00:00Pinag-iingat naman ang FIVOX sa mga residente malapit sa Bulcang Mayon sa Bantanang Lahar
00:06dahil sa inaasahang matinding pag-ulan dulot ng mga bagyo at habagat.
00:11May ulat si Paul Hapin ng Radyo Pilipinas Albal.
00:14Paul!
00:16Naglabas ng Lahar Advisory ang DOST FIVOX dahil sa inaasahang matinding pag-ulan
00:22dulot ng bagyong Dante, bagyong Emong at ng habagat.
00:26Ayon sa Weather Advisory No. 35 ng pag-asa, posibleng magdulot ng lahar, mud flows at sediment laden stream flows
00:34ang malalakas na ulan sa paligid ng Bulcang Mayon.
00:37Pinaalalahanan ang mga komunidad sa mga predetermined lahar zones na maging alerto,
00:42particular sa mga daluyan ng miisi, mabinit, buyuan at basud na may natitirang pyroclastic deposits
00:50mula sa 2018 at 2023 eruptions.
00:53May posibilidad din ng non-eruption lahars sa silangan at kanlurang bahagi ng bulkan.
00:59Ayon kay Deborah Fernandez, resident volcanologist ng Mayon Volcano Observatory,
01:04humigit kumulang 50 milyo cubic meters ng volcanic materials ang inilabas ng 2023 eruptions
01:10kung saan kalahati ay lava flow habang ang natira ay mga bato, abo at boulders na maaaring tangayin ng ulan.
01:18Paliwanag ni Fernandez, maaaring lumagpas sa 6 km permanent danger zone ang daloy ng lahar
01:24kung magpapatuloy ang buhos ng ulan.
01:27Muling pinaalalahanan ng FIVOX ang publiko na bawal pa rin ang pagpasok sa loob ng permanent danger zone
01:33at pinaalalahanan ng publiko na maging mapagmatsyag sa banta ng rockfalls
01:38at bigla ang phreatic eruptions, lalo na sa mga naninirahan malapit sa mga ilog at kanal.
01:45Bula rito sa Albay para sa Integrated State Media, Paul Hapin ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
01:54Maraming salamat Paul Hapin ng Radyo Pilipinas, Albay.