00:00Naging matagumpay ang kauna-unahang stereotactic radio surgery na isinagawa sa isang pampublikong ospital sa Davao City.
00:08Yan ang ulat ni Jaira Montez-Alice ng PTV Davao.
00:14Historic milestone sa larangan ng medical services sa Pilipinas,
00:18ang matagumpay at kauna-unahang stereotactic radio surgery sa loob na isang pampublikong ospital sa Davao City na Southern Philippines Medical Center o SPMC.
00:28Ang stereotactic radio surgery ay isang highly precise non-invasive medical procedure na gumagamit ng radiation para matunaw ang mga maliliit na tumor sa mga apektadong bahagi ng katawan gaya ng utak, spinal cord, baga at iba pa.
00:46Makatutulong ito para hindi maging sanhi ng cancer ang tungubong tumor sa katawan.
00:51Hindi ito katulad ng tradisyonal na open surgery dahil mas moderno at advanced ang SRS procedure.
00:59Samantala, ang pasyente ay nasa 27 years old na taga Davao City.
01:04Isa siyang virtual assistant at nare-reklamo nito ang pagsakit ng kanyang mata at ulo.
01:10May pagsusuka rin ito na naranasan.
01:13Kaya naman, nang tingnan sa detailed imaging, nakita na meron itong meningioma o bukol sa kanyang bahagi ng utak.
01:20He then opted not to undergo surgery under the knife. So this was the option that was given to him by the neurosurgeon. So he was referred to us for such na talaga radiosurgery because he met the criteria.
01:38Sa araw ng surgery, sinabi ng mga doktor na aabot sa 15 to 30 minutes ang procedure depende sa laki at lokasyon ng bukol.
01:47Sa nasabing procedure, dalawang bukol o lesions ang target ng mga medical professionals sa nasabing surgery.
01:54So kailangan na nasa tamang posisyon ang mga pasyente upang maging angkop ang pagdetect ng mga bukol na kailangang tunawin.
02:02In terms of local control, it approaches 100%, 97%, very effective because of its ability to deliver a high dose of radiation to limited areas of the brain.
02:18Maaari namang makauwi na ang pasyente pagkatapos ng surgery. Kailangan lang ang hanggang limang araw na follow-up sa kanyang treatment.
02:25Well, subsequent days, we checked if he was alright, he's doing fine, kung okay lang ba siya, he was tolerating the treatment well, or if there are any minor side effects, kung maaari, headaches, we give him the appropriate medications.
02:42Sa isinagawang procedure, mas pinaigting ng SPMC na mapaunlad ang kakayahan ng government hospital na maging moderno at advanced ang pagbibigay ng medikal na serbisyo, lalo na sa lubos na nangangailangan.
02:57Mula rito sa PTV Davao, Jaira Mundez para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments