00:00Una po sa ating mga balita, tuluyan ng umabot sa typhoon category ang binabantayang bagyong tino
00:07at ayon sa pag-asa, hindi iniaalis ang posibilidad na maging super typhoon ito.
00:13At mukod sa malalakas na pagulan, tabi lang sa mga ibinabala ng pag-asa ay ang banta ng daluyong o storm surge.
00:21Ang mga yan alamin maya-maya lamang.
00:23Samantala, nakataas na ang alerto ng Caraga Region sa harap ng banta ng Bagyong Tino.
00:31Kabilang sa mga pinag-ahandaan ay ang sistematikong pamamahagi ng tulong sa mga masasalantang pamilya.
00:38Ang sentro ng balita mula kay Janessa Felix ng PTV Dabao.
00:42Janessa?
00:45Naomi naghahanda na ang Office of the Civil Defense Caraga Region sa posibleng pagtama ng Bagyong Tino,
00:51sa rehyon, particular sa Dinagat Islands ngayong araw.
00:56Itinaas na sa red alert status ang OCD Emergency Operations Center
01:00para masiguro ang agarang tulong at aksyon sa mga apiktadong lugar
01:04at matiyak ang efficient at systematic humanitarian assistance
01:07na pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development to DSWD.
01:13Nagsagawa na din ang pre-disaster risk assessment kasama
01:15ang iba pang mga response clusters at mga local government units
01:19upang maipatupad na ang pre-emptive evacuation sa iilang mga munisipalidad.
01:24Nasa mahigit 1,400 na pamilya na sa Dinagat Islands
01:28na nasa high risk ang ipin-evacuate na ngayong araw para masiguro ang kanilang kaligtasan.
01:33Aasahan na mas marami pang pamilya ang isa sa ilalim sa pre-emptive evacuation.
01:38Sinuspindi na rin ang pasok sa lahat ng paaralan
01:41sa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Butuan City, Agusan del Norte at Dinagat Islands.
01:48Magpapatuloy naman ang OCD Caraga Region sa pag-monitor sa bagyong Tino.
01:54Naomi, nagpaalala naman ang otoridad sa publiko
01:57lalong-lalo na sa mga apiktadong lugar na makinig
02:00at sumunod sa abiso dahil para ito sa kaligtasan ng lahat.
02:05Naomi?
02:05Marami salama Janessa Felix