00:00Nasa labimpitong aplikante naman sa posisyon ng ombudsman ang sumalang sa interview ng JBC o Judicial Bar Council.
00:08Karamihan sa mga tanong ay tungkol sa lifestyle check at limitasyon sa pagsasapubliko ng SALEN o Statement of Assets and Liabilities and Net Worth.
00:18Narito ang report.
00:22Tapos na ang public interview sa mga aplikante para sa posisyon ng ombudsman.
00:26Ito nga ay para sa papalit kay dating ombudsman Samuel Martires na nagretiro nito lang Hulyo.
00:32Sa apat na araw na interview, labimpitong aplikante ang binusisi at binato ng mga tanong ng Judicial Bar Council hinggil sa mga isyo sa lipunan at sa politika.
00:43Isa sa naging pinakamainit na isyo ay hinggil sa pinagutos ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na lifestyle check sa mga opisyal ng pamahalaan at kanilang mga kamag-anak.
00:53Halos lahat ng aplikante pabor dito.
00:56Guit pa nga ni na Human Rights Commissioner Beda Epres at Sandigan Bayan Presiding Justice Geraldine Faith Ekong kapangyarihan ito mismo ng ombudsman.
01:06Pero sabi naman ni dating Commission on Audit Chairperson Michael Aguinaldo, dapat may basihan tulad nga ng isyo ngayon sa flood control at ghost projects.
01:15Isa rin sa itinanong sa mga aplikante ay ang restrictions hinggil sa paglabas ng Statement of Assets, Liabilities and Network o SALEN ng mga government officials at mga empleyado.
01:26Dahil nga naglabas ng memorandum si Marte Rez noong 2020 na nililimitahan ang pagbibigay ng SALEN ng mga opisyal ng pamahalaan.
01:34Tulad sa lifestyle check, marami rin ang pabor dito.
01:37Ayon kay Sekretary Jesus Crispin Remulia, dapat bukas ito sa publiko pero hindi gamitin sa pangbablackmail.
01:44Pero ayon kay DILG Undersecretary Romeo Benitez, para maging mas malinaw, dapat gawin ng batas ang pagsasa publiko nito.
01:52Pero ang pinakakontrobersyal na aplikasyon ay kay Justice Sekretary Jesus Crispin Remulia.
01:58Pagkatapos na pagkatapos pa lang ng pagsalang niya sa public interview, binakbakan agad siya ni Sen. Amy Marcos.
02:05Buelta ng senadora sa kanya, bakit ba nakalusot pa ang aplikasyon kung may reklamang nakabimbin sa kanya sa ombudsman?
02:11Wala naman akong sinasangayunan. Ang sinasabi ko, klarong disqualified. Kaya huwag na lang.
02:18Ang liwa-liwanag naman ang conflict of interest. Nakikita naman natin ang problema kapag may pending admin and criminal charges pa.
02:26Ang bigat naman tapos gagawin ninyong ombudsman. Tama ba yun?
02:30Si SOJ, inaming wala siyang clearance mula sa ombudsman.
02:34Pero para sa mga tirada ni Sen. Amy, no comment lang ito.
02:38Pero ang Korte Suprema, nilinaw. Pinayagan lang si Remulia sa proseso.
02:43Pero kakailanganin pa rin niyang magsumite ng clearance.
02:46On the day of deliberation for the shortlist, dapat may ombudsman clearance na yung applicants.
02:52Now, if wala pa silang ombudsman clearance by that day, they cannot be considered as part of the nominated.
02:59I mean, hindi po sila mai-include sa shortlist.
03:02Bukod kay Remulia, wala rin clearance si Judge Felix Reyes.
03:06Dahil may nakabimbinding reklamo sa kanya sa ombudsman.
03:09Kung hindi sila magsumite nito, tanggal na sila sa listahan ng mga nominado na pagpipilian ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:17Labag sa batas kung ang ia-appoint ay hindi kasama sa listahan.
03:21Ngayong tapos na naman ang interviews, papasok na sa deliberasyon ang Judicial Board Council.
03:26Saka, isusubite ang listahan ng mga mapipiling nominado.
03:30Sa October 25, inaasahang may bago ng maia-appoint ang Pangulo.
03:35Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.