00:00Mas moderno at advanced sa teknolohiya, itong ginamit na pamamaraan upang maging matagumpay ang kauna-unahang stereotactic radiosurgery sa Pilipinas
00:09na matatagpuan sa isang pampubliko ospital sa Davao City.
00:14Layan ng surgery natanggalin o matunaw ang tumor na namuo sa mga apektadong bahagi ng katawan.
00:20Kung paano ito ginawa, alamin natin sa sentro ng barita ni Jaira Mondes-Alice ng PTV Davao.
00:26Historic milestone sa larangan ng medical services sa Pilipinas
00:32ang matagumpay at kauna-unahang stereotactic radiosurgery sa loob ng isang pampublikong ospital sa Davao City na Southern Philippines Medical Center o SPMC.
00:43Ang stereotactic radiosurgery ay isang highly precise non-invasive medical procedure
00:49na gumagamit ng radiation para matunaw ang mga maliliit na tumor sa mga apektadong bahagi ng katawan
00:56gaya ng utak, spinal cord, baga at iba pa.
01:01Makatutulong ito para hindi maging sanhinang cancer ang tumubong tumor sa katawan.
01:06Hindi ito katulad ng tradisyonala na open surgery dahil mas moderno at advanced ang SRS procedure.
01:13Samantala, ang pasyente ay nasa 27 years old na taga Davao City.
01:19Isa siyang virtual assistant at nare-reklamo nito ang pagsakit ng kanyang mata at ulo.
01:24May pagsusuka rin ito na naranasan.
01:27Kaya naman, nang tingnan sa detailed imaging, nakita na meron itong meningioma o bukol sa kanyang bahagi ng utak.
01:34He then opted not to undergo surgery under the knife.
01:41So this was the option that was given to him by the neurosurgeon.
01:45So he was referred to us for such na talaga radiosurgery because he met the criteria.
01:53Sa araw ng surgery, sinabi ng mga doktor na aabot sa 15 to 30 minutes ang procedure
01:58depende sa laki at lokasyon ng bukol.
02:01Sa nasabing procedure, dalawang bukol o lesions ang target ng mga medical professionals sa nasabing surgery.
02:09So kailangan na nasa tamang posisyon ang mga pasyente upang maging angkop ang pagdetect ng mga bukol na kailangang tunawin.
02:17In terms of local control, it approaches 100 percent, 97, very effective because of its ability to deliver a high dose of radiation to limited areas of the brain.
02:32Maaari namang makauwi na ang pasyente pagkatapos ng surgery.
02:36Kailangan lang ang hanggang limang araw na follow-up sa kanyang treatment.
02:39Well, subsequent days, we check if he's doing fine, kung okay lang ba siya, he was tolerating the treatment well,
02:48or if there are any minor side effects, kunwari, headaches, we give him the appropriate medications.
02:57Sa isinagawang procedure, mas pinaigting ng SPMC na mapaunlad ang kakayahan ng government hospital na maging moderno
03:04at advance ang pagbibigay ng medical na servisyo, lalo na sa lubos na nangangailangan.
03:11Mula rito sa PTV Davao, Jaira Mundez, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments