00:00Naglabas na ng ikalawang schedule ang Department of Public Works and Highways para sa Phase 1 ng Rehabilitasyon sa EDSA.
00:07Ang mga maapekto ang lugar ating alamin sa ulat ni Joshua Garcia.
00:14Bagamat marami sa ating mga kababayan ang nasa bakasyon ngayon para sa Pasko at Bagong Taon,
00:19nag-abiso ang mga otoridad na planuhin mabuti ang biyahe para sa mga natitirang araw ng 2025 hanggang sa Bagong Taon.
00:26Ito ay dahil nagsimula na ang konstruksyon ng EDSA.
00:30Sa katunayan, inilabas na ng Department of Public Works and Highways ang ikalawang schedule ng 24-7 na konstruksyon para sa Phase 1 ng EDSA Rehabilitasyon.
00:40Mula December 28 hanggang January 5, 2026, ay may road re-blocking sa outer lane ng southbound ng Home Expo Building Depot patungong Picelli Street,
00:50habang inner lane naman sa northbound ng Park Avenue hanggang Orense.
00:53May re-blocking din sa southbound ng ilang bahagi ng Ayala underpass exit malapit sa San Lorenzo Village.
00:59Asahan din ang road re-blocking sa ilang bahagi ng EDSA northbound mula Orense hanggang malapit sa McKinley.
01:05Samantala, magkakaroon naman ng asphalt overlaying mula Tramo Bus Station hanggang E. Rodriguez sa lahat ng lanes maliban lang sa bus lane.
01:14Mula naman sa lunes, ay asahan din na magsisimula na ang pag-aaspalto sa northbound ng E. Rodriguez hanggang Kalayaan Avenue.
01:21December 30 naman magsisimula ang asphalt overlaying mula Loring hanggang Rojas Boulevard na gagawin kada lane.
01:28Bisperas pa ng bagong taon, ay tuloy pa rin ang konstruksyon.
01:32Sa katunayan, sisimulan sa araw na ito ang paglalagay ng asfalto mula Rojas Boulevard patungong FB Harrison.
01:39Magpapatuloy din ang rehabilitation hanggang January 1 hanggang January 5,
01:43kabilang dito ang Ayala underpass hanggang Tramo Bus Station.
01:46Gayun din ang lahat ng lanes mula Ayala underpass hanggang sa Ordaneta subdivision.
01:51Asahan din ang asphalt overlaying mula Palm Drive patungong Ayala underpass na magsisimula sa January 3.
01:58Sa harap ng pagpapatupad ng ELSA Rehabilitation,
02:01una nang sinabi ng MMDA na walang magiging pagbabago sa number coding schema.
02:05Ang pagsasara lang ng karasada will happen December 24 to January 5,
02:11which is sa experience namin, sa datos namin, kakaunti talaga ang sasakyan sa buong Metro Manila.
02:19Maybe because siguro 70% ng population ng Metro Manila either nasa abroad or nasa probinsya.
02:27Sa oras na matapos ang unang bahagi ng rehabilitasyon,
02:30agad na isusunod ng phase 2 para sa nalalabing bahagi ng EDSA.
02:33Ito ay mula January 5 hanggang May 31, 2026,
02:38nagagawin alas 10 ng gabi hanggang alas 4 na madaling araw tuwing lunes hanggang biyernes.
02:44Hinaasahan na magtatagal ng rehabilitasyon sa loob ng walong buwan,
02:48higit na mas maikli at mas matipid kumpara sa naunang plano na dalawang taon.
02:53Joshua Garcia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments