesos. Napakadali.
01:38Parang walang mawawala.
01:40Pero unti-unti ka nang nalululong at hindi na 20 pesos ang pinag-uusapan.
01:44Pera na sana ay pang-kain, pang-enroll, pang-bayad ng kuryente, etc. Nawawala.
01:54Si Senadora Risa Honteveros naman, sinita ang mga e-wallets na nagbibigay daan umano para makataya online.
02:02Hindi ko rin maintindihan bakit hanggang ngayon tahimik na tahimik itong mga entity na ito sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa online gambling.
02:12Ang kapatid naman ni Sen. Erwin na si Sen. Rafi Tulfo na una nang naghain ang panukalang batas na nagalayong ipagbawal ang online sugal.
02:22Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.