Skip to playerSkip to main content
  • 2 weeks ago
MIL 101 | Ano ang social media algorithms at paano nito naapektuhan ang mga nakikita mo online?

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa panahon ng digital age, halos bawat galaw natin online, may kaakibat na sistema na nag-aayos ng content na makikita natin.
00:10Mula sa panonood ng videos, pag-scroll sa social media accounts natin, hanggang sa paghahanap ng impormasyon.
00:17Isa sa mga pangunahing gabay natin dito ay ang tinatawag na algorithm.
00:23Pero, ano nga ba ang papel nito at paano ito naka-apekto sa ating online experience?
00:29Alamin natin yan ngayong umaga dito lamang sa M.A.L. 101.
00:40Ito ah, napapansin nyo ba na lagi lumalabas sa inyong social media feed ang videos at posts na gusto nyo?
00:49Minsan, iniisip natin kung paano nalalaman ng mga social media platform kung anong interest natin.
00:55Ang daylan nito ay isang sistema na gumagabay sa ating online experience.
01:02Ito ang tinatawag natin na algorithm.
01:04Ang algorithm po ay isang sistema na ginagamit ng mga social media platform upang i-track at i-analyze ang paggamit ng mga tao sa kanilang accounts.
01:14Sa tulong nito, natutukoy kung ano-anong contents ang mga gusto at madalas mong pinapanood o tinitingnan.
01:22Ngayon, paano ba ito gumagana?
01:25Halimbawa, sa mga platform gaya ng Facebook, TikTok o YouTube, kinagamit ng algorithm ang data mula sa videos na pinapanood mo.
01:34Kapag na-track nitong mahilig ka sa travel vlogs o K-pop content, mas marami kang makikitang katulad nito sa iyong feed.
01:42Ayon sa isang pag-aaral last year, karamihan sa mga kabataan kumukuha ng impormasyon mula sa mga algorithmic recommendations ng social media.
01:53Subalit, hindi lahat ng epekto ng algorithms ay maganda.
01:58Ayon sa Harvard Business Review, maari din itong magdulot ng tinatawag na filter bubble.
02:04Ibig sabihin, kadalasan ang nakikita mo online ay yung mga paborito mong topic lamang.
02:11Dahil dito, madaling maging bias ang pananaw mo at hindi mo na napapansin ang ibang side o impormasyong, mahalaga rin malaman.
02:20Kaya mga ka-RSP, laging tandaan.
02:24Una, ang algorithm ay tool lamang.
02:27Kaya nasa atin pa rin kung paano natin ito gagamitin.
02:31Pangalawa, dapat maging mapanuri sa mga impormasyong lumalabas sa ating feed.
02:39Pangatlo, i-verify muna ang sources bago magbahagi ng balita o impormasyon.
02:46At huli at higit sa lahat, gamitin ang social media ng may disiplina at tamang pag-unawa.
02:55Ang pagiging digitally literate ay hindi lang tungkol sa paggamit ng teknolohiya,
02:59kundi sa pag-unawa kung paano ito gumagana at kung paano ito nakaapekto sa ating pananaw.
03:07Kaya patuloy tayo maging responsable, mapanuri at maalam sa paggamit ng internet.
03:15Yan muna ang ating napag-usapan dito lang sa MIL 101.

Recommended