00:00Bayan, inaasahan ang mas mabilis pang pagtugo ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga sinalanta ng Bagyong Tilo.
00:08Yan ay matapos aprobahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendasyon ng NDRRMC na magdeklara ng State of National Calamity.
00:19Tiniyap ng pamahalaan na patuloy ang pagresponde sa mga biktima ng Bagyong Tilo kasabay ng paghahanda sa isa pang parating na bagyo.
00:28Yan ang ulap ni Kenneth Paciente.
00:33Kasunod ng matinding pananalasan ng Bagyong Tilo, inaprobahan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rekomendasyon ng NDRRMC na magdeklara ng State of National Calamity.
00:45Binigyang bigat ng Pangulo ang matinding epekto ng bagyo na sinuyod ang maraming lalawigan sa bansa.
00:51Dagdag paa niya riyan ang posibleng epekto ng inaasahang pagtama ng Bagyong Uwan sa Northern Luzon.
00:57Because of the scope of, shall we say, problem areas that will be hit, that has been hit by Tino and will be hit by Uwan,
01:12there was a proposal from the NDRMC which I approved that we will declare a national calamity.
01:21Because ilang regions na yan, there will be almost 10 regions, 10-12 regions that will be affected.
01:29So pagkaganong karami, ganon ng scope, then we will really have to, then it is a national calamity.
01:37Dahil dito, sabi ng Pangulo, hindi nadadaan pa sa mahabang proseso ang mga apektadong lugar para i-access ang emergency funds.
01:45That gives us quicker access to some of the emergency funds, number one.
01:51Secondly, mapapabilis ang ating procurement so that we don't have to go to the usual bureaucratic procedures
01:59and we can immediately provide assistance to the victims of the storms.
02:04Ikinalungkot din niya ang malaking numero ng mga nasawi kasunod ng pananalasan ng bagyo.
02:10Kasabay ang muling pagdiyak na hindi mapapatid ang pagresponde ng pamahalaan.
02:14We are doing our usual relief and support activities para lahat ng mga na-displaced, lahat ng naging biktima
02:23ay matutulungan at ng pamahalaan together with national government, together with the first responders, of course the LGUs, maayos naman.
02:35Dahil sa inaasahang pagtaman ng bagyong uwan, sinabi rin ng Pangulo na aalamin nila kung sinong mga personnel ang maaari ng kumalas sa Visayas
02:43at maipadadala sa Northern Luzon kung saan ay sinasabing mananalasa ang paparating na bagyo.
02:49Pero paglilinaw ng Pangulo, hindi iiwan ang Cebu.
02:52Kailangan na natin pag-isipan kung ilan doon, kung sino doon ang pwede nang dalhin para paghandaan na yung uwan.
03:02Siyempre hindi namin iiwanan ng Cebu hanggat lahat na ay in place na.
03:08Kasunod nito, nagpaabot na rin ng P760M na tulong pinansyal ang Pangulo sa mga apektadong lugar.
03:15Tig P50M ang matatanggap ng Cebu, Capiz, Surigao del Norte, Iloilo, Bohol at Negros Occidental.
03:23Tig P40M naman ang Eastern Samar, Surigao del Sur, Southern Leyte, Antique at Aklan.
03:30Tig P30M ang Leyte at Masbate.
03:32Tig P20M ang Gimaras, Agusan del Norte at Dinagad Islands.
03:36Habang tig P10M naman sa Biliran, Camarines Sur, Sorsogon, Misamis Oriental, Negros Oriental at Palawan.
03:45Tig P5M rin ang matatanggap ng 16 pang mga lugar, kabilang na ang Metro Manila.
03:50Sa ganito mga pagkakataon, sinisiguro ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.
03:57na lahat ay maaabot ng tulong at kalinga sa anumang panig ng bansa.
04:01Sinabi naman ng Malacanang na hindi lang ang flood control sa mga apektadong lugar ang iimbestigahan,
04:07kundi pati na ang pagkakaroon-umano ng deforestation at quarrying na itinuturong dahilan kaya lumala ang baha.
04:14Dapat lamang po tintintan ito ng pamunuan ng DNR, kung ano ang nagaganap at kung ito ba ay hindi lamang dal sa kalamidad,
04:21hindi lamang ito ang act of God, kundi may kinalaman ang mga pagpapabaya ng mga tao at ang pang-aabuso sa ating natural resources o sa ating kalikasan.
04:32Hindi na po kailangang iutos ito ng Pangulo dahil alam po nila kung ano ang nais ng Pangulo at ano ang mga direktiba ng Pangulo sa mga klaseng kalamidad.
04:39Nilinaw pa ng palasyo na hindi kailangang humingi ng bansa ng foreign assistance dahil sapat pa ang pondo ng bansa sa pagtugon ng kalamidad.
04:47Wala pa rin daw mga LGU sa ngayon ang humihingi ng replenishment ng kanilang quick response fund at handa naman daw na magbigay ng karagdagang pondo ang pamahalaan kung kinakailangan.
04:58At dahil sa pag-aproba ng Pangulo sa pagdideklara ng State of National Calamity, gate ng Malacanang na ipatutupad sa buong bansa ang price freeze.
05:07Maaari rin mag-apply para sa calamity loan ang mga kwalipikadong individual.
05:11Tugon naman ang palasyo sa mga po nasa Pangulo kung bakit ngayon lang siya nagkaroon ng situation briefing sa NDRRMC.
05:18Kahit hindi naman po nagkaroon ng briefing ang Pangulo, everyday naman po siya nakikipag-usap dito at nagbomonitor.
05:24So ngayon lang po siya pumunta po doon pero hindi po ibig sabihin po noon hindi po siya nagbomonitor ng sitwasyon sa ating bansa.
05:30Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.