Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pahigit 20 billion piso ang pondo para sa flood control projects sa Cebu.
00:11Kaya masama ang loob ni Cebu Governor Pamela Baricuatro
00:14dahil matinding baha pa rin ang dinanas ng lalawigan sa panalasan ng Bagyong Tino.
00:20May una balita si Ian Cruz.
00:21Sa Facebook dinala ni Cebu Governor Pamela Baricuatro
00:28ang sama ng loob sa dinanas nilang kalamidad dulot ng Bagyong Tino.
00:34P26 billion piso daw ang pondo para sa flood control projects sa buong lalawigan.
00:39Pero flooded to the max daw ang inabot ng maraming LGU sa lalawigan nila
00:44na basa raw ng Pangulo ang shoutout ni Governor.
00:48Yan po ang dahilan kung bakit po nagpapaimbestiga ang Pangulo Marcos Jr.
00:53Dahil nakita niya po yung epekto may mga budget na inilaan para dito
00:57pero parang hindi gumagana.
00:59Kaya mas maganda po na kung siya man po ay nagagalit,
01:05yan din po ang nararamdaman ng Pangulo Marcos Jr.
01:07Kung meron po siya pang mga alam, may mga facts, may mga data rin po,
01:13si Governor para dito mas na makakatulong sa ating gobyerno para mapanagot,
01:21ang dapat mapanagot, yan po ay welcome.
01:23Sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research,
01:27mula sa isumbong mo sa Pangulo website,
01:29may 414 flood control projects sa Cebu Province mula taong 2022 hanggang 2025
01:36na nagkakahalaga ng P26.7 billion pesos.
01:40Pangalawa ang Cebu sa Bulacan sa dami ng flood control projects at sa contract costs.
01:48Kahit wala ang Cebu Province sa top 10 flood-prone provinces base sa National Adaptation Plan.
01:55Apat sa pinangalanan ng Pangulo na top 15 contractor sa bansa,
02:00nakakuha ng 117 flood control projects sa Cebu na may kabuang halagang halos 9.6 billion pesos.
02:07Sa bayan ng Liloan kung saan may 35 ang naitalang na sawi,
02:12may limang flood control projects na may halagang halos 398 million pesos
02:17at lahat base sa isumbong website ay tapos na.
02:23Ang dalawa sa pinakamahal na proyekto dito ay co-contractor
02:27ang dalawang kumpanya ng mga diskaya na Alpha and Omega at St. Matthew General Contractor.
02:33Sa bayan ng Compostela, may tatlong flood control projects na may halagang halos 137 million pesos.
02:40Iisa ang kontraktor sa tatlong proyekto at lahat ng ito ay nasa Cotcot River.
02:46Sa Cebu City kung saan may labindalawang patay, 47 ang flood control projects na may 1.8 billion pesos.
02:54Sa Talisay City na may 7 nang patay, may 21 flood control projects na nasa halagang 2 billion pesos.
03:01Labing tatlo sa mga proyektong ito, ang QM Builders ang kontraktor na nakabase sa Cebu.
03:08Ang QM Builders ang isa sa top 15 kontraktors.
03:11Sa Danao naman kung saan may siyam na nasawi, ay may dalawang flood control projects na may halagang 172 million pesos.
03:20Maging ang center waste construction na nakabase sa Sorsogon sa Bicol, ay may proyekto rin sa mga bayan ng Alegria at Ronda.
03:29Ang tatlong proyektong ito ay may halagang 212 million pesos.
03:33Sinusubukan ng GMA Integrated News sa makuhang panig ng DPWH ukol sa mga flood control projects sa Cebu.
03:39Ito ang unang balita, Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended