00:00Nagsagawa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard
00:04kasunod ng pananalasa ng Superbagyong Nando at ng Habagat.
00:08Yan ang ulatin Noel Talakay.
00:11Sa video na ito, makikitang gamit ang rubber boat ng Philippine Coast Guard.
00:17Nagtulong-tulong ang mga tauhan ng PCG, Northwestern Luzon at mga residente
00:22para maitawid sa ilog ang mga relief goods para sa mga residente ng barangay Sagap, Banggid, Abra.
00:30Ayon sa PCG, nasa mahigit 70 relief goods ang inihatid sa nasabing barangay.
00:36Bilang bahagi ng PCG sa pagtulong sa lokal na pamalaan ng Abra
00:40matapos masalanta ng sama ng panahon na dala ng Super Typhoon Nando.
00:46Sa mga larawan naman na ito, makikita na sinagip ng mga tauhan ng Coast Guard Substation Real
00:52at Coast Guard Station Northern Quezon
00:55ang mga sakay ng MV Virgin di Peña Franca 1
01:00matapos itong ano rin ng malakas na alon
01:02sa karagatan na malapit sa port ng Real Barangay Ungos, Real Quezon
01:08dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Nando.
01:12Batay sa ulat ng PCG, nasa 41 ang mga pasahero ng nasabing vessel
01:17at may kasamang mga senior citizen at yung iba naka-wheelchair pa
01:22at mayroon itong 22 crew members.
01:26Isang 67-year-old naman na lalaki ang natagpuan ng mga tauhan ng PCG
01:32District North Western Luzon matapos magsagawa ng search and rescue operation
01:38sa barangay San Isidro, La Union.
01:41Batay sa ulat ng ahensya, natagpuan na wala ng buhay ang biktima
01:45sa baybayin ng nasabing barangay.
01:48Ayon sa PCG, naiulat na may nawawalang lalaki sa nasabing barangay
01:53noong kasagsagan ng pananalasa ng Super Typhoon Nando.
01:58Sa pinakabagong monitoring ng PCG,
02:01mayroong 32 individual ang stranded at mayroon din mga bangka
02:06ang nakadaong sa iba't ibang port ng Luzon.
02:09Noel Talakay para sa Pabasang TV sa Bagong Pilipinas.