00:00Nakatakdang alamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sitwasyon ng ating mga kababayan sa Cebu na matinding sinalanta ng Bagyong Tino.
00:10Una ng pinakilos ng Pangulo ang mga ahensya ng gobyerno upang mas mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
00:20Ang mga yan sa ulat ni Kenneth Pasiente.
00:23Walang patid ang pagtulong ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng Bagyong Tino kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:33Ayon sa palasyo, agad na namahagi ang DOH ng mga hygiene kit, inuming tubig at mga gamot sa mga lubhang naapektuhan ng bagyo.
00:40Nakabantay din ang ahensya para tugunan ang pangangailangan medikal ng mga residente sa mga apektadong rehyon sa bansa.
00:49Nakamonitor din ang DOH sa panganib ng lahar mula sa bulkang Kanlaon dahil sa sunod-sunod na pagulan, dala ng Bagyong Tino.
00:58Tuloy-tuloy din ang pamahagi ng DSWD ng mga family food pack at ready-to-eat food items sa mga nasa lanta.
01:05Dagdag pa riyan ang tulong pinansyal sa mga naulilang pamilya ng biktima ng Bagyong Tino.
01:09Sa ulat ng DSWD, umabot sa 121,988 family food packs at 1,628 ready-to-eat food items ang kanilang na ipamahagi sa mga apektadong residente sa Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Negros Island, Central Visayas, Eastern Visayas at Caraga.
01:32Hindi rin daw tinitignan ng Pangulo at ng gobyerno ang kulay politika sa ganitong panahon ng sakuna.
01:37Kahit naman po hindi kaalyado ng Pangulo, kahit anong kulay po niya, Pangulo po ay handang tumulong kahit po kanino.
01:44Basta po kinakailangan ng tulong ng gobyerno kahit ano po ang kanilang saan sila, kaalyado, tutulong ang Pangulo.
01:52Kaugnay ng bahang naranasan sa Cebu, sinabi ng Malacanang na dapat masilip ang mga flood control projects sa probinsya kung gumagana ba ang mga ito.
02:00Sa datos kasi na nakuhan ng palasyo mula sa DPWH, nasa 343 flood control projects ang nagawa noong 2016 hanggang 2022 sa Cebu.
02:09Kaya ang tanong, bakit binaha kung binuhusan naman ng pondo ang mga proyekto?
02:14Kung meron po siya pang mga alam, may mga facts, may mga data rin po, si Governor para dito mas na makakatulong sa ating gobyerno para mapanagot, ang dapat mapanagot niyan po ay welcome.
02:30So dapat din po itong makita dahil kung meron po 343 flood control projects noon pa man, dapat po sana ay gumagana ito.
02:37So pag tulung-tulungan po natin mahanap, ang dapat na mapanagot sa mga maanumal yung flood control projects.
02:44Ipinagutos na rin ng Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno na gawing simple at makabuluhan ang Christmas at year-end celebrations.
02:51Ito ay bilang pakikiisa ng administrasyon sa taong bayan na nakaranas ng maraming pagsubok dulot ng sunod-sunod na sakuna sa bansa,
02:59mula sa lindol na yumanig sa Visayas at Mindanao at sa mga bagyong tumama sa ilang bahagi ng bansa.
03:04Paalala sa mga kawani ng gobyerno, mahalaga ang pagdiriwang ng Pasko na may pag-aalala sa kapwa nating patuloy na bumabangon
03:12at nagsisimulang muli mula sa maraming kalamidad na tumama sa bansa.
03:18Bagaman wala pang tiyak na pecha, sinabi ng palasyo na nakatakda raw bumisita sa Cebu si Pangulong Marcos Jr.
03:24Kenneth Paciente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.