00:00Inaasahan na ang mas malaliman at patas sa pagsisiyasat sa mga anomalya sa flood control projects sa loob ng sampung taon.
00:09Tay dahil pinagtibay na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo sa Independent Commission na binubuo ng tatlong miyembro.
00:18Ngunit, ano-ano nga ba ang kanilang kapangyarihan? Alamin natin sa Sentro ng Balita ni Kenneth Pasyente.
00:24Sa visa ng Executive Order No. 94, itatatag ang independent body na mag-iimbestiga sa anomalya sa flood control projects at ibang proyekto na pinupondohan ng gobyerno.
00:38Tatawagin itong Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:42Pangungunahan ang komisyon ng isang chairperson at dalawang miyembro.
00:47Mapipili sila dahil sa kanilang competence at indekridad.
00:50Mandato ng ICI ang pagbinig, pag-iimbestiga, pagkalap ng ebidensya, intelligence reports at iba pang impormasyon laban sa mga opisyal ng gobyerno.
00:59Sakop ng pagsisiyasat ang mga proyekto ng gobyerno sa nakalipas na sampung taon.
01:04Kasama sa kapangyarihan ng ICI ang pagre-rekomenda ng paghahain ng criminal, civil at administrative cases sa Office of the President, Ombudsman, DOJ at CSC.
01:14Kasama sa function ng Independent Commission for Infrastructure ang hearings, pagkuhan ng testimonya ng mga sangkot sa isyo at pagtimbang sa mga ebidensya.
01:23Maging ang pag-issue ng sabpina para sa mga witness at pagkuhan ng mga dokumentong kailangan sa fact-finding at investigasyon nito.
01:30Pwede rin silang magtakda sa individual na maaari siyang mag-apply sa Witness Protection, Security and Benefit Program.
01:36Ang ICI din ang may kapangyarihan mag-rekomenda sa DOJ kung ang isang individual ay maaaring maging state witness.
01:43Maaari rin itong i-request o makuha ang mga impormasyon at mga dokumento sa mga isinagawang investigasyon mula sa Kongreso at Senado.
01:51May kapangyarihan din ang komisyon na mag-rekomenda o request para sa whole departure order.
01:55Kasama rin ang request para sa pag-freeze o seizure ng assets, funds, deposits at ari-arian ng isang individual na mapapatunayang konektado sa mga anomalyang flood control
02:05at infrastructure project habang isinasagawa ang investigasyon.
02:10Kasama rin sa mandato nito ang madalas na pagbibigay ng impormasyon sa mga otoridad para sa mabilis na prosekusyon
02:15at ang pag-re-rekomenda sa otoridad kung kinakailangan ng pre-emptive suspension sa mga sangkot na opisyal ng gobyerno.
02:23Nakasaad din sa EO na maaaring mapatawan ng Administrative Disciplinary Action
02:27ang mga individual na tatanggi o hindi susunod sa sabpina ng walang sapat na dahilan.
02:32Bubuoy naman ang sekretaryat ng ICI sa pangungunan ng isang executive director na itatalaga ng pangulo na may ranggo bilang undersecretary.
02:41Naatasa namang umasiste sa ICI ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa ilalim ng executive branch
02:46kabilang na ang DOJ, NBI, National Prosecution Service, DILG, PNP at iba pa.
02:53Buwan-buwan ang pagre-report ng ICI sa Office of the President
02:57habang naatasa naman ang DBM na humanap ng kaukulang pondo para sa implementasyon ng EO.
03:02Una ng sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na walang politikong magiging miyembro ng Independent Commission for Infrastructure.
03:09Kenneth, pasyente. Para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.