Skip to playerSkip to main content
Panayam kay D.A. Deputy Spokesperson Asec. Joycel Panlilio ukol sa assessment sa pinsala sa agrikultura ng Bagyong #UwanPH at ng Bagyong #TinoPH

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Assessment sa pinsala sa agrikultura ng Bagyong Yuan at maging ni Bagyong Tino.
00:05Ating alamin kasama si Assistant Secretary Joyce L. Pallilio,
00:09and Deputy Spokesperson ng Department of Agriculture, Asik Joyce L. Magandang tanghali po.
00:14Magandang tanghali po.
00:17Asik, sa inyong assessment, nasa magkano na po ang aabot ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng mga Bagyong Tino at Yuan?
00:24At para po sa Bagyong Tino, as of November 8 po yung datos namin na available.
00:29Sa ngayon, ang halaga po ng mga pinsala ay umabot po sa P159.14 million.
00:36Para naman po sa Bagyong Yuan, ito po ay partial pa lamang po dahil nagkilakala pa po namin yung ibang mga reports at datos.
00:44As of November 11 po, 8am, ang value po ng napinsala ay umabot na po sa P142.29 million pesos po.
00:54Ma'am, base rin sa paunang assessment, nasa 32,000 insured farmers ang naapektohan.
01:03Ano po ang naging pinakamalaking pinsala sa sektor ng agrikultura at saan-saan pong probinsya ito?
01:11Para po sa dalawang bagyo, kay Tino at Yuan, pareho pong pinakamalaking na pinsala ay yung sektor po nang nagpapalay.
01:23So sa rice po ito.
01:25At ang pinaka-apektadong probinsya po ay, for Tino, ay yung Iloilo po at Negros Occidental.
01:32Para naman po sa Bagyong Yuan, ay yung Camarines Tour po.
01:37As of the data po na meron po kami ng November 11.
01:42Asik, ano po yung mga tulong na inahanda at pinapamahagi ngayon ng Department of Agriculture para sa mga pektadong magsasaka at mga mga maging isda?
01:53Ay yung mga binibigay po ng kagawa na ng pagsasaka ay yung mga farm inputs po for mga napinsala po na palay, mais, at mga gulay po or other high-value crops gaya po ng prutas din po.
02:06At meron din po mga pinapamigay na animal feeds and supplement para po ito sa sektor po ng livestock at mga nagmamanok po natin.
02:16At para naman po sa ating mga maging isda, ay nagbibigay din po tayo ng mga fingerlings po para po sa bangus, tilapia at carp po.
02:24At aside po dito, meron din po tayong quick response fund at meron po na loan program po yung survival and recovery.
02:35At para naman po doon sa mga insurance, ay meron po pwede po tayong mag-file ng claim sa Philippine Crop Insurance Corporation.
02:45Asek, nabanggit niyo yung pamibigay po ng fingerlings, yung high-value crop, yung mga punla nito, pati po yung mga saprutas din po, pati animal feeds.
02:57Ang tanong po, paano po makakakuha o makaka-avail yung mga magsasaka at mangingis ng apektado nito?
03:05Saan po sila pwedeng dumulog o sumangguni?
03:09Maari po silang tumunta sa kanilang mga lokal na agricultural offices.
03:14Nakikipag-ungnayan po kasi ang DA sa mga local government units.
03:20Meron po tayong mga agricultural extension workers po na tumutulong po sa pagpamibigay at pamamahagi po ng ating mga interventions
03:28para po sa mga magsasaka at mangingisda na apektado po ng pananalanta po ng bagyo.
03:37Asek, nabanggit niyo po kanina yung Survival and Recovery Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council.
03:43Paano po makikinabang yung mga magsasaka natin dito?
03:45At saka, can you walk us through yung process para makakuha ng mga pautang na ito?
03:50Unang-una po, kailangan po ay rehestrado po sila doon sa tinatawag nating registry system for basic sector in agriculture
03:57or yung RSBSA at kailangan po ay small farmer or fisher po po sila na apektado po ng kalamidad.
04:05At meron din po kasi nga listahan ng eligible borrowers ang aming regional field offices
04:11so kailangan po ma-endorse po sila.
04:14Maaari po silang pumunta sa municipal agriculture office
04:19dahil nakikipag-ungnayan po ang aming regional field office dito.
04:23So ito pong kanilang munisipyo ay mayroon po kasi doong mga agricultural experts.
04:37Asek, Joycel.
04:38Asek, Joycel. Doon naman po sa mga apektadong magsasaka na naka-enroll po sa Philippine Crop Insurance Corporation,
04:46paano po yung proseso po ng pag-file nila ng claim at kailan po nila makukuha yung kanilang kabayaran?
04:56Sa lahat po ng mga naapektuhan na nasiraan po ng kanilang mga pananim,
05:03ay kailangan po nilang mag-file ng claim within 45 calendar days mula po nung napinsala po ang kanilang mga pananim
05:12at magpo-file po sila sa mga regional or provincial extension office ng Philippine Crop Insurance Corporation.
05:20Sa kamukha po ngayon na merong pong bagyo ay mapoproseso po ito sa loob po ng mga 10 hanggang 20 araw.
05:29Pero meron pong pinalaga na hanggang pinakamatagal na po ang 60 araw para po maiprocess po ang kanilang mga claims.
05:39Asek, may pondo rin po mula doon sa QRF ng DFAO, yung Quick Response Fund.
05:45Maari po bang ibahagi nyo sa amin kung magkano na yung nailabas natin mula rito
05:48at anong klaseng rehabilitasyon ang tutugunan dapat nito?
05:52Sa ngayon po, meron po kasing in-release ang Department of Budget and Management na 1 billion po na QRF.
05:59Ito po ay para sa mga crop and livestock inputs at kasama rin po dito ang mga cash aid or equipment
06:06at yung pagpaparepare po ng mga agricultural facilities na nasira din po ng bagyo.
06:12Asek, kanina kausap po namin si Secretary Gatchalian ng DSWD
06:17at napag-usapan namin yung different phases.
06:19May relief, may rehabilitation, pero ang pinaka-importante siguro dito yung resilience
06:24kasi mauulit at mauulit ito given the changes in our climate.
06:30So, meron po ba mga programa o hakbang ang DA para po lalong maging mas matatag po
06:36ang ating mga magsasaka sa gitna po ng mga natural disasters?
06:43Ang isa po kasi na programa ngayon ng Department of Agriculture
06:48under the High Value Crops Development Program ay yung tinatawag po naming White Revolution
06:53kung saan po ay papadamihin o ipapalagana po namin ang pagpatayo ng mga greenhouses
06:59may mga kasama po itong smart agricultural technology
07:03so, gayon po ay mapoprotektahan po ang ating mga gulay
07:07sa mga dinutulot na pinsala ng mga bagyo
07:10Aside from this po ay meron po tayong tinatawag ng mga hybrid seeds
07:14at ilan po rito ang mga climate resilient inputs po
07:18para po mabawasan po ang pinsala na maaaring idulot ng mga paparating pa po nating bagyo
07:25Asik, alam namin na tuloy-tuloy ang trabaho niya dyan sa Department of Agriculture
07:32at ayaw na namin kayong gabalain
07:34Kaya nga, ano na lang po ang minsanyo sa ating mga kababayan na nasa agri-sector
07:38na apektado nung dalawang magkasunod na bagyong dumahan sa ating bansa
07:41Para po sa mga ating magsasakat, mga nisla na naapektuhan po ng mga bagyo
07:47ay huwag po sana silang mag-atubiling lumapit
07:50o makipag-ugnayan po sa mga tanggapan po ng Department of Agriculture
07:54or sa mga agricultural offices po sa inyo-inyong mga munisipyo
07:59at kung saan po yung pinakamalapit sa inyo
08:01Dahil sa utos po ng ating pangulo
08:03ay kailangan pong ipamahagi ang agarang tulong para po sa inyo
08:08Salamat po
08:09Maraming salamat din po sa inyong oras
08:12Assistant Secretary Joyce L. Panlilio
08:14ang Deputy Spokesperson ng Department of Agriculture
08:18Thank you ma'am
08:19Salamat po

Recommended