00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Kasalukuyang pong nasa intensive care unit at hindi maganda ang lagay ni dating Sen. Juan Ponce Enrile.
00:12Kinumpirma yan ng kanyang anak at nauna na rin inalunsyo ni Sen. Jingo Estrada sa sesyon ng Senado kanina.
00:19Nitong Oktubre lang, dumalo pa si Enrile sa promulgation ng kanyang kaso sa pamamagitan ng video conferencing kahit nasa loob ng ospital.
00:28Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:30The 28th session of the Senate and the first regular session of the 20th Congress is here by call to order.
00:39Sa gitna ng sesyon ng Senado kanina, tumayo si Sen. Jingo Estrada.
00:44May impormasyon anya siyang malalaang kondisyon ni dating Senador at ngayon i-Chief Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile.
00:51I have just received a very very sad information that our former colleague, former Senate President Juan Ponce Enrile is currently in the intensive care unit of an undisclosed hospital suffering from pneumonia.
01:12Base raw sa impormasyong nakuha ni Estrada, hindi maganda ang lagay ni Enrile.
01:17And I heard from a reliable source, a very very reliable source, that he has slim chances of surviving.
01:27Kaya hiniling ni Estrada na mag-alay sila ng dasal para kay Enrile at tumayo lahat ng Senador.
01:33Senador 1, Ponce Enrile.
01:36Kinumpirma ng anak ni Enrile na si Katrina Ponce Enrile na nasa ICU ang kanyang ama.
01:42Kinumpirma rin niya na hindi masyadong maganda ang lagay nito.
01:45Noong promulgation ng kanyang kasong graft sa Sandigan Bayan nitong October 24, kung kailan siya naabswelto,
01:51dumalo si Enrile sa pamamgitan ng video conferencing mula sa isang ospital.
01:56Kakapagdiwang lang ni Enrile ng kanyang ika-isang daan at isang kaarawa nitong February 14.
02:01Naka-apat na termino si Enrile bilang Senador at naging Senate President noong 2008 hanggang 2013.
02:08Naging Defense Minister siya noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
02:13at isa sa sinasabing arkitekto sa likod ng pagdideklara ng martial law noong 1972.
02:19Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatuto, 24 Horas.
Comments