00:00Sa mantala po, puspusan ang paghahatid ng Department of Health ng Servisyong Medikal
00:04sa mga lugar na hinagupit ng bagyong opong.
00:08Ayon sa DOH, nagpadala ng labing limang doctors to the barrios
00:12at 199 na mga nurse sa masbate para tumulong sa health workers ng LGU.
00:19Bukod dito, namahagi rin ng mga gamot, surgical masks, hygiene kits,
00:24malinis na tubig at iba pang health commodities ang DOH Bicol.
00:29Mga gamot at libreng konsultasyon naman ang hatid ng DOH sa 200 at 30 evacuation centers sa Eastern Visayas
00:37kasama na ang Eastern Samar.
00:39Dito ay tiniyak din na sapat ang supply ng mga gamot tulad ng parasetamol,
00:44antibiotics at kahit na ang mga pang high blood at diabetes.
00:48Sa Calabar Zone naman, mahigit 6,700 na inilikas na pamilya
00:53ang hinandugan ng DOH ng hygiene kits at medical supplies.
00:57Ang lahat ng mga ito ay linsunod pa rin sa kautusan
01:00ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin
01:03ang kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipino tuwing may kalamidad.