00:00Tiniyak ng Department of Education ang pinaigting na pagpapatupad ng recovery efforts
00:05sa mga pampublikong paaralan na apektado ng mga bagyong Tino at Uwan.
00:11Ito ay upang hindi maapektuhan ang pagkatuto ng mga kabataan.
00:15Ayon ka Education Secretary Sunny Angara,
00:18nasa 312 na public schools ang sinira ng magkasunod na bagyo.
00:24Mahigpit din anyang tinututukan ang kalagayan ng mga nasa lantang estudyante,
00:28guro at non-teaching staff.
00:31Nagpaabot din ang payikiramay ang kalihim sa ating mga kababayan
00:34at tiniyak na kasama ang kagawaran sa mga hakbang
00:38tungo sa pagbangon at muling pagbuo ng pag-asa.
00:42Sa ngayon ay pinatutupad na ang alternative delivery modes
00:45para maiwasan ang learning disruption.
00:48May pondo na rin na inilaang para magbigay ng learning packets
00:52at lesson guides sa ilalim ng ADM at Dynamic Learning Program.