- 1 day ago
 - #gmaintegratednews
 - #kapusostream
 
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00This is a long weekend, mga kapuso, at maraming kababayan natin ang dagsana sa mga sementeryo.
00:14Live po tayo mag-uula at mula rito sa Manila North Cemetery.
00:18Iba't iba ang naging sitwasyon sa mga sementeryo.
00:20Bukod sa dami ng tao, may mga nabasa dahil sa biglang ulan.
00:30Buong pwersa ang nakatutok ang GMA Integrated News ngayong undas para ihatid ang pinakahuling sitwasyon sa iba't ibang sementeryo sa buong bansa.
00:54At mula sa mga pinakamalaking sementeryo sa Kamainilan, hanggang sa mga libingan sa iba't ibang lalawigan kung saan tiniis hindi lang ang inyat ng panahon, kundi pati na ang mga bahang hindi pa rin hinahupa.
01:07Mga kapuso, bumukos po ngayong araw ang mga dumalaw dito sa Manila North Cemetery, na pinakamalaking libingan sa Metro Manila.
01:24May ilang nabasa dahil sa biglang buhos ng ulan.
01:27At alamin po natin ang latest sa live na pagtutok.
01:31JP Sarayanis.
01:32JP?
01:33JP?
01:33JP?
01:33Eropiya, mga kapuso, yung ulan na yan ay saglitin nga tumila.
01:39At sa mga oras na ito, bago mag-alasin ko ng hako na ilagpas, isang milyon na po.
01:44Ang mga kababayan natin nagputa rito sa Manila North Cemetery, 1,038,000 to be exact.
01:49At ayon sa pamunuan ng Manila North Cemetery, dadami pa yan hanggang bukas.
01:53Kita sa Bloom and Trit Road ang dami ng mga tao at sasakyang papunta sa Manila North Cemetery.
02:04Masigla ang negosyo sa parking sa gilid ng sementeryo.
02:08Namigay rin ng libreng bulaklak ang pamunuan ng libingan.
02:11Sa loob naggalat ang mga polis, si Ramon, halos sampung minutong naglakad para marating ang puntod ng anak na si Ryan.
02:21Pamangking si Marlon at apong si Rusty.
02:24Lahat sila ginupo ng kidney failure.
02:28Napakasakit po.
02:30Kung ano po, gusto ko pa po ako na mauna kaysa sa kanila.
02:34Kahit umulaan kaninang mag-aalaunan ng hapon, walang patit ang dating ng mga dalaw hanggang sa mga apartment type na libingan na umaabot ng apat hanggang limang pato.
02:46Sa aming pag-iikot sa loob, madarama mo ang pagmamahal ng mga Pilipino sa mga namayapang mahal sa buhay.
02:54Mula sa mga simpleng nicho at puntod hanggang sa libingang tad-tad na mga bulaklak.
03:01Pagkakataon din ang undas para mag-mini reunion ang mga magkakaanak at magkakaibigan.
03:11May nagpiknik o salo-salo pa.
03:15Ang Manila North Cemetery, himlayan din ang ilan sa mga tanyag na Pinoy.
03:19Gaya ni dating Pangulong Ramon Magsaysay at ni The King, Fernando Po Jr. o FPJ.
03:26Pati na ang kanyang misis na si Susan Roses.
03:29Ever since naman kasi she's always been helpful to us.
03:32Laging siya nakatulong sa amin financially, emotionally, lahat po ng aspects na pwedeng...
03:39Kasi parang yung daddy ko yung naging PA niya nung time na nagsisimula sa showbiz po.
03:44Sa puntod ni FPJ, may QR code na kapag in-access na mga tagahanga.
03:50Ay makikita ang mga videos ng pagpupugay sa hari ng Pilikulang Pilipino.
03:55Kaya ang ilang fans gaya ni Maris, ganito na lang ang reaksyon nang makita ang laman ng QR code.
04:05Hanggang nitong alauna ng hapon, halos walong daang libo ang estimated crowd sa Manila North Cemetery.
04:12Mas kaunti na raw ang mga nakukumpiskang bawal na gamit kumpara noong mga nagdaang taon.
04:18Dahil umaabot ng milyon ang dumadalaw sa isa sa pinakamalaking sementeryo sa Pilipinas,
04:24mahalaga raw na may wristband tagging para sa mga kasamang bata.
04:28Ang gagawin namin next year, yung wristband namin, mas talakihan namin yung lugar.
04:33Kasi talagang katulad nangyari nga kahapon, mayroon 7 years old na bata,
04:38nawala po ng mga 20 minutes, nakita po na magulang tinawag sa kanya.
04:42Ang kagandaan lang ito, ang tumawag po sa kanya, kapwa magulang din po.
04:45At pia, maliban sa mga ilang kabataang na wala sa glit, ilang kababayan natin sa glit na nahilo,
04:57eh wala na mga untoward incident o talagang malaking kasong nangyari dito.
05:01Peaceful hanggang sa mga oras sa ito, yan ang inaasahan ng mga taga rito,
05:05hanggang saan na mangyari hanggang bukas.
05:07Bukas daw, dahil araw ng Sunday, November 2.
05:09Usually, pag November 2, mas kaunti, pero dahil Sunday, inaasahan,
05:13mas marami pa rin ang pupunta dito sa Manila North Cemetery.
05:16At balik po na sa iyo, Pia.
05:20Maraming salamat, J.P. Soriano.
05:23At mga kaposyo, kaninang umaga po, naitala ang pinakamataas na bilang
05:28ng mga taong dumadalaw dito sa Manila North Cemetery sa loob ng isang oras.
05:32Umawag po ito sa magigit 167,000.
05:35Pero hanggang ngayon po, ituloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga tao.
05:40At dito po, sa himlayan ng mga patay, ang bayanihan, buhay na buhay.
05:47Pami-pamilya ang mga dumadating dito.
05:50Karamihan sa kanila, bit-bit pati ang maliliit na anak.
05:52Tulad ni Lian.
05:54Galing sa Palok, Maynila si Lian at pumunta sa Manila North Cemetery
05:57para bisitahin ang punto ng Yumaong Lolo't Lola.
06:00Itong unang beses na sinama niya ang kanya anak, na tatlong taong gulang pa lamang.
06:04Ito siyang lalayo, titignan niya lagi kung sino yung humahawak sa kanya.
06:07Si Morley naman kasama ang walong taong gulang na anak.
06:10Sinadya niya talaga ang wristband tagging station sa may pasukan ng sementeryo.
06:15For security po, syempre ang damang paraming tao, may mga hindi inaasahan pagkakataon na nangyari.
06:19At least, alam niya naman po na if ever na may mangyari, hindi naman dapat.
06:24Meron po kung ano sa kanya.
06:26Ayon sa Manila North Cemetery, malaking tulong ang mga wristband.
06:30Dito nakasulat ang pangalan ng bata, pati na cellphone number ng kanila magulang
06:34o kasama sa pagbisita sa sementeryo.
06:36Pero na-recover po, natawag po namin.
06:39Yung uling-uling po namin kanina, yung bata ka ngayon, kakaakuha lang po,
06:43nine years old, tagapaseko, naiiwan siya ng uncle niya doon sa may circle.
06:48Dalawang orosan, hindi niya alam ka kayo pumunta rito.
06:51Pagpunta rito, nag-paging system lang kami, then minutes lang dumating yung uncle niya rito.
06:55Na-recover lang agad.
06:56Hindi naman nawawala ang diwan ng bayanihan ngayong undas.
07:01Kanina, may nadatnan kaming volunteer na nagpapahiram ng wheelchair
07:04para sa mga hirap ng maglakad ng malayo.
07:07Umulan man o umaraw, dagsapa rin ang mga kapuso nating
07:15na isbisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay dito sa Manila North Cemetery.
07:20At sa mga oras na ito, umabot na sa magit isang milyon
07:24ang mga pumunta rito mula pa kaninang alas 5 ng madaling araw.
07:28Wala namang naitalang mga untoward incident ang mga polis,
07:31pero marami na silang nakumpis kang ipinagbabawal na gamit.
07:34Kaya paalala nila.
07:35Yung nga po, yung mga nasabi po natin,
07:37yung mga sigarilyo, yung flammable materials, yung shot object.
07:44Mga kapuso, wala pa nang naitatalang mga untoward incident.
07:48Pero sa mga sandali ito, naririnig din natin at nakikita natin
07:51na may mga ambulansyang papasok at palabas ng Manila North Cemetery.
07:55Kaya paalala pa rin ang mga otoridad na kung kayo po ay nangangailangan ng paon ng lunas,
08:01siguraduhin lamang na may mga kasama kayo na pwedeng humingi ng tulong
08:04para rito.
08:06At gaya po na nakita namin o pinakita po namin sa inyo kanina,
08:10malaking tulong daw yung ginawa nga wristband tagging ngayong taon.
08:14Kaya po pinag-iisipan ng mga otoridad dito na sa susunod na taon
08:17ay gawin na itong compulsory o requirement
08:20para sa lahat ng mga babatang papasok dito sa Manila North Cemetery.
08:24Sa ngayon, Ivan, balik muna sa inyo dyan.
08:29Salamat Pia. Samantala sa ibang balita,
08:32nagkasunog sa isang planta ng kuryente sa Pagbilaw Quezon.
08:36Isang patay siya mga sugatan sa sunog at pagsabog na inaalam pa ang pinagmulan.
08:41Nakatutok si Niku Wahe.
08:42Kita sa video na ito kung paano lamunin ang power station na ito sa Pagbilaw Quezon.
08:52Kuhayan, pasado alas 9 kagabi.
08:54Ayon sa spot report ng Pagbilaw Police,
08:56Tripper House at Coal Dust Facility ng power station ang nasunog.
09:00May mga pagsabog pa rao na naitala.
09:03Sa pahayag ng Pagbilaw Energy Corporation,
09:05isa sa mga tauhan nilang nasawi habang siya mang nasugatan.
09:09Inaasikason na rao nila mga naapektuhan.
09:11Nagsasagawa na rao sila ng full assessment sa naging damage sa power station
09:15habang patuloy na nagsasagawa ng investigasyon ng mga otoridad.
09:18Patuloy rao sila mang ikipagtulungan sa mga otoridad.
09:21Tumanggi pa magbigay ng pahayag ang Bureau of Fire Protection o BFP Pagbilaw
09:25at maging ang Pagbilaw Police kaugnay sa insidente.
09:28Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang mga kaanak ng mga biktima.
09:31Para sa GMA Integrated News,
09:33Ngi Kuwahe, Nakatutok, 24 Oras.
09:36Pinaigting na kooperasyon kontra korupsyon.
09:41Isa ito sa mga napagkasunduan ng member economies
09:44ng Asia-Pacific Economic Cooperation sa pagtatapos ng APEC Summit.
09:49At mula sa South Korea, Nakatutok si Bernadette Reyes.
09:52Formal nang nagtapos ang Asia-Pacific Economic Cooperation Summit ngayong araw sa Gyeongju, South Korea.
10:03Itinurn over na ng South Korea ang chairmanship ng APEC Summit 2026 sa China.
10:08Sa turnover ceremony, nagkaroon ng pagkakataong magkamayan si na Pangulong Bongbong Marcos
10:14at Chinese President Xi Jinping.
10:16Ayon sa Pangulo, binati niya si Xi sa chairmanship at muling iginiit
10:20ang pangako ng Pilipinas sa isang makabuluhang pakikipagtulungan sa rehyon.
10:25Nagkaroon din ang group photo ang world leaders mula sa 21 member economies.
10:29Ang Asia-Pacific region ang bumubuo ng 46% ng global trade,
10:35katumbas yan ng 61% ng kabuuang GDP sa mundo.
10:39In-adopt ng 21 APEC member economies ang Gyeongju Declaration
10:43kung saan nangako ang mga bansa na palalalimin pa ang pagtutulungan sa larangan ekonomiya
10:48sa gitna ng nagbabagong panahon.
10:50Kinilala nila ang halaga ng kalakalan at pamumuhunan na mapapakinabangan ng lahat.
10:56Pero kumpara sa mga nakalipas na deklarasyon,
10:58hindi nabanggit ang kanilang patuloy na pagsuporta sa multilateral trade system
11:02na pinangangasiwaan hilingbawa ng World Trade Organization
11:06na layong padaliin ang kalakalan ng mga bansa.
11:09Nabanggit din sa deklarasyon ang masamang epekto ng korupsyon
11:12na sumisira sa tiwala ng publiko.
11:15Nangako ang APEC member economies na hindi papayagan
11:18ang pagtatago ng mga corrupt offenders at pagtatago ng mga illicit assets.
11:23Samantala, positibo naman ang pananaw ni Special Assistant
11:26to the President for Investment and Economic Affairs, Frederick Goh,
11:30sa posibleng pamumuhunan ng Korean companies,
11:32particular sa sektor na electronics.
11:35Yan yung matapos makipagpulong si Goh sa mga kumpanyang Koreano,
11:38baga man wala pang tiyak na halaga ng pamumuhunan.
11:41Sa idinaos na gala dinner kagabi,
11:43nag-silbi bilang host ang Korean singer at actor na si Chayun Woo.
11:47Habang nagpamalas naman ng talento ang K-pop star na si G-Dragon.
11:53Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatuto, 24 Horas.
Recommended
10:17
|
Up next
21:50
12:38
8:48
14:25
9:55
8:40
9:25
2:32
12:00
11:23
9:55
12:20
8:56
7:40
11:09
2:40
8:14
13:24
10:33
Be the first to comment