Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Maraming tinanggi ng ilang dati at kasalukuyang opisyal ng gobyero na humingi sila ng porsyento sa flood control projects na nakuhan ng mag-asawang Pasara at Pasitiko, Diskaya.
00:10I-dinawit sila sa sinumpang salaysay ng mga Diskaya sa Senate Blue Ribbon Committee Hearing.
00:14May unang balita si Darlene Cai.
00:20Labim-pitong dati at kasalukuyang kongresista.
00:23Isang regional director ng DPWH.
00:26Limang district engineer ng DPWH.
00:28Isang undersecretary ng DPWH.
00:31Isang director ng Unified Project Management Office.
00:34At isang dating undersecretary sa ilalim ng Office of the President.
00:38Ang pinangalanan ng mag-asawang Pasifiko at Sara Diskaya sa kanilang sinumpang salaysay na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee.
00:46Ilan-anila sa mga ito ay personal umano nilang inabutan ng pera para hindi maipit ang kanilang mga kontrata sa gobyerno.
00:54Ayon sa mga Diskaya, 10 to 25% ng halaga ng kontrata ang hinihingi ng cash at walang resibong pinipirmahan.
01:03Matapos naming manalo sa mga bidding, may mga opisyal mula sa DPWH ang lumalapit sa amin para humingi at kumuha ng bahagi niya sa halaga ng proyekto.
01:12Ito ay binibigay namin sa kanila ng cash. Ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger na nagsasahad ng mga araw at kung kailan nila ito natanggap.
01:22Meron din anilang kickback na inaabot nila sa chief of staff o staff ng politiko.
01:27Meron din binabanggit lang anila ng mga nanghihinging taga DPWH.
01:31Lumapit sa akin ang DPDAOS Project Engineer na si Angelita Garucha para kolektahin ang parte ni Kong Roman Romulo sa flood control projects noong 2022.
01:42Pagdating ng 2025, si District Engineer Aristotle Ramos ang sumunod na nagpakilala na bagman ni Kong Roman Romulo
01:50kung saan 30% ang kanyang hiningi ay para kay Kong Roman Romulo.
01:58Sinabi niya na walang magagawa dito dahil puno ito galing sa unprogrammed funds at insertion galing sa taas.
02:04Karamihan umuno ng kausap nilang taga DPWH ay sinasabing ang pera ay para kay House Speaker Martin Romualdez
02:11at ako Bicol Partylist Representative Elizaldeco ang dating chair ng House Committee on Appropriations.
02:17Maging si dating Congressman Marvin Rilyo, ilang beses umanong binanggit kay Diskaya na malapit niyang kaibigan si Speaker Romualdez
02:26at inaprubahan umano ng Speaker ang mga fund requests niya.
02:29Sa tuwing aminom kami sa Wine Story sa BGC at Ed. Sa Shangri-La Mall, sinasabi ni Kong Rilyo na lahat ng kanyang requests para sa pondo
02:39ay galing pa mismo sa unprogrammed funds at insertion na inaaprubahan ni Speaker.
02:44Ang tao ni Marvin Rilyo na si Bogs Magalong ang pumapata sa amin para kunin ang pera sa aming opisina.
02:51Binanggit din daw si Naromualdez at Connie Usuag Partylist Representative Jojo Ang.
02:56Si Kong Jojo Ang naman lagi rin binabanggit sa lahat ng projects sa kanya ay paponto ni Speaker at ni Saldico.
03:03Mataas ang hinihingi sa project, dagdag pa niya.
03:05Hindi naman lahat ng pera ay para sa kanya, kundi para kay Speaker at kay Saldico.
03:09Naapilitan umano silang magbigay ng kickback dahil sa sobrang panggigipit ng mga nabanggit na politiko.
03:1612 meters ang kailangan na ibaon mo sa lupa.
03:20Ang problema, yung 12 meters, kinatay ginawang 3 meters. Baka naman ganun ang project mo.
03:25Hindi ko po kayang sagutin, Mr. Chair, yung gawa po ng iba.
03:28Hindi, ikaw ang tinatanong ko eh. Na-example ko lang yung Mindoro. Baka ganun ang gagawin mo, mali talaga.
03:34Hindi po, Mr. Chair. Kami na lang po ang nag-aabsorb ng maliit na kita.
03:38Ibig sabihin, Mr. Chair, kesa wala kaming project, walang trabaho yung mga tauhan at empleyado namin,
03:45minabuti lang po namin na kumita na lang ng kahit nga bariya-bariya lang.
03:47Kasabwat na hunin nyo yung district engineer at regional director.
03:51Paano po? Pati yung COA, kasabwat din hunin nyo.
03:54Eh magbubulag-bulagan nalang yung tatlong yun.
03:57I don't think 2% lang po ang kinikita nyo dito, 3%.
04:00Magpapakanda hirap kayo, 2-3%.
04:02Kakayaan nyo ba ng 2-3% yung mga sasakyan na binili nyo na pagkadami-dami po?
04:07I mean, that's just way, ika nga, unbelievable po.
04:10Your Honor, Kaya po, dahil 23 years naman po namin pinaghirapan po yun.
04:15Umutang umano ang mag-asawang nis Kaya sa ilang mga taga DPWH
04:19dahil na-freeze naan nila ang kanilang bank account.
04:22Noong isang araw lang daw, nagsauli umano ng pera ang isang June.
04:27Driver ni Eduardo Vergilio, DPWH regional director ng Region 5.
04:32Itinanggiyan ni Vergilio pati ang aligasyon laban sa kanya.
04:35Na-freeze ng banko ang mga account namin kahit wala pang court order ng AMLAC.
04:40Mukhang naramdaman niya na magsasalita na ako kaya sinauli po niya yung 25% plus parking fee.
04:47Kulang pa nga.
04:48Ipata-tawag sa Senate hearing ang driver ng DPWH regional director.
05:16Itinanggi rin ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara ang akusasyon ni Diskaya.
05:22I respectfully deny po na may itilanggap po ko galing sa kanya.
05:26Si House Speaker Romualdez, tinawag na kasinungalingan ang mga pahayag ng mag-asawang Diskaya.
05:32Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na mali, malisyoso at pawang name-dropping lang ang ginawang pagbanggit sa kanya sa sworn affidavit ng mga Diskaya.
05:42Kahit kailan daw, hindi siya tumanggap at hindi tatanggap ng suhol mula sa kahit kanino dahil walang sino man ang kayang manuhol sa kanya.
05:51Kung may gumamit o ng abuso raw ng tangalan ni Romualdez para kumita, sila raw ang dapat managot.
05:57Iginiit naman ni Congressman Zaldico na walang basihan ng mga akusasyon laban sa kanya.
06:02Ayon kay Ko, walang patunay ang mga aligasyon na anyay sabi-sabilang at politically motivated para linlangin ang publiko at lumihis sa accountability.
06:11Mariinding itinang ginipasig si Rep. Romualdez ang pag-uugnay sa kanya sa maanumalyang bidding.
06:16So sa totoo, hindi man ako nakikialam sa bidding, pero siguro dahil nga doon na hindi ako nakikialam ng bidding,
06:22tapos sa totoo, maraming pang ibang factors, ay madali niyang masabi. Pero again po, hindi po totoo ang mga sinabi niya.
06:30Iginagulat naman daw ni Quezon City 6th District Representative Marivic Coppilar ang pagkakabanggit sa kanyang pangalan.
06:37Kasi ni Anino, ni Sarah, o ni Curly Diskaya, di ko nakita.
06:43I have never spoken to them, nor have I ever authorized or allow any representative to deal with them.
06:50My office will launch an exhaustive investigation regarding this matter.
06:56I will also file a libel case against the Diskaya so they may answer before the proper court of law for this deliberate action to destroy my reputation by deceiving the public.
07:09Pinag-aaralan din ni Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro ang pagsasampa ng mga reklamo laban sa mga Diskaya.
07:17Demolition job o paniriraraw sa kanya ang mga paratang ng mag-asawa.
07:21Wala raw katotohanan ng mga ito at hindi pa raw siya kongresista nang mapunta sa mga Diskaya ang kontrata.
07:27Pinabulaanan din ni Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde na nakinabang siya mula sa sino mang kontraktor.
07:34Kahit kailan hindi raw siya nakipag-transaksyon sa kanila.
07:38Todo tanggi rin si Romblon Representative Eleandro Jesus Madrona sa mga pahayag ng mga Diskaya.
07:44Wala raw siyang proyekto sa mga Diskaya kaya ano raw ang basihan ng mga pahayag nila?
07:49Nabalitaan daw niyang nagbid si Diskaya para sa mga proyekto sa Romblon pero wala raw siyang alam at kinalaman sa pagbabayad.
07:56Sabi naman ni San Jose del Monte Bulacan Mayor at dating Congresswoman Florida Robes,
08:01mangilabot naman daw kung sino man ang gumamit ng kanyang pangalan.
08:05Wala raw ghost project sa kanilang lungsod.
08:07Nanindigan din si Kaloocan 3rd District Congressman Dean Asistio na wala siyang tinanggap na pera mula sa mag-asawang Diskaya.
08:14Wala raw ghost project sa kanyang nasasakupan.
08:16Kung may proyekto man daw doon, DPWH daw ang nangangasiwa.
08:21Maghahain din daw ng kaso si Laguna Rep. Benji Agaraw na itinanggiring humingi siya ng pera kapalit ng mga proyekto sa kanyang distrito sa Laguna.
08:29Mariinding pinabulaanan ni Quezon 3rd District Rep. Reynante Arugansha ang mga aligasyon ng mga Diskaya.
08:35Ilalabas daw niya sa tamang panahon ang mga ebidensya ang magpapatunay na pawang kasinungalingan at walang basihan ang mga paratang laban sa kanya.
08:44Mariinding itinanggi ni Aga Partylist Rep. Nicanor Briones ang mga paratang ng mga Diskaya.
08:49Nakikipagugnayan na raw sila sa mga abogado para maghahain ng kaso laban sa mag-asawa.
08:54Pinabulaanan din ni Usuag Ilonggo Partylist Rep. Jojo Ang Jr.
08:58ang mga anyay walang basihang paratang na naguugnay sa kanya sa korupsyon.
09:03Iginit din Occidental Mindoro Lone District Rep. Auditariela na wala siyang tinanggap na pera o pabor mula sa mga Diskaya.
09:10Sabi naman ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael Vargas,
09:14isandaang porsyentong hindi totoo ang mga aligasyon ng mga Diskaya.
09:18Wala raw silang proyekto sa kanyang distrito.
09:21Magsasamparaw siya ng kaso laban sa mga Diskaya para sa kanilang anyay kasinungalingan.
09:26Patuloy na sinisikap ng GMA Integrated News sa kunin ang panig ng iba pang kasalukuyan at dating kongresista na idinawit ng mga Diskaya.
09:34Ito ang unang balita. Darlene Cai para sa GMA Integrated News.
09:51Ito ang unang balita.
Comments

Recommended