00:00Binawi ng Construction Industry Authority of the Philippines ang mga reklamo nito
00:05laban sa 16 na contractor na sangkot umano sa maanumalyang flood control projects.
00:11At dahil dyan, wala na rin visa, ang suspension at iba pang parusang ipinataw sa kanila.
00:17Nakatutok si Joseph Morong, Exclusive!
00:23Noong October 27, sinuspindi ng Department of Trade and Industry o DTI
00:28ang labing-anim ng mga contractor na umano yung sangkot sa maanumalyang flood control project.
00:33Kasama rito ang ilan sa mga contractor na sinampahan na ng reklamo sa ombudsman.
00:37Kaya mula noon, hindi na sila maaaring mangkontrata.
00:40Bukod sa pinakukumpis ka ang kanilang mga gamit at sasakyan,
00:42pinapapadlock rin ang kanilang mga opisina at mga warehouse.
00:46Pinapamonitor rin ang DTI sa Coast Guard, PNP at Immigration,
00:49ang paglabas-masok ng mga contractor.
00:52Base yan sa formal na mga reklamo na inihain ng DTI sa Philippine Contractors Accreditation Board of PCAB,
00:58noong October 27 rin.
01:00Pero binabawi na yan ng DTI ngayon.
01:03Sa mga dokumentong ibinigay na mapagkakatiwala ang source ng GMA Integrated News,
01:07makikita na winidro kahapon lamang ng Construction Industry Authority of the Philippines o SIAP
01:12na attached agency ng DTI ang mga reklamo nila.
01:16Kapareho lamang daw pala kasi ang investigasyon ng SIAP sa nauna nang nasimula ng PCAB.
01:21At PCAB ang may kapangyarihan na magrekomenda ng suspensyon sa kalihim ng DTI.
01:26Kaya raw revoke na rin o wala ng visa ang mga dating ipinataw na suspensyon na mangontrata sa mga kontraktor.
01:32Hinihingan pa namin ng pahayag si DTI Sekretary Christina Roque at ang PCAB.
01:36Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong nakatutok 24 oras.
Comments