00:01We're going to have a look at the Pinsalang Bagyong Uwan at Camarines Norte.
00:05It's a Bayan ng Daet, where there's a lot of rain on the day.
00:10Live from Daet, Camarines Norte, is Darlene Kai.
00:15Darlene!
00:19Igan, until the morning, there's a lot of rain in Camarines Norte.
00:25Pero, ambo na lang yung nararanasan, kaya hindi hamak na mas maayos na yung panahon ngayon kung ikukumpara kahapon.
00:33Agad na nag-clearing operation sa motoridad para alisin ang mga nabuwal na puno at poste.
00:38Pero wala pa rin pong kuryente sa buong probinsya at pahirapan pa rin ang komunikasyon dito.
00:47Nang sa wakas ay bahagyang gumina ang hanging dala ng Super Typhoon Uwan,
00:51agad idineploy ng Camarines Norte Provincial Government ang responders mula sa iba't ibang ahensya.
00:57Para yan, i-clear ang mga kasadang hindi na madaanan at para respondehan ang mga nangangailangan ng tulong.
01:04Buong araw kasing binayo ng napakalakas na hangin ang Daet, Camarines Norte.
01:10Malabuhawi ang hanging dala ng Super Typhoon Uwan, hindi lang sa Daet, pati sa buong probinsya.
01:17May storm surge warning o banta ng daluyong dito.
01:19Sa sobrang lakas ng alon, ay humampas at umawas na yan sa isang bahagi ng seawall.
01:25Sa gitna ng bagyo, ilang residente ang pumunta sa Dalampasigan para tignan ang lagay ng dagat.
01:30Ay yung dagat, ma'am.
01:32Tingin natin kung baka kung maglakas pa, ang masyado ay likas na.
01:36May mga residente pa rin kasing hindi lumikas kahit nagpatupad na ng sapilitan o forced evacuation sa bayan ng Daet kahapon.
01:43Tulad dito sa barangay Bagasbas, kung saan umaga pa lang ay lubog na sa hanggang binting baha ang mga bahay.
01:50Bakit ayaw niyo pa pong lumikas?
01:53Yung iba naman na mga malit na bata, nakalikas na natsa kabilang bahay.
01:58Dito lang po kami nagbabantay at yung mga gamit.
02:01Matsyagang nag-ikot ang ilang kawarin ng barangay para kumbustahin ang lagay ng mga residente
02:05hindi umalis sa kanikanilang tahanan.
02:07Grouping, grouping po. Kalim po akong barangay hole.
02:09Pinapunta ko dito ni Kap at tingnan yung mga kasama namin dito.
02:11Yung po yung kinakabahan din namin sapagkat kahapon nag-force evacuation tayo
02:16at may ilang pa din pong pilit na hindi lumikas.
02:20Yung mga yung po pinapasundo na po natin sa mga barangay.
02:24Pero nag-advise din po kami na no movement na hanggat maaari po
02:29sapagkat hindi na po ito safe.
02:31Maaaring may mga yero na po na parehas po nito na ano natin na maaaring lipa rin.
02:39Sunod-sunod na pinatumba ng malakas na hangin ang mga poste ng kuryente.
02:44Umaga pa lang, wala ng kuryente sa buong probinsya ng Camarines Norte.
02:49Natumba rin itong poste ng ilaw.
02:52Nagliparan ang mga kable sa lakas ng hangin.
02:55Ilang kawa din ang lumaylay sa kalsada.
02:58Pahirapan tuloy ang pagdaan sa Bagas Bus Road.
03:01Pero may ilang sasakiyang nangahas.
03:03Agad ding nag-ikot ang mga kawarin ng Canelco o Camarines Norte Electric Cooperative Incorporated
03:09para putulin ang mga lumaylay na kable.
03:12Ilang puno at halaman ang natumba.
03:14Nagliparan ang ilang yero.
03:16Pinulot ang isa ng nagmalasakit na residente.
03:20Sa gitna ng pagbayo ni Juan,
03:22lumikas ang lalaking ito kasamang isang bata papunta rito sa evacuation center ng barangay Kalasgasan.
03:28Isa ang 68 years old na si Virginia sa mga lumikas dito.
03:32Kakahalas at baka magbaha.
03:35Labis ang kanyang pag-aalala para sa anak na naiwan sa bahay.
03:39Ayaw daw nilang umalis dahil walang magbabantay sa kanilang mga gamit.
03:42Para nga po akong napapapunta doon at para akong nakakabahan ma'am po.
03:48Kasi aki man po, magka, kawawa naman.
03:52Ay naagas din mo na parang natatakot din mo sa paghahangin.
03:57Sana naman po ay magtigil man ito.
04:00Mag-isa lang din ang 71 years old na si tatay ang held dito sa evacuation center.
04:06Hinatido siya dito ng anak na ayaw rin umalis dahil walang magbabantay sa bahay.
04:10Hindi bababa sa 36,000 residente ang nasa evacuation center sa buong probinsya.
04:16Sa monitoring ng Kamarinas Norte PDRRMO,
04:18ilang kalsada sa ilang bayan ang hindi na mataanan
04:21dahil sa mga natumbang puno at poste,
04:24gaya sa Labo, San Vicente, San Lorenzo, Basod, Capanongga at Paracale.
04:29Priority natin i-clearing yung Maharlika Highway or the National Road
04:33para mas mabilis yung pag-provide natin ng services doon sa mga nangangailangan ng tulong.
04:38Bagsak din ang linya ng komunikasyon sa maraming lugar,
04:41kaya pahirap ang makakuha ng reports.
04:43Based doon sa aking perception sa mga nangyari,
04:48natatagalan ako doon sa pagdaan ng bagyo.
04:52Matagal eh.
04:53Pag matagal kasi ang bagyo, mas lalong maraming damage ang nagagawa.
04:57Pero tiyak daw na malaki ang pinsala sa mga pananim at kabuhayan ng mga residente.
05:02Maybe before lunchtime ay meron na kami mga relief operations sa aming mga kababayan.
Comments