Skip to playerSkip to main content
Panayam kay NIA Administrator, Engr. Eduardo Guillen ukol sa lagay ng mga dams sa mga lugar na apektado ng Bagyong #TinoPH at ang pagdiriwang ng Rice Awareness Month

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lagay ng mga dams sa mga lugar na apektado ng Bagyong Tino at ang pagdiriwang ng Rice Awareness Month.
00:07Ating pag-uusapan kasama si National Irrigation Administration Administrator, Engineer Eduardo Guillen.
00:14Admin Guillen, magandang tanghali po.
00:17Hi, magandang tanghali po sa atin lahat.
00:20Admin, una po sa lahat, matapos po ang pananalasa ng Bagyong Tino sa Visayas.
00:26Ano na po yung kasalukuyang lagay o sitwasyon ng mga pangunahing dam sa Western Visayas, pati na rin po sa Central Visayas?
00:37Well, okay naman po yung ating mga high dams.
00:41In fact, ito pong ating dam, yung ating Halaur Dam, malaking tulong po ito na nakapagpabawas po ng baha dito sa kanyang downstream areas.
00:53In fact, ang nakontain niya na tubig na itong kasalukuyang bagyo is nasa 20 million cubic meters.
01:02Ano po? So, malaking bagay po talaga yan.
01:04But of course, yung ating mga diversion dam ay patuloy lamang po yan.
01:10Ano naman kasi yan eh, wala siyang kakaya na mag-imbak ng maraming tubig.
01:13So, tuloy-tuloy lang po ang releases ng mga yan.
01:17So far po, ang ating malalaking dams wala naman pong damids.
01:20Kung meron man sa ating mga irrigation canals ay this week po, magbibigay sila ng final assessment po sa atin.
01:28Okay, sir. Paano po tinutukoy ng NIA kung kailan kailangan buksan o panatalihing sarado yung mga gates ng mga dams?
01:35At ano po yung mga pamantayan niyo po sa ganitong desisyon?
01:38Alam niyo, meron pong ginagamit ang NIA ngayon, yung tinatawag nating tomorrow.io, tomorrow.io, isang smart weather forecasting system.
01:49So, two weeks prior pa lang na parating yung bagyo, nago-forecast po natin yung tubig na babagsak dito sa catchment areas ng ating mga dams.
01:57Na nakapagbigay po ng panahon sa atin para makapag-pre-release tayo yung binabawasan na natin yung tubig ng ating mga dams para pagdating po nung bagyo talaga,
02:10ay kay nakakatulong po siya para mag-store ng tubig.
02:15So, ito'y napakababisa rin po na isang klase ng flood control, lalo yung malalaking dams natin,
02:21dyan sa Maymagat, Pantabangan, at ngayon po dyan sa Iloilo, yung ating Halaor Dam.
02:30So, yun po yung ating sistema.
02:34Admin, linawin ko lamang po, dun po sa Central Visayas, yung mga dam po ay wala pong spillgate, tama po ba yun?
02:43Tapos yung sa Western Visayas, yun yung may mga spillgate.
02:48So, paano po yun kung sakaling kailangang magpakawala ng tubig yung may mga gate,
02:53at kung kusang umapaw yung mga walang gate, paano po natin natitiyak na hindi po magdudulot ng bigla ang pagbaha
03:02at hindi po maapektuhan yung mga nasa downstream community?
03:06Yung ating mga diversion dams, ano po, ano po lang po ito, mabababang dams lang po ito.
03:14So, kung ano po yung dumarating na tubig pagka napunalo po ito, aapaw lang siya.
03:19Kaya nga ang tawag po din natin dito ay OG type dam, ano, weird type dam.
03:24At yung ating malalaking dams lamang po, ang may mga Suez Gates, yung may mga gates na tinatawag natin,
03:31at may kakayanan po siyang mag-imbak ng maraming tubig, ano, katulad doon sa ating Halaor.
03:37Again, nasa 20 million tubig meters po yun.
03:40So, ito po ang nakakapulong po sa pag-mitigate ng baha, yung malalaking dams.
03:45Kaya nga, di ba, lagi pong sinasabi ng ating presidente, ay ito ang tutukan natin ipagawa, no.
03:53So, ngayong taon nga na ito, sir, tatlong dams ang kanyang talagang tinutukan para mapunduhan.
04:00Yung balog-balog dam, yan sa may Tarlac.
04:04Yung ito pong Tumawini River Impounding Dam, yan po sa Tumawini.
04:10At saka yung inisaib, itatayo naman po dyan sa may Abra.
04:15At next year po, yung Panay River Dam naman para magtulong po dito sa Panay area, lalo dito sa Rojas City.
04:24Sir, ano-ano po yung mga hakbang na kasalukuyang isinasagawa ng NIA para matiyak yung kaligtasan ng mga komunidad
04:30na nasa paligid ng dam at irrigation systems na kung halimbawa pong magpakawala ng tubig
04:35o kaya umapaw yung dam ay hindi naman talaga magbabaha doon sa community within the area?
04:40Alam nyo, patuloy naman po tayo nakikipag-uglaya naman po, lalo sa mga local DRRMC offices,
04:48ay meron po tayong standard protocol po ng communication sa kanila
04:52kung meron mang chance na magpakawala tayo ng tubig sa ating mga dams.
04:57At again, ang maganda po dito sa ating mga high dams ay malayo pa yung bagyo,
05:04nagpapakawala na tayo ng tubig dyan eh.
05:06Kaya pagdating po na nandyan na po yung bagyo at kalakasan po ng ulan,
05:11dyan naman po yung tayo na nakasara yung mga gates natin.
05:14So, malaking tulong po talaga, no?
05:17Yung ating mga dams, lalo dito sa may magat area.
05:20Kung wala lang po yung ating magat dam,
05:23sabi nga nung mga residente, yung mga local officials dito sa downstream,
05:26lalo na sa Cugigiraw City, ano po?
05:28Lalo sanang kawawa ang bahay ng ating mga downstream communities kung wala yung high dams natin.
05:35Kamusta naman po, Sir, yung paghahanda po ng NIA sa papasok po na sama ng panahon na posibleng umabot po o maging super typhoon?
05:45As of today po, nagpa-preemptive release na po tayo sa ating dam sa magat, ano po.
05:54Pero itong pantabangan naman natin ay malayo po po mapuno yan eh.
05:58So, again, ayon dito sa ating smart weather forecasting system,
06:03yan po ang kagandahan ngayon at meron tayo niyan.
06:06Napo-forecast po natin yung volume ng babagsak na tubig sa mga catchment areas.
06:11So, hindi po tayo nagsasaya ng tubig.
06:14Dati-dati po, nung wala po yung sistema natin na yan, pag may paparating na bagyo,
06:18pag kinakabahan yung ating mga engineers, nagpapakawala nila ng tubig.
06:22Tapos bigla namang mahila pala yung ulan.
06:25Pero ngayon po, more precise po tayo.
06:28Kaya halos po yung ating mga dams kayo ay nandoon sa talagang maximum level na makapagbigay po ng patubig sa ating mga magsasakap.
06:40Sir, sa ibang usapin naman po, ngayong ipinagdiriwang naman natin itong Rice Awareness Month.
06:45Paano po nakikibahagi ang NIA sa layunin na mapalakas pa ang lokal na produksyon ng palay
06:50at mabawasan yung pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa?
06:54Alam niyo po, merong magandang project ang NIA ngayon eh.
06:59Yung itong pong magbabago ng ating cropping calendar.
07:03Napansin po namin anong binago natin yung cropping calendar natin.
07:06Nadagdagan yung ating tinatawag na cropping intensity.
07:10Ang taya ng NIA for 2025 alone,
07:13merong 350,000 hectares po na nadagdag po,
07:16na nataliman ng extra dito sa ating rice production.
07:21So that would mean around the 2,000,000 metric tons na karagdagan sa ating production.
07:29And of course, hindi lamang po yan.
07:33Yung napakaganda rin ang programa ng ating Pangulo ngayon,
07:36yung pagbibigay ng mga farm equipments,
07:39lalo lalo na yung rice processing system sa ating mga farmers
07:43para makapture nila yung value added ng rice production.
07:46Kasi ang gusto ng ating Pangulo po ay i-empower mismo
07:49yung ating mga farmers para hindi lamang sila umaasa dito sa mga traders.
07:54Bagkos, sila man ay makapture nila yung value added ng rice production
07:58para mas malaki po ang kita ng ating mga magsasaka.
08:03Admin, yung palagiang hamon po ng ating mga magsasaka
08:06ay yung either kulang po yung tubig na umaabot sa kanila
08:11o hindi talaga umaabot yung tubig sa kanilang mga taniman
08:15o sa kanilang mga palayan.
08:16So ano po yung mga proyekto ng pamahalaan,
08:20particular po ng NIA,
08:22sa mga susunod na buwan at susunod na taon
08:25na makatitiyak po na tuloy-tuloy at magiging maayos
08:28yung ating patubig para sa ating mga magsasaka?
08:32Yung pong mga dulo ng irrigation facilities natin
08:36na nakikita natin na tinukulang ng patubig,
08:39diyan po nagtatayo tayo ng mga solar pump irrigation systems,
08:43yung sa taas ng kanal,
08:44para meron po tayong additional na patubig sa kanila.
08:49Hindi lamang po yun, dito sa ating farm consolidation,
08:52pagka nakita po namin na talagang
08:55hindi abutin ng patubig yung mga dulo ng irrigation facilities,
08:59kinokonnect po natin sila sa DA
09:00para magtanim naman ng high-value crops.
09:02So, ibig sabihin,
09:03hindi ho ibig sabihin na
09:05pag hindi na nakapagpatubig ng tama,
09:07ay hindi na magtatanim.
09:09But of course,
09:10ay naka-high-value crops naman po sila.
09:12At meron tayong magandang programa sa NIA na yun,
09:15yung alternate wetting and drying technology natin,
09:19na kung saan nakakatipid po tayo
09:20ng around 20 to 30 percent ng tubig.
09:23At malaking tulong din po ito
09:25sa ating mga magsasaka.
09:26Kasi, alam nyo,
09:28ito'y isang uri rin ng carbon credit sequestration.
09:31So, nakakatipid na kami ng patubig dito,
09:34dumadami yung ali ng ating mga magsasaka
09:36at may extra income pa sila
09:39from itong carbon credit sequestration.
09:42Sir, may bagong technology po ba
09:44o initiative ang NIA
09:46para mapahusay o ma-improve ba
09:48yung sistema ng irrigation
09:50at matulungan pa lalo yung mga magsasaka natin?
09:52Yes, tama po yan.
09:56In fact, alam nyo po itong sistema ng NIA
09:59yung ating smart weather forecasting system.
10:02Meron tayo yung tomorrow I.O.
10:04yung ating sistema rin dito sa ating
10:07solar pump irrigation system
10:10na satellite na mamulitro po natin
10:13ng soil health and plant health
10:15ng ating mga palayan through satellites
10:19at nakakapag-advance po tayo sa ating mga farmers
10:22ang tamang sistema nila
10:24para po ma-address yung mga concerns
10:27sa kanilang palayan.
10:29Ito po ay nagsimula lamang po last year
10:31at magte-training na po tayo
10:34sa ating mga farmers ngayon
10:36para totally po na mapakinabana nila
10:38itong bagong smart climate
10:40at farming technology po ng NIA.
10:44At tumutulong po sa atin dito
10:45ang Israeli government
10:47para po ma-train natin yung ating mga farmers
10:50doon sa paggamit ng solar pump irrigation system
10:55at ito pong monitoring through satellite
10:58itong mga palayan po natin.
11:00Pero ang maganda po dito
11:03sa mga programang ito
11:04nagagamit din po natin
11:06yung ating mga solar pump irrigation
11:09sa pag-monitor
11:10kung ano dapat ang itanim na crops
11:13dito sa ating mga national irrigation system
11:16at kung kailan dapat magtanim.
11:19Very important po yan eh
11:20yung timing po ng pagtatanim ngayon
11:22dahil nga nakikita naman natin
11:24itong mga bagyong dumarating sa atin.
11:27Like, laki pong in-example
11:30dito sa ating Upris area
11:33binago natin yung crafting calendar dyan
11:35dati December
11:37naging October na.
11:38So, pinapasok natin yung ating
11:40dalawang crafting natin
11:42sa dry season.
11:43So, ang tawag po ramin dyan
11:44is double dry crafting.
11:48Bilang panghuli, admin,
11:49mensahe na lamang po
11:50sa ating mga kababayan
11:52at ating mga magsasaka
11:53patungkol po sa
11:54Rice Awareness Month
11:56in line din po
11:57sa mga tagubilin
11:58ng ating Pangulong
12:00Ferdinand R. Marcos Jr.
12:01na payabungin
12:03o pataasin pa po
12:04ang ating rice production.
12:08Well, alam niyo po
12:09ngayong Rice Awareness Month
12:11ay paalala natin sa lahat
12:13at huwag sayangin po ang bigas
12:15kasi bawat butil po
12:17Ayan, free si admin
12:25pero yun nga
12:26maganda yung sasabihin niya sana
12:27bawat butil
12:28ay napakahalaga
12:30kaya dapat hindi tayo
12:31magsayang ng bigas.
12:33Maraming salamat po
12:34sa inyong oras
12:35National Irrigation Administration
12:37Administrator
12:38Engineer
12:39Eduardo Guillen

Recommended