00:00Patuloy na nakatutok ang lokal at pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno sa NCR para sa epekto ng Super Typhoon Nando.
00:08Naihanda na rin nila ang iba't ibang mga esensyal na ipapamahagi sa mga sinalanta ng bagyo.
00:13Si Jenny Redd ng PIA-NCR sa detalye.
00:18Tuloy-tuloy rin ang paghahandang ginagawa ng DSWD Field Office National Capital Region para tugunan ang epekto ng Super Typhoon Nando.
00:27Nakatutok sa operasyon ngayon ng Disaster Response Management Division ng DSWD Field Office NCR para sa koordinasyon para sa mga LGU sa mga kinakailangan tulong.
00:39Ngayong naka-high alert status ang kagawaran, nakahanda na rin ang family food packs, non-food items at iba pang pangunahing pangangailangan na ipapamahagi sa mga apektadong pamilya kung kinakailangan.
00:50Nakantabi rin ang quick response teams para sa mga nangangailangan ng deployments sa mga lugar na lubos na maaapektuhan.
00:58Nanawagan ng DSWD NCR sa publiko na manatiding mapagmatsyag, sundin ang abiso ng kanilang mga lokal na pamahalaan at unahin ang kaligtasan ng kanilang pamilya.
01:08Samantala na nawagan naman ang mga lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at Pasig sa mga billboard owners na i-rolldown na ang kanilang mga billboard ads
01:18at paalalahanan ng mga building contractors na sigurduhing ligtas ang kanilang heavy mechanical equipment.
01:24Jennered para sa Philippine Information Agency, National Capital Region, naguulat para sa Integrated State Media.