Skip to playerSkip to main content
  • 3 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 11, 2025


- Ilang kalsadang napinsala ng pananalasa ng Bagyong Uwan, nadaraanan na | Ilang kainan at bahay, nawasak sa kasagsagan ng Bagyong Uwan


- Ilang bahay, cottage, at bangka sa tabing-dagat, winasak ng Bagyong Uwan | Heavy equipment, nabagsakan ng commercial signage dahil sa malakas na hangin | Ilang bahagi ng Dagupan City, baha dahil sa storm surge at high tide | Pangasinan PDRRMO, naka-red alert pa rin | Dagupan City, isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsalang iniwan ng Bagyong Uwan


- Mga rescuer at residente, nagtulungan sa pagpapalikas sa mga kapitbahay sa gitna ng Bagyong Uwan | Balwarte Bridge, hindi madaanan ng malalaking sasakyan matapos mapinsala ng Bagyong Uwan | Slope protection at gabion wire sa Carranglan River, nasira dahil sa malakas na ragasa ng tubig | Nueva Ecija Gov. Lemon Umali, nag-inspeksiyon sa mga nasirang imprastruktura kasunod ng Bagyong Uwan | Ilang ilog sa Nueva Ecija, tumaas nang husto sa gitna ng hagupit ng Bagyong Uwan | Supply ng kuryente sa Nueva Ecija, problema pa rin


- Ilang jeepney driver, umaaray sa panibagong taas-presyo sa diesel ngayong linggo | Ilang kompanya ng langis, hindi magpapatupad ng taas-presyo sa gasolina't diesel sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Uwan at Tino


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Transcript
00:30Ivan, nandito nga ako ngayon sa nawasak na bahagi nitong National Road dito sa Dipakulaw, Aurora.
00:37Ang magandang balita, Ivan, ay sa ngayon nga nadadaanan na itong bahaging ito.
00:43Pero Ivan, talagang pahirapan pa rin dahil nga ang nangyayari kasi maraming bato doon sa mga daraanan.
00:51Kaya yung mga small vehicles gaya ng mga kotse kanina, hindi mo na pinatutuloy.
00:55At dahil dyan, Ivan, yung tanong mo kung may mga isolated pa ba, sa ngayon dahil nga nabuksan na ito,
01:01makatutuloy na papunta doon sa dinalungan kung saan naglandfall yung bagyo, yung kasiguran at yung pinakadulo yung bayan ng Dila Saga.
01:11Nangyayari kasi dito, Ivan, sa kalsada na ito, sa tindi ng daluyong o storm surge na tumamarito sa pagdaan ng Superbagyong Uwan,
01:17nawasak yung seawall ng kalsada kaya nasira at tila nagkadurug-durug din yung highway na ito.
01:23At malaki ang epekto nga nito dahil nga hindi makadiretso hanggang kagabi ang mga motorista patungo ng Northern Aurora
01:31at pati Ivan, yung mahabang portion din ng bayan ng Dipakulaw ay hindi ma-access hanggang kagabi.
01:39At marami rin, Ivan, dito sa side dito ay may mga kainan at may mga tahanan na nawasak din.
01:46At ayon lang sa mga residente, mabuti daw at nakalika sila bago talaga tuluyang tumaas yung storm surge.
01:54Kaya walang napahamak dito, Ivan.
01:56Ivan, sa paglalarawan sa atin, yung mga residente talagang mataas daw dito sa kinatatayuan natin.
02:03Dito galing sa dagat yung storm surge at talagang umabot nga doon sa kabila na pabundok na area na ito.
02:12So mula dito sa Dipakulaw ay tutulak din tayo sa iba pang mga bayan dito sa Aurora
02:18para malaman natin ang sitwasyon nila matapos nga dumaan ng Superbagyong Uwan.
02:24Yan muna ang latest. Balik sa'yo, Ivan.
02:26Igan kayo. Maraming salamat, Ian Cruz.
02:29At mula sa Aurora, lipat tayo sa Dagupan City kung saan pilit na bumabangon ang mga taga roon
02:34matapos padapain ng Bagyong Uwan na nanawagan sila ng tulong sa pamahalaan.
02:39At may unang balita live si Sandy Salvaso ng GMA Original TV.
02:44Sandy, kumos na dyan sa Dagupan?
02:45Ivan, dahil nga nasa ilalim na ng state of calamity ang Dagupan City,
02:57ay tinitiyak ngayon ng lokal na pamahalaan ang agarang pamamahagi ng relief goods sa mga residente,
03:03particular na yung mga lubhang na apektuhan at nasalanta ng pagdaan nitong Bagyong Uwan.
03:08Walang magawa kundi titigan na lang ni Hara
03:13ang ipinundar niyang bahay sa barangay Bunuan, Gazet, Dagupan City.
03:17Sa isang iglak, winasak ng Bagyong Uwan ang pinaghirapan niyang bahay.
03:21Hindi nga ako makapagsalita, nasyak nga ako eh.
03:24Eh, hindi namin nakalain na ganyan mangyari.
03:27Kala namin yung parang dati lang na bagyo, yung ordinary lang.
03:31Yung pala talagang napakalakas pala.
03:34Itinayo malapit sa baybayin ang bahay ni Hara,
03:37kaya madaling nawasak nang tumama ang bagyo.
03:39Hindi raw alam ni Hara kung paano muli magsimula.
03:42Nasira din ang bankang gamit ni Eduardo sa hanap buhay matapos tangayin ng alon.
03:46Itinomba rin ng bagyo ang cottage na ito.
03:58Maging ang ilang bahay sa tabing dagat, hindi nakaligtas sa storm surge.
04:02Pinipilit ng ilang residente na bumangon matapos ang bagyo.
04:05Nananawagan sila ng tulong sa lokal na pamahalaan.
04:09Sa parehong barangay, nabagsakan ng commercial signage
04:12ang isang heavy equipment dahil sa malakas na hanging dala ng bagyo.
04:15Wala naman daw nasaktan sa insidente.
04:18Patuloy na nakaalerto ang Philippine Coast Guard
04:20sa mga coastal at low-lying area sa syudad.
04:24Baha ngayon ang ilang bahagi ng Dagupan City
04:26dahil sa storm surge na epekto ng bagyong uwan
04:29na sinasabayan pa ng high tide.
04:31Dahil dito, nahirapan daw ang mga opisyal ng barangay Bunoan-Gaset
04:35na i-rescue ang kanilang mga kabarangay noong kasagsagan ng bagyo.
04:38Dahil po sila tumuhulong, tulong-tulong po kami para makuha yung mga kabarangay natin
04:43sa mababang area, lahat naman sa tabing dagat.
04:48Yun, paghabon namin hinakot sila.
04:50Ang mga residente, natakot sa bigla ang pagtaas ng tubig sa kanilang lugar
04:54kaya dinagsa ang mga evacuation center na malapit sa kanilang barangay.
04:58Yung bahay namin pinasok ng baha, wala kayong matutulugan.
05:03Lahat ng mga dabit namin basa, lahat.
05:05Pahirapan ng mga residente at motorista sa paglusong sa baha.
05:09Meron din kasing case dito ng leptos, may namatay na rin kasi dito.
05:12For safety lang, kailangan magsuot pa rin ng bota kahit mababa yung baha.
05:18Nasa red alert status pa rin ang Pangasinan PDRRMO.
05:22Minapayuhan pa rin ang mga residente na maging alerto at mapagmatsyag
05:26sa anumang banta ng masamang panahon.
05:28Kahapon, formal nang idiniglara ang state of calamity
05:31sa lungsod ng dagupan dahil sa matinding pinsalang iniwan ng bagyong uwan.
05:41Iba, narito ako ngayon sa North Central Elementary School
05:45dito sa Bunoan Gazet, kung saan dito rin lumikas
05:48yung ilan sa ating mga kababayan na nasa lanta.
05:51Karamihan sa kanila umuuwi para ayusin at akumpunihin yung kanilang tirahan.
05:56Samantala sa ngayon ay nasa ilalim pa rin ng signal number one
06:00ang buong probinsya ng Pangasinan.
06:02Nakataas din ang gale warning,
06:04kaya naman pinapayuhan yung ating mga mangingisda
06:06na huwag mo nang pumalaot sa karagatan.
06:08Maraming salamat, Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
06:14Mga kapuso, magandang umaga po sa inyo.
06:17Narito po ako ngayon sa gymnasium ng Nueva Ecija University of Science and Technology
06:22na isa po sa 129 na activated na evacuation center
06:27sa buong lalawigan ng lokal na pamahalaan ng Nueva Ecija.
06:30Sa kasalukuyan po, nasa 24 na pamilya pa
06:33ang nananatili rito o halos isan daang katao individual.
06:37At mula po sila sa Aduas Sur, Aduas Norte at Marera dito po sa Kabanatuan,
06:42yung mga tabing ilog na lugar.
06:44Pusa po silang lumikas sa takot na baka mapahamak.
06:47At gaya po nila, marami rin po mga residente sa iba't ibang bayan dito sa buong Nueva Ecija
06:53ang natakot sa Super Typhoon 1 na nagdulot o naminsala
06:57hindi lang sa mga agrikultura kundi pati sa infrastruktura.
07:00Sa kasagsaganang pananalasa ng Bagyong Uwan,
07:08mabilis na tumaas ang baha dito sa barangay D. El Maglano.
07:11Panik na po kami dahil ayan na po ang biglang dating ng tubig.
07:14Sobra po ang lakas.
07:16Umiikot po yung hangin, kaya natakot po kami ng usko.
07:20Mabilis namang dumating ang rescue para ilikas sila sa evacuation center.
07:25Malaking tulong din ang bayanihan, kahit delikado.
07:28Pinagkakatok na ng ila ng kanilang mga kapitbahay para iligtas ang mga nakatira.
07:32Umiikot po yung tubig dyan eh. Sobrang lakas. Tapos may mga bata pa po ito.
07:36Ngayon, kinakaba na po ako at ayaw lumabas ng kuhan.
07:40Kaya po may kasama po ako, si uncle ko.
07:43Kaya yun, tinulungan po namin yung mga bata. Siyempre, baka malunod.
07:47Malaking pinsala rin ang inabot ng ilang infrastruktura rito sa Karanglan
07:50sa paghagupit ng Bagyong Uwan.
07:53Nawasak ang approach slab ng Balwarte Bridge dito sa barangay RA Padilla
07:56kaya light vehicles na lang muna ang pwedeng dumaan dito ngayon.
08:00Malaking dagok daw ito dahil ito ang kanilang provincial road.
08:03Nag-scar po yung ilalim ng ating approach slab para po,
08:07kung makikita po natin, wala na pong laman yung ilalim ng ating pavement.
08:12Masyado po, delikado po sa motorista, lalo na po yung mga heavy trucks na dumadaan dito.
08:18May tendency pong bumagsak.
08:19Dito lang sa Karanglan na abot sa dalawang libong pamilyang apektado at kinailangang ilikas.
08:24Limang barangay pa rin ang nananatiling isolated o di pa maabot.
08:28Nasira pati ang slope protection at gabion wire sa Karanglan River dito sa barangay Burgos na Nawasak
08:34matapos ragasain ang malakas na alon sa ilog.
08:36Sa alubungan po kasi ito nung dalawang malalaking river channel na dito po sa Caloocan River at saka po yung Salazar River.
08:47Pag nagsabay po yan, talagang tumataas po na gagad dito po, umabot po na gagabewang.
08:52Kinukot ko at naghahanap po ng malambot na bagay yung lakas ng tubig.
08:57Pag may nasimulan po yan, sigurado, uunti-untiin niya na na gigibain yung mga structure na madadaanan.
09:04Marami rin pinatumbang mga puno at winasak na buki rin.
09:08Ininspeksyon ni Nueva Ecija Vice Governor Lemon Umali kasama ang engineering department ang mga nasira infrastruktura
09:14na mahagi rin ang 500 family food packs para sa mga apektadong residente.
09:18Maging sa bayan ng Laor, tumaas ng husto ang tubig sa Batoferi River kaya pinadapa nito ang maraming kubo na pasyalan ng mga turista.
09:27Ang iba, tuluyan ng tinangay.
09:28Tumaas din ang tubig sa Bangkerohan River, sa baanda rin ng Palayan at Bongabon.
09:32Sa kabuuan ng sa 14,000 inilikas, mahigit kalahati pa rin ng lalawigan ang nananatiling brownout.
10:02Una po sa lahat, pwede niyo po ba kaming bigyan ng assessment, kaugnay po ng mga pinsala na nangyari dito sa Nueva Ecija?
10:10Meron na po ba tayong estimate ng mga damages, casualties, missing?
10:13Una po sa lahat, syempre po ang ating lalawigan ay kasama po sa nabilang sa mga dinaanan po talaga ng mga bagyong uwan.
10:22And we're very happy to report and thank God dahil wala po tayong reported casualties sa ating lalawigan.
10:27As of now, wala rin po tayong reported na missing.
10:30So maganda po yun.
10:32Kaya lang, syempre dahil po tayo ay nadaanan nga din po, marami po tayo yung mga areas na i-report po sa atin na nasira.
10:39Majority po ay syempre yung mga agricultural areas po natin dito talagang na-damage po yung mga crops na hindi pa po na-iaani.
10:48And also, kahapon po galing po tayo ng karang land, we also saw personally po yung mga areas po natin, yung mga infrastructure po na nasira.
10:55Alright, so wala pang estimated damages na?
10:58So wala pa po tayong initial report ng estimated damages for both crops and infrastructure.
11:03But right now po today, there is a requirement for them to submit all of the reports.
11:08Kailan po natin masisimulaan yung rehabilitasyon?
11:10Especially dun sa mga areas, yung tulay, sya ka yung kalsada na talagang nasira, especially yung provincial road.
11:17Yes. Yung pong mga under the direct jurisdiction po ng provincial government,
11:21lalo na po yung provincial road and bridge po na napunta natin kahapon,
11:24immediately po ay ipapaayos po ito ng provincial government.
11:28Katulong po ang ating mga lokal na pamahalaan, lalo na po sa karang land kahapon.
11:32And yung mga iba namang areas na part na po ng national government,
11:36we will submit immediately a report to DPWH para po maiais po agad,
11:40lalo na po yung mga areas o yung mga kalsada lalo na talagang medyo delikado na gamitin po na ating mga mamamayan.
11:47Kano karami pa po yung mga evacuees na nananatili sa mga evacuation center?
11:52At mananatili pa po ba sila kumusta yung lagay ng kanilang mga barangay?
11:55Yes. Ngayon po, meron po tayong naka-activate pa na 129 evacuation centers sa buong lalawigan.
12:02Yung mga nasa evacuation naman po, majority of them, kaya hindi pa po sila makabalik,
12:06ay talagang may danger pa po kasi may mga reported pa po tayo ng mga flooded areas within the province.
12:12At talagang kailangan pa rin po nilang lumikas, pero ngayon naman po ang report sa ating ngayong umaga,
12:18unti-unti na po bumababa yung ating mga tubig, lalo na po doon sa mga nakatira sa tabi ng ilog.
12:23Kaya hopefully po, within the day or until tomorrow po siguro,
12:26ay unti-unti na po magsisibalikan po ang ating mga kababayan sa kanilang mga bahay.
12:31May mga nagkakasakit po ba sa evacuation centers?
12:33Usual po tayo, nakakaroon po talaga ng typical na mga sakit, lalo na po ng Cebu at Upo,
12:38lalo na po yung mga bata po nakasama po natin sa evacuation centers.
12:41Pero ang kagandahan naman po, lalo po dito sa ating evacuation centers po dito sa Kabanatuan,
12:45nandito po ang ating provincial health office.
12:47At sa lahat po ng ating mga evacuation centers ay ito po ay closely monitored ng kanila po mga city and municipal health offices.
12:54Yung mga isolated areas po ba, mapupuntahan na? Tsaka meron pa po bang brown out?
12:58Yesterday po, nag-report po sa atin, ang mayor po rin po ng Karanglan,
13:03na dalawang barangay po sa kanila, Ang Burgos at Salazar,
13:05at isa ngayon po ay isolated. Pero according naman po kay mayor,
13:08ay accessible naman po at kaya naman po idala na yung ating mga relief goods na naipadala.
13:13Sa ibang mga areas po dito sa Nueva Ecija,
13:16fully restored according po sa NGCP, 4pm yesterday,
13:19ayun nag-report po sila. Fully restored.
13:21Kaya lang, may mga areas pa rin po talaga na walang korente
13:23dahil po yung linya ng korente sa kanila mga barangay ang naputol.
13:27Kaya ito po yung inaayos po ngayon ng ating po mga utility companies.
13:30Okay. Alright. Maraming maraming salamat po sa informasyong binigay niyo po sa amin.
13:35At sa inyong panahon, Atty. Joma San Pedro,
13:37ang provincial administrator po ng Nueva Ecija.
13:40So sa mga sandali po ito, nakikita na po natin na hinahanda na po
13:43yung almusal ng mga evacuees dito po sa NEUST.
13:48Para paribagong oil price hike ngayong araw,
13:50para sa ilang chuper, paribagong dagok na naman ito sa kanilang kabuhayan.
13:53Live mula sa Marikina, ito yung balita si EJ Gomez.
13:58EJ.
14:03Igan, may taas presyo na naman nga sa mga produktong petrolyo ngayong linggo.
14:08Ang mga kapusyo nating namamasada, umaaray na naman
14:11dahil daw sa bawas na naman nilang kita, lalo pat matumal pa ang biyahe dahil tag-ulan.
14:17Sa ika-anim na sunod na linggo, may dagdag sinil sa kada litro ng gasolina ngayong araw.
14:27Ikatlong magkakasunod na linggo naman para sa diesel.
14:30Sa pinakahuling price hike ng mga kumpanya ng langis,
14:33piso ang taas presyo sa kada litro ng diesel,
14:36habang 50 centavos ang sa gasolina.
14:39Wala namang price adjustment sa kerosene,
14:41kasunod ng pagpapatupad ng gobyerno ng State of National Calamity.
14:45Ang 55 anyos na si Tatay Restituto, tumanda na raw sa pamamasada.
14:51Kahit paraw centimo lang ang taas presyo sa gasolina,
14:54malaking bawas yun sa kita niya, lalo na ngayong mataas ang presyo ng mga bilihin.
14:59Malaking kabawasan yun.
15:01Kahit ba ikaw, 15 pesos na mawawalay,
15:07malaking kabawasan na yun.
15:10Kailangan huwag nang itaas.
15:11Talaga mahirap na dahil maedad na.
15:15Kumakaya't pa rin, walang inaasahan.
15:17Dito lang tayo maasa sa tricycle.
15:21Isa pang senior citizen at tricycle driver si Tatay Napoleon.
15:25Ilang dekada na raw siyang namamasada,
15:27hanggang ngayong 63 anyos na siya.
15:30Mas tumindiraw ang tumal ng biyahe dahil sa
15:32magkakasunod na bagyo at suspensyon ng mga klase at trabaho.
15:36At ngayong may taas presyo na naman sa gasolina,
15:39baka wala na siyang maiuwi sa kanyang pamilya.
15:41Ang jeepney driver naman na si Ramon,
15:57nagsasawa na raw sa paulit-ulit na lang na taas presyo sa diesel.
16:01Malaking kaltas daw ito sa maghapon niyang kita.
16:04Ilang kumpanya ng langis ang nagsabing walang oil price hike sa ilang lugar.
16:24Dahil sa ipinatutupan nitong price freeze,
16:26kasunod ang pananalasan ng mga bagyong tino at uwan.
16:29Kabilang dyan ang Cagayan, Isabela, Nuevo Vizcaya, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Sorsogon.
16:38May kumpanya na hindi rin magpapatupad ng taas presyo sa langis sa mga probinsya ng Pangasinan,
16:43Nueva Ecija, Negros Occidental, Cebu, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Bicol Region.
16:51Igan, tanong ng mga kapuso nating chuper,
17:01kailan naman daw kaya sunod-sunod na bababa ang presyo ng diesel at gasolina
17:06para naman daw kahit papaano e makabawi sila at makaluwag-luwag.
17:12At yan, ang unang balita mula rito sa Marikinas City.
17:16EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
17:20Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
17:25para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended