Skip to playerSkip to main content
  • 2 weeks ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 11, 2025


- Super Typhoon Yolanda, mas maliit pero mas malakas kaysa Super Typhoon Uwan


- Mga bahay sa Daet, winasak ng malakas na ulan at hanging dala ng Bagyong Uwan | Kabuhayan ng ilang taga-Daet, apektado dahil walang supply ng kuryente | Bubong ng evacuation center sa Mercedes, nilipad din; mga bangkang pangisda, nawasak | Seawall sa Camarines Norte, hindi nakatulong noong bumagyo dahil hindi pa tapos ang construction | Camarines Norte PDRRMO: Clearing operations, isinasagawa; 80 isolated barangays, sinusubukan pang ma-contact at maabutan ng tulong


- 5, nasawi sa Cordillera Administrative Region dahil sa kabi-kabilang landslide na dulot ng Bagyong Uwan | Ilang pine tree at poste ng kuryente, natumba dahil sa Bagyong Uwan


- Kabi-kabilang clearing operations, patuloy na isinasagawa sa ilang probinsiya sa Luzon at Visayas


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Super Typhoon 1
00:30Kaya nitong takpan ang halos buong Luzon at Visayas
00:35Ang Super Typhoon Yolanda naman, 600 km ang laki
00:39Mas maliit kaysa sa Typhoon 1
00:41Pero ang taglay na maximum sustained winds ng bagyong Yolanda
00:44Ay 235 km per hour
00:48Habang ang Uwan ay umabot sa 185 km per hour
00:51Yan ang isang patunay na ang bagsik ng bagyo
00:54Ay hindi nasusukat sa lawak o laki
00:57Maari daw kasing kahit maliit ito pero siksik naman sa ulan at hangin
01:02Makakapaminsala ito ng malala gaya ng Yolanda
01:06Gayunman, hindi rin naman pwedeng isa walang bahala
01:08Ang lawak ng bagyong Uwan dahil mas maraming lugar itong naapektuhan
01:27Tumambad ang mas maraming nawasak na bahay at establishmento
01:32Sa Camarines Norte
01:34Sa paghupa ng ulan at hanging dala ng bagyong Uwan
01:37Walang pung barangay pa sa probinsyang isolated o hindi pa makontak
01:42May una balita si Darlene Cai
01:45Paghupa ng masamang panahon
01:51Tumambad ang pinsalang idinulot ng Super Typhoon 1 sa Camarines Norte
01:56Nadurog ang bahay ng mag-asawang Yonora at Dante
02:00Matapos madaga na nitong puno na natumba dahil sa lakas ng hangin
02:05Mabuti na lang at nasa evacuation center sila nang tumama ang bagyo
02:27Naghahanap sila ngayon ang pwede pang mapakinabangan
02:30Dahil wala silang naisalbang gamit
02:33Humingi po ako ng tulong sa mga taong may magandang loob
02:38May magandang loob po tulungan nyo naman po kami
02:42Kahit maliit lang po na bahay para sa anak ko
02:47Si June, isa-isang pinulot ang mga yerong natukla
02:51mula sa bubong ng pinagtatrabahuhang talyer
02:53Yun nga lang
02:54Hindi rin naman talaga basta-basta mga kapag-operate
02:57Gawa ng walang kuryente
02:58Ang pamumuhay kasi namin, umaasa kami sa kuryente
03:01Wala pa rin kuryente sa buong probinsya ng Camarines Norte
03:05Sa gitna ng brownout, isang laundry shop ang naghandog ng libreng charging sa mga residente
03:10Sa bayan naman ng Mercedes, nilipad ang halos kalahati ng bubong ng covered court ng evacuation and convention center ng bayan
03:20Wasak din ang bangka ng ilang banging isda
03:23Sa purok 1B sa barangay 7, naubos ang ilang bahay sa tabing dagat
03:29Puro bahay dito sa kinatatayuan ko sa barangay 7 sa bayan ng Mercedes
03:32Pero tulad po nang nakikita nyo, na washout na yan lahat
03:36Dahil sa tindi ng hangin at laki ng along dala ng Super Typhoon 1
03:41Kaya wala silang magawa kung hindi suyurin ang tumbok na mga kawayan at pawid
03:46Para makita kung may pwede pang pakinabangan
03:49Si Tatay Arnel, pinira-piraso ang mga kahoy
03:52Sugatan pa siya ng mabagsakan ng kawayan nang itumba ng mga alon ng kanyang bahay
03:57Walang magagawa at malakas yung bagyo
03:59Siyempre kabado din at inisip mo yung kinitirhan
04:06Malaking bagay sana ang seawall
04:09Pero hindi pa tapos ang construction ng seawall kaya hindi protektado ang mga bahay
04:14Narito pa nga ang ilang construction materials na tinangay din ang malakas na hampas ng alon kahapon
04:20Masakit talaga po
04:21Ito, doon ngayon, nag-itamang mga pasura
04:25Paano kami?
04:27Ngayon, ibagabang maharaw
04:29Mga bahay
04:30Nasaan ang mga tulong
04:34Iniimbestigahan na rao ng DPWH ang construction ng seawall
04:37Meron ang initiative din ang Provincial Disaster Residuation Management Council
04:42Para magkaroon ng inventory doon sa mga effort ng mga ganyang structure dito sa lalawigan ng Kamarinas Norte
04:49Abala ang mga otoridad ngayon sa clearing operations para madaanan na ang mga kasada
04:55Pero bagsak pa rin ang linya ng komunikasyon sa maraming lugar
04:58Walong pong bahay pa sa probinsya ang isolated o hindi pa makontakt at maabot ng tulong sa ngayon
05:04Yung clearing team natin para kung meron mga mapabilis natin yung akses sa mga resources natin
05:13May mga commitment naman ang pag-relief ng mga food items natin para dito sa mga isolated areas dito sa Kamarinas Norte
05:22Tuloy din ang relief operations ng iba't ibang ahensya ng gobyerno
05:27Yan ang unang balita sa Kamarinas Norte
05:30Darlene Cai para sa GMA Integrated News
05:33Lima ang napaulat na nasawi sa Cordillera Administrative Region dahil sa kabi-kabilang landslide na dulot ng Bagyong Uwan
05:41At mula sa Baguio City may unang balita live si Jonathan Andal
05:45Yes, Susan, good morning. Dito sa Baguio City magdamag kami inuulan. Actually, simula kahapon inuulan kami dito
05:56Meron ditong naitalang minor rockfall at landslide pero hindi naman makapaminsala
06:01Pero sa ibang parte po ng Cordillera Region, matinde yung mga landslide na nangyari ng iba ay kumitil pa ng buhay
06:09Biglaro gumuho ang lupa sa bahaging ito ng barangay Western Uma sa Lubwagan Kalinga kahapon
06:20Dalawa ang patay, isa ang sugatan at may dalawa pang nawawala
06:24Sabi ng Lubwagan Municipal Information Office, pinuntahan ng mga biktima kahapon ng isang bahay na nasira sa kasagsagan ng bagyo
06:31Pero habang nasa bahay sila, biglang may gumuho ang malaking bahagi ng lupa
06:35Kinilala ng LGU ang mga nasawi na sina Aki Maguin at Eric Maguin, 45 years old, magsasaka
06:41Nawawala naman si Naridento Tinio, isang barangay kagawad at si Ricardo Maguin
06:45Sabi ng lokal na pamahalaan, magsasagawa sila ng search and rescue operations para mahanap ang mga nawawala
06:51Sabaya naman ang kabayan sa Benguet, patay ang natutulog lang noon na babaeng 65 years old
06:57Matapos pasukin ang landslide ang unang palapag ng kanilang bahay sa barangay Balay kahapon ng madaling araw
07:03Sabi ng kabayan ng LGU, inabot ang halos apat na oras bago dumating ang rescue dahil sa hindi madaan ng mga kalsada
07:09Patay sa post-mortem examination, ang cause of death ng biktima ay traumatic brain injury
07:14Sa bayan naman ng Tinok, sa Ifugao, isa rin ang patay matapos matabunan ng lupa at pine tree
07:20Ang tinitirahan niya habang siya natutulog, gabi nitong linggo, kasagsagan ng superbagyong uwan
07:25Kinaumagahan na siya na-retrieve ng mga otoridad ayon sa Tinok Municipal Police Station
07:30Sa Barlig Mountain Province naman, lumubug na ang bahay na ito
07:34Natabuna naman ang landslide ang rice terraces doon
07:37Sabi ng Barlig LGU, isang senior citizen ang nasawi roon
07:40Matapos matabunan ng putik ang kanilang bahay sa barangay Latang kahapon ng madaling araw
07:45Nakaligtas naman pero sugatan ang dalawa pa niyang kasama sa bahay
07:48Na ni-rescue ng bayanihan ng mga taga roon
07:51Sa Baguio City, walang casualty
07:53Ang naging pinsala lang ay mga nagtumbahang pine tree at poste ng kuryente
07:57Kaya nawala ng kuryente kahapon ang halos buong lungsod ng Baguio
08:00Buti at may alok na free charging station sa City Hall, Baguio Convention Center at pati sa mga hotel
08:06Nagulat kami na minimal lang ang impact sa amin
08:11We were spared from devastation
08:15Malaki yung impact ng mountain range natin
08:19Meron pa yung Sierra Madre
08:21Tapos siyempre pagpasok dito sa Cordilleras
08:23So nakatulong na malaki
08:25Susan, hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin kuryente sa ilang parte ng Baguio City
08:35Gaya dito sa lokasyon namin malapit sa Burnham Park
08:38Pero ang sabi ni Mayor Magalong ay sinisikap na ng Beneko
08:41Na maibalik agad yung supply ng kuryente dito sa lungsod ng Baguio
08:46Yung muna ang latest mula rito sa City of Pines
08:48Balik sa iyo Susan
08:48Maraming salamat, Jonathan Andal
08:51Nagsisimula na maglini sa mga residenteng na apektuhan ng hagupit ng Baguio Uwan
08:55Sa probinsya ng Quezon
08:57Sa tagkawayan, tinatanggal na mga nabuwal na puno at poste ng kuryente
09:02Na humambalang sa ilang kalsada
09:04Unti-unti na rin na ibabalik sa ilang lugar ang supply ng kuryente
09:08Tubig at linya ng komunikasyon
09:10Walang naitalang nasawi o sugatan sa bayan
09:12Ayon sa Public Information Office ng tagkawayan
09:15Patuloy pa ang assessment sa pinsala
09:17Sa mga estruktura at kabuhaya ng mga residente
09:20Matapos naman ang malawakang clearing operations
09:23Nadaraanan na ang maraming kalsada sa Albay 3rd District
09:26Patuloy na rin ang pagsasayos sa linya ng mga kuryente
09:29At pamimigay ng relief goods sa mga apektadong residente
09:32Nagsagawa na rin ang clearing operations sa ilang lugar
09:35Sa Iloilo City na matinding na apektuhan ng Bagyong Uwan
09:39Nasama sa mga nilinis ang mga nagkalat na debris sa kalsada
09:43Na dala ng malakas na alon mula sa dagat
09:46Patuloy naman ang pagsasuri ng mga otoridad
09:48Sa bilang ng mga naapektuhan residente
09:51At nasirang bahay
09:52Balik normal naman na
09:54Ang mga biyahe sa ilang pantalan
09:57Sa Iloilo Province
09:58Igan, mauna ka sa mga balita
10:01Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
10:05Para sa iba-ibang ulat sa ating bansa
Be the first to comment
Add your comment

Recommended