00:00Nagsuspend din ang klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Luzon ngayong araw,
00:04bunsood ng malakas na pagulan, dulot ng low pressure area at southwest monsoon o habagat.
00:10Kabilang sa nagkansila ng klase ang ilang LGU sa Metro Manila,
00:13kasama ang Valenzuela City, Pasig City, Muntinlupa City, Marikina at Las Piñas City.
00:19Nagsuspend din ang klase ang Quezon City LGU ng panghapon na klase sa mga pampublikong paaralan.
00:26Ilang lokal na pamahalaan din ang nagkansila na ng klase sa ilang bahagi ng Luzon.
00:30Itinaas ng pag-asa sa orange level ang heavy rainfall warning sa Zambales at Bataan kaninang alas 9.30 ng umaga.
00:38Nananatili naman ang yellow level warning sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite
00:44at kanlurang bahagi ng Laguna at Batangas, Bunsood ng Habagat.
00:48Ayon sa pag-asa, patuloy na magpapaulan ang low pressure area o LPA at Habagat ngayong araw.
00:54Dagdag ng ahensya, huling namataan ang LPA sa bahagi ng Karagatanang Kalayan,
00:59kagayan at may posibilidad pa rin na maging tropical cyclone sa susunod na 24 oras.