00:00I believe in the Vice President Sara Duterte
00:02ang unmodified opinion ng Commission on Audit
00:04sa Finance Statement ng Office of the Vice President noong 2024.
00:08Dati nang nilinaw ng COA na hindi rating o score
00:11ang unmodified opinion.
00:13May ilan ding po na ang COA sa OVP
00:15kong naisa mababang paggamit ng pondo noong 2024.
00:20May unang balita si Marisol Abduraman.
00:24Nakuhan natin ang unqualified opinion
00:27mula sa Commission on Audit.
00:30Ang highest audit rating.
00:32Ito ay malinaw na indikasyon
00:34ng ating transparency at fiscal integrity.
00:39Ito ang ipinagmalaki ni Vice President Sara Duterte
00:42sa kanyang year-end report para sa 2025.
00:45Ibinida ng BCM accomplishment ng kanyang mga programa
00:48kabilang ang Medical and Burial Assistance,
00:51Disaster Relief, REST Program,
00:53Magnegosyo Today Program at iba pang programa ng OVP.
00:56Hindi kami pumayag na maging dahilan
00:59ang kakulangan ng budget para maputol ang serbisyo.
01:02Sahalip, nakipagtulungan kami sa ibang ahensya ng gobyerno
01:06at nagtagumpay na makakuha ng alternatibong pondo.
01:11Sinabi niya ng vice ang kahalagahan ng pagkakaroon ng plano at iba pa
01:15gayon din ang paglaban sa korupsyon para umunlad ang bayan.
01:19Patuloy namin na ipapakita sa inyo
01:22na ang tanggapan ng pangalawang Pangulo
01:24ay mahalaga sa amin ang pagkakaroon ng plano,
01:28mahusay na implementasyon ng proyekto,
01:31paglaban sa korupsyon at tapang at malasakit
01:35para magkaroon ng kapayapaan at kaularan sa ating bayan.
01:40Sa COA audit sa Office of the Vice President para sa taong 2024,
01:44nakalagay nga na nagbigay ng unmodified opinion ng COA
01:47sa presentasyon ng financial statement ng OVP.
01:51Dati nang sinabi ng COA na ang ibig sabihin nito
01:53na sunod ang lahat ng alituntunin sa paghahanda ng financial statements.
01:58Pero nilinaw ng COA na ang audit opinion
02:01ay hindi dapat itulong na rating, score o grado na may lowest to highest.
02:06May mga pinuna nga ang COA sa 2024 audit report sa OVP.
02:11Isa na rito ang mababang fund utilization o paggamit ng pondo ng OVP.
02:15Mula nang kasi sa mahigit 89% na utilization rate ng 2022,
02:20bumaba ito sa mahigit 85% ng 2023,
02:23at lalo pang bumaba sa mahigit 73% ng nakaraang taon.
02:28Sa mahigit 2 billion pesos kasi na pondong pwede nilang gastusin,
02:31mahigit 1.5 billion lang ang nagamit ng 2024.
02:34Sabi sa ulat ng COA, dahil daw dito,
02:38maaaring maapektuhan ang epektibong paghahati ng programa at servisyon ng OVP.
02:43Sumangayon naman daw ang OVP sa rekomendasyon ng COA
02:46na ayusin ang pagplano at pagpapatupad ng kanilang budget.
02:50May kakulangan din daw sa dokumentasyon ng distribution ng mga welfare goods
02:54na nagkakahalaga ng mahigit 110 million pesos.
02:58Hindi daw kasi nagsumitin ang verifikadong master list
03:00ng mga beneficiaryo, situation reports at mission order.
03:04Ang situation report ay patunay na may nangyaring sakuna o kalamidad
03:08na basihan para naman sa mission order,
03:11habang ang master list ay basihan para sa paghahanda
03:14kung gaano karami ang mga welfare goods na ipamamahagi.
03:17Ayon sa COA, pumayag naman ang OVP na i-review ang kanilang policy manual
03:22para matiyak ang pagsusumite ng kompletong dokumentasyon.
03:26Pino na rin ang COA, ang anila'y kakulangan ng malinaw na alintuntunin
03:30at proseso sa pagtanggap ng mga donations in kind,
03:33inventory management at pagsusumite ng mga report ukol dito.
03:37Sabi ng COA, sumangayon din ang OVP na rebisahin ang mga alintuntunin
03:42upang makasunod sa accounting rules and regulations.
03:44Sinita rin ang COA ang magnegosyo taday o MTD program ng OVP,
03:50layo ng MTD na mabigay ng cash grant upang magbigay ng puhunan sa negosyo
03:54sa mga kababaihan, kabataan, mga miyembre ng LGBTQ+, at iba pang sektor.
04:01Sabi ng COA, hindi raw nasuri ng DTI at PDIC
04:03ang feasibility at viability ng project proposals ng halos 140 na beneficiaries
04:09na nakakuha ng kabuang mahigit 3.4 milyon pesos na pondo.
04:13Hindi rin daw nila binisita para imonitor ang karamihan sa mga beneficaryo.
04:18Nangako naman daw ang OVP na kanilang aayusin ang sistema ng pagsusuri sa project proposals
04:24pati na ang pagbisita sa mga beneficaryo.
04:27Sinisikap naming makuha ang panig ng OVP sa mga obserbasyon ng COA.
04:31Ito ang unang balita, Marisol Abduraman para sa GMA Integrated News.
Comments