Arrest warrant vs. Sara Discaya at iba pang akusado sa 'ghost' flood control project sa Davao Occidental, ilalabas ngayong linggo ayon kay PBBM | ulat ni Kenneth Paciente
For more news, visit: ►https://www.ptvnews.ph/
Subscribe to our DailyMotion Channel: ►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated
Subscribe to our YouTube channel: ►http://www.youtube.com/ptvphilippines
Like our Facebook pages: ►PTV: http://facebook.com/PTVph ►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas
Follow us on Twitter: ►http://twitter.com/PTVph
Follow us on Instagram: ►https://www.instagram.com/ptvph
Watch our livestream on: ►http://ptvnews.ph/livestream/ ►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines
Watch our News Programs, every Mondays to Fridays
Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm | 6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm PTV Sports - 8:00 - 9:00 am Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm
00:00Una po sa ating mga balita, tila meron na rin sariling countdown ang contractor na si Sara Descaya.
00:07Ito'y dahil ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nakatakda ng ilabas ang arrest warrant laban sa kontratista at iba pang akusado sa ghost project sa Davao Occidental.
00:19Kaugnay niyan, inilatag din ng Pangulo ang hakbang ng Korte laban sa magkapatid na kongresista na iniimbestigahan dahil sa umano'y katiwalian.
00:27Si Kenneth Pasyente sa sentro ng balita.
00:33Makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas. Before Christmas, makukulong na sila.
00:39Yan ang malinaw na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong November 13 kung saan tiniyak niya na mapapanagot ang mga individual na iniuugnay sa maanumalyang flood control projects.
00:50At ngayong araw, matapos ang halos isang buwan, nagbigay ng panibagong update ang Pangulo.
00:55Giit niya, posibleng ma-aresto na ngayong linggo ang kontraktor na si Sara Descaya at iba pang individual na sangkot umano sa irregularidad sa ilang proyekto kontrabaha sa Davao Occidental.
01:06Inaasahan na rin natin lalabas ang warrant of arrest na ni Sara Descaya itong linggong ito at hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya.
01:16Una nang nag-deploy ang pambansang pulisya ng tracker teams para matuntun ang kinaruroonan ni Descaya at iba pang dawit sa anomalya.
01:24Bagaman hindi na pinangalanan pa ng Pangulo, may mga individual na rin anya ang nagsabing susuko na sa NBI.
01:30Mayroon din walong taga DPWH sa Davao Occidental na nagpadala na ng sulat na sila ay magsusurender sa NBI dahil sa hinaharap nilang mga kaso.
01:42Kasunod nito, ibinalita rin ng punong ehekutibo ang karagdagang mga ari-arian na pinatawa ng freeze order ng Court of Appeals.
01:50Partikular na rito ang mga ari-arian at accounts ng isang construction firm na iniuugnay din sa flood control scandal.
01:56Sakot ng freeze order ang mga account at ari-arian ng Silver Wolves Construction Corporation at Skyyard Aviation Corporation.
02:07Pati na rin ang mga personal account at asset ng mga individual na nasangkot sa imbisigasyon.
02:12Kabilang ay si Congressman Eric Yap at Edvi Yap.
02:16May mahigit 16 billion na ang pumasok sa mga transaksyon ng Silver Wolves mula 2022 hanggang 2025
02:25na karamihan ay may kaugnayan sa mga flood control project ng DPWH.
02:30Ang Silver Wolves Construction Corporation na binanggit ng Pangulo ay iniuugnay sa umano'y hindi tapos na flood control project sa La Union.
02:38Una ng iginiit ng ombudsman na si Benguet Representative Eric Yap ang beneficial owner ng kumpanya.
02:44Bagaman sinabing nag-divest na siya noon.
02:47Habang si Act CIS Rep. Edvi Yap ay inaakusahan na nakatanggap umano ng pera mula sa constructor couple na sina Curly at Sara Diskaya.
02:56Wala pang inilalabas ang dalawang mambabatas na opisyal na pahayag sa ngayon.
03:00Kabuhuang 280 bank account ang na-freeze, 22 insurance policy, 3 securities account at 8 sasakyang panghimpapawid kabilang ang mga eroplano at helikopter na konektado sa Skyyard Aviation.
03:16Ipinunto ng Pangulo na malaking bagay ang freeze order para maiwasan na ang paggalaw o pagbebenta ng naturang mga assets habang kasalukuyan ang investigasyon.
03:25Kailangan natin ang mga freeze order na ito para hindi maibenta ang mga ari-arian at para maibalik natin sa ating mga kababayan ang bawat pisong pinaghihinalaang ninakaw.
03:37Sa kabila ng usad na ito sa isyo ng malawakang korupsyon sa flood control projects, tiniyak ng punong ehekutibo na patuloy na tutugisin ang mga nasasangkot.
03:46Magpapatuloy ang ambisigasyon, magpapatuloy ang pagpapanagot at titiyakin ng pamahalaan na ang pera ng bayan ay maibabalik sa taong bayan.
03:56Kenneth, Pasyente, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Be the first to comment