00:00Nasa mahigit 94,000 relief goods ang nakapreposition ngayon
00:05sa iba't ibang warehouses ng Department of Social Welfare and Development sa Ilocos Region
00:10bilang paghahanda sa paparating na panibagong bagyo.
00:14Si Jude Pikpita ng Radyo Pilipinas sa Sentro ng Balita.
00:19Bilang paghahanda sa inaasahang paghagupit ng bagyong uwan sa Ilocos Region ngayong weekend,
00:25inihanda na ng Office of the Civil Defense ang mga relief resources
00:29maging ang koordinasyon sa mga ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng kalamidad.
00:35Sa isinagawang pre-disaster and risk assessment,
00:38handa na ang lahat ng mga gamit pang rescue at dumating na rin ang mga dagdag na tulong mula sa national government.
00:45As expected, we are ready. But the thing is, we are requesting na in advance.
00:50Actually, dumating na yung mga supplies namin coming from the national na nag-anticipate din yung national and forward
00:56without us asking. Alam nila na kailangan.
00:59Nasa mahigit 94,000 na relief goods ang nakapreposition ngayon
01:04sa iba't ibang warehouses ng Department of Social Welfare and Development dito sa Region Ilocos.
01:09Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr.
01:13na bago pa maghanap ang kalamidad, nakahanda ng maghatid ng tulong
01:17ang mga ahensya ng pamahalaan sa bawat Pilipinong maaapektuhan nito.
01:22Mula dito sa Lungsod ng Lawag para sa Integrated State Media,
01:26Jude Pitpitan ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.