Skip to playerSkip to main content
  • 8 months ago
Higit 300 returning OFWs sa SOCCSKSARGEN, nakatanggap ng bagong oportunidad mula sa pamahalaan; tulong pinansyal, ibinigay sa distressed, maltreated, at illegally recruited OFWs | ulat n Aurea Marie Belgera - PIA SOCCSKSARGEN

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, daan-daang overseas Filipino workers sa Soxergen na piniling manatini na lang sa Pilipinas ang nakatanggap ng bagong oportunidad mula sa pamahalaan.
00:10Kabilang na dito ang bagong kabuhayan at pag-upgrade ng kanilang mga kakayahan.
00:15Si Aurea Balguera ng PIA Soxergen sa Santo ng Balita.
00:18Mahigit tatlong daang returning overseas Filipino workers sa Soxergen region ang nagtipon sa kauna-unahang National Reintegration Network Grand Summit 2025 ng Department of Migrant Workers o DMW na ginanap sa City of Coronadala.
00:36Layunin na aktibidad na mabigyan ng bagong pag-asa at oportunidad ang mga OFW na nagdesisyong manatini sa Pilipinas matapos ang kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.
00:46Sa naturang one-day summit, nakatanggap ang mga OFW ng direktang serbisyo mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng PhilHealth at Pag-ibig Fund para sa Social Protection Programs,
00:58DOST para sa Livelihood at Innovation Support, at TESDA para sa Skills Upgrading.
01:03Nagbigay rin ang kanilang serbisyo ang Overseas Workers' Welfare Administration habang nagsagawa naman ang local job fair ang Department of Labor and Employment
01:12na nag-ugnay sa mga OFW sa 12 recruitment agencies at 15 private employers para sa agarang oportunidad at trabaho.
01:21Binigyang diin ni DMW Regional Director Sam Sudin Lintungan na ang programa ay bahagi ng whole-of-government approach ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:30upang matiyak na maayos at mabilis ang pagbabalik ng ating mga modernong bayani sa kanilang mga komunidad.
01:37The National Reintegration Network is a collaboration po ng mga different agencies rin para po doon sa smooth, fast, at saka maayos po na reintegration po ng ating mga FW.
01:52And then when they decide na mag-for-good po sila, ito po yung mga programa na inaabang natin sa kanila para po maging maganda po yung transition nila into the society, into their communities.
02:02Kasabay ng summit na mahagi rin ang DMW ng P975,000 na tulong pinansyal sa mga distressed, maltreated at illegally recruited OFWs sa ilalim ng agarang kaninga at saklolo sa mga OFW na nangangailangan o action fund.
02:19Buko dito, P280,000 naman ang ibinahagi sa pamamagitan ng SPIMS program habang P870,000 naman ang ipinagkaloob sa ilalim ng livelihood program for OFWs.
02:30Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, patuloy na pinapatatag ng Department of Migrant Workers ang mga programa para sa reintegration at empowerment ng mga OFW na itinuturing mga makabagong bayani ng bansa.
02:47Mula rito sa South Cotabato Province, para sa Integrated State Media, Aurea Marie Belgera ng Philippine Information Agency, SOXARGEN.

Recommended