Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Fighter jet ng India bumulusok sa airshow sa Dubai.
00:04Sa Vietnam naman, mahigit 50 ang nasawi sa malawakang pagbaha.
00:08Ang mga balita abroad sa pagtutok ni Darlene Cai.
00:15Halos sumabot na sa bubong ng mga sasakyan ang taas ng bahang tumambad sa mga residente sa Central Vietnam.
00:21Ayon sa mga eksperto sa Vietnam, ang pagbaha ay dulot ng walang patid na pagulan bunsod ng northeasterly at easterly winds.
00:28Pinalala pa ang mga ula ng hangin mula sa dagat at ng high atmospheric pressure sa Pacific Ocean.
00:34Sa tala ng mga otoridad, umakyat na sa 55 ang nasawi at 13 ang hinahanap.
00:40Sa Gyalay Province, halos umabot sa bubong ng mga bahay ang taas ng baha.
00:45Malakas na ragasa ng bahang sumalubong sa mga rescuer ng Can Hoa Province.
00:50Ayon sa Vietnam Disaster Agency, mahigit 200 bahay ang apektado ng baha.
00:58Nabalot ng makapal na usok at apoy ang bahagi ng runway sa huling araw ng Dubai Airshow dahil sa pagbagsak ng isang fighter jet ng India.
01:09Ayon sa isa sa mga manonood, nasa siyam na minuto lang nasa himpapawid ang fighter jet bago ito bumagsak sa lupa.
01:15Kinumpirma ng Indian Air Force na nasawi ang piloto nito.
01:19Iniimbestigahan na ang sanhinang disgrasya.
01:21Sumiklab ang sunog sa venue ng COP30 o 30th United Nations Conference of Parties sa Brazil.
01:30Sa kuha ng CCTV, kita ang mabilis na paggalat ng apoy sa isa sa mga pavilyon.
01:35Agad na pinalikas ang libo-libong delegado sa venue.
01:39Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.
01:41Ang COP30 ang pinakamalaking pagtitipon para talakayin ang epekto ng climate change.
01:46Pero naka-deadlock ang mga bansa dahil hindi magkasundo kung paano tutugunan ng pagdepende sa fossil fuels para mabawasan ng greenhouse gases.
01:56Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended