00:00Mga residente naman ng Paranaque City ang nabigyan ng libring gamutan ng Love for All ni Unang Ginang Liza Marcos.
00:07Bukod sa libring gamutan, naroon din ang Department of Trade and Industry para gabayan ng mga nais magnegosyo.
00:14Yan ang ulat ni Denise Osonyo.
00:17Healthcare ang tinarget ng mga dumalo sa Love for All caravan sa Paranaque ngayong araw.
00:23Kakibat kasi ng sakit ang gasto sa paghahabol ng check-up, tests at mga gamot.
00:28Kapansin-pansin din na mas maraming mga kababaihan ang dumagsa.
00:32Ilan sa kanila, mga buntis, may bitbit na bulinggit.
00:35Ang iba naman, kasama ang kanilang senior na kamag-anak.
00:39Tulad ni Maricel Rodolfo, pumunta siya para mapatignan ang kanyang thyroid
00:43at umaasang makakuha ng libring gamot pati na rin para sa anak niyang may problema sa mata.
00:49Aniya, malaki ang nababawas kapag may libring tulong pang kalusugan.
00:54Oo naman, sobrang laki, lalo pag-laboratory.
00:57Kasi mahalang laboratory sa labas.
01:00Lubos rin ang pasasalamat ni Maricel sa unang ginang Lisa Araneta Marcos
01:04at sa pamahalaan para sa pangangalaga nila sa mga naghihirap na mga kababayan.
01:10Kasama rin sa mga nakinabang si Jolly Badyon na manganganak na sa March 20.
01:15Aniya, kapansin-pansin na mas malawak na ngayon ang abot ng servisyo ng pamahalaan kumpara noon
01:21dahil mas marami na ang nasusuportahang Pilipino.
01:24Sa ganitong setup, mas napapadali ang unang hakbang sa pagpapagamot tulad ng screening, basic checks at health advice
01:46para maagang matukoy ang posibleng problema bago pa lumala.
01:50Binigyan din ng unang ginang ang pagtutok sa kalusugan ng nanay at ng sanggol
01:56dahil kritikal ang mga unang buwan at taon sa paglaki ng bata.
02:00I see many pregnant women and babies here today. So as you know, we have this new program the first 1,000 days
02:09kasi mga nanay dapat alagaan yung mga anak nila from the time they're conceived until the first 1,000 days
02:17so that they're malusog.
02:20Pero para sa marami, hindi natatapos sa isang araw ang healthcare kasi may follow-up checkups, gamot
02:27at minsan may tests pang kailangang balikan.
02:31Kaya kasama rin sa programang Love for All ang Department of Trade and Industry
02:34dahil kapag may kabuhayan, mas may pangtustos sa tuloy-tuloy na pagpapagamot at nutrisyon ng pamilya.
02:41We have the Women-Led Business Fund. We also have the Women-Owned Fund.
02:47We're setting aside 2 billion po para sa mga MSMEs that are owned by women
02:54na pwede silang mag-invest, pwede silang mag-grow kasi ang gusto po ng ating Pangulo is to have a double income family.
03:02So meron na tayong fund para yung mother makapag-umpisa ng kahit maliit na negosyo sa bahay hanggang lumago po ito.
03:10Dagdag pa ni Roque, karaniwan sa malalaking negosyo ay nagsimula bilang mga MSME
03:15at 60% ng mga ito ay pagmamay-ari ng kababaihan.
03:20Tututukan naman ang Paranaque LGU ang continuity para sa healthcare ng kanilang mga benepisyaryo
03:25sa kanilang health centers para sa primary care at sa ospital para sa mas malalim na problema.
03:32Binibigyang importansya nila ang prevention para makaiwas sa hinaharap na karamdaman
03:36kung kaya't libre sa kanilang pagamutan at health centers ang mga bakuna para sa mga bata at mga senior.
03:43Maliban sa paglapit ng primary health care sa mga residente ng Paranaque,
03:48malakas din ang pagtulak ng empowerment para sa mga kababaihan ngayong buwan ng pagmamahalan.
03:54Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments