Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Canyoneering Activity
00:30Canyoneering Activity
01:00May hawak na patalimang suspect. Bitbit ang sugatan niyang anak na 7 taong gulang. Pero sa loob ng bahay, patay na pala ang 5 taong gulang niyang anak.
01:12May isang punto pang ng hostage ang suspect ng isa pang babaeng border.
01:17Ayon sa Cavite Police, napilitan silang paputukan ng suspect. Nang akmang susuguri na sila nito. Napatay ang suspect.
01:25Isinugod naman sa ospital ang isa niyang anak pati ang nadamay na border. Nakaburo lang mag-ama. Tumangging humarap sa kamera ang misis ng suspect.
01:34Pero sinabi niyang na-depress ang kanyang mister at mayroon itong utang.
01:40Sa Taytay Rizal, isang babaeng senior citizen naman na kasambahay ang nasawi matapos pagpapaluin ang electric grinder.
01:48Natagpuan siya sa bahay kung saan siya namamasukan.
01:53Arestado ang suspect na dating caregiver sa bahay at may hinanakit umano sa biktima.
01:58Ayon sa mga polis, nagkaroon ng alitan ng dalawa.
02:01Hinalait daw po siya ng biktima tungkol sa kanyang pamilya na hindi na po niya nagustuhan.
02:09Hindi po bababa sa walong pukpuk po ang ginawa ng ating suspect sa biktima.
02:16Kasi daw po yung mga anak ko po ay iba-iba daw po yung tatay.
02:19Mayroon po kayo siya daw po yung asawa ko, mayroong babae.
02:23Sobrang sakit naman po siyempre.
02:24Sobrang pagsisisi po.
02:25Hindi ko naman po sinasadyang kumantong sa ganong pangyayari.
02:29Na-inquest na ang suspect at sinampahan ang kasang homicide.
02:34Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:39Nabasag ang kapayapaan sa tipo-tipo basilan dahil sarido o sagupaan ng magkaaway na angkan.
02:45Mitya nito ang pagpapasuko sa hinihinalang nakapatay sa kaanak ng kabilang angkan.
02:51Apat ang naospital dahil sa tama ng ligaw na bala.
02:54May report si Marisol Abduraman.
03:04Hindi malaman ng ilang taga-tipo-tipo basilan kung saan sila magtatago na biglang magkaputukan kaninang umaga.
03:11Pumalat pa ang balitang under siege ang tipo-tipo.
03:20Kinansilang klase sa lahat ng antas pati pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.
03:25Mahigit 7,000 naman ang lumikas.
03:27Mula sa mga barangay ng Baguidan at tipo-tipo proper.
03:30Ayon sa Municipal Social Welfare Office.
03:32Ang talagang dahilan ng hidwaan ayon sa militar.
03:35So clearly, this is a rido po.
03:38Yes, even from the mouth of the governor.
03:41Kwento ni Basilang Gov. Mujib Hataman.
03:43Pumasok kahapon sa tipo-tipo ang mga kaanak ng isang ustaj na disbibahang tarahin na nabaril sa lamit ng city.
03:50Anya, gusto ng grupo na kunin at isuko sa kanila ang suspect ng Municipal Guard sa tipo-tipo.
03:56Nagkoron na anya ng pag-uusap.
03:58Kaya ikinagulat nila ang pagsiklab ng barilan mula kaninang alas 7 ng umaga.
04:21Duda ng 11th Infantry Division ng Philippine Army.
04:29May mga lawless element na nakisaw-saw sa gulo.
04:31Nakontrol na ng mga otoridad ang sitwasyon 11-20 ng umaga.
04:35Bumalit na rin sa kanikanilang lugar ang magkalabang grupo.
04:39Ayon kay Hataman, lumagda ang AFP, PNP at mga lokal na leader ng MILF
04:44ng Joint Statement of Commitment ng Pagpapahupa ng Tensyon at Pagpapanatili ng Kapayapaan.
04:50Ang Office of the Presidential Advisor on Peace, Reconciliation and Unity
04:54na nakamonitor sa sitwasyon na kiramay sa mga kaanak ni Ustadz Tarahin
04:59ang nasawi sa lamitan at kinundina ang karasang na uwi sa pagkamatay niya.
05:04Hanggang ngayon, bantay sarado pa rin ng mga sundalo at pulis ang lugar
05:08para matiyak na hindi na lalala pa ang sitwasyon.
05:11Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
05:20Sa ilang sementeryo, may mga nagmumultong tinsala dahil sa kalikasan o kaya'y sa mga proyektong palpak.
05:31Gaya sa ilang libingan na babad sa tubig dahil sa mga palyadong proyekto kontrabaha.
05:37Yan ang report ni JP Soriano.
05:38Sinikap ni Joseph na madalaw ang nitsyo ng kanyang asawa sa Hagonoy Public Sematary.
05:47Sadyang pahirap lang ang di pang humuhu pa roong baha.
05:51Umaali nga sa upa ang basura.
05:54Sa nadaanang madulas na nga, may mga natatapakan pang tila naduduro.
06:00At pasintabi po, may sirang nitsyo na lantad na ang mga buto.
06:04Dito po sa Public Sematary ng Hagonoy, tila panibago po itong kalbaryo.
06:10Paano mo nga naman madadalaw ang inyong mga mahal sa buhay kung ganito ang sitwasyon
06:13na ayon sa mga taga rito, lubog sa baha simula noong taong 2016.
06:18Kung tutuusin, may apatapot tatlong flood control project sa Hagonoy.
06:24Lagpas tatlong bilyong piso ang ginastos para sa mga yan.
06:28Kaya si Joseph nanunumbat.
06:29Kung tutuong ginawa nila yung project na yun, di sana hindi kami naghihirap ng ganito.
06:35Sinisi naman ng bagong mayor ang dipagkonsulta ng DPWH sa mga proyekto na umano'y bungi-bungi o hindi natapos.
06:44Wala pang tugon ang DPWH kaugnay nito.
06:47Pero kasama na mga yan sa mga iniimbestigahang proyekto ng Bulacan First District Engineering Office.
06:54Baharin ang sumalubong sa mga bumisita sa Iloilo City Public Cemetery,
07:00gayon din sa Lapas at sa Tanza Public Cemetery.
07:03Sinisi ng City General Services Office ang pagpalya o kaya'y kawalan ng maayos na drainage system.
07:09Sa ngayon, maglalagero muna sila ng pansamantalang tawiran sa mga sementeryo.
07:14Sa Independent Cemetery ng Dagupan City, tuluyan ang giniba ang nasa 48 apartment type na nichong gumuho nitong Agosto dahil sa ulan.
07:25Bukod yan, may 30 pang nichong nasira ng sunod-sunod na kalamidad.
07:30Inihinto muna ang pagsasayos ng nicho hanggang sa matapos ang undas.
07:35Ang mga labi sa mga gumuhong nicho, inilagay muna sa sako at garbage bag saka ililipat sa gagawing bone deposit upang may pagtirikan ng kandila ang mga kaanap.
07:47JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:52Ferry sumagsad sa Siquijor.
08:00Nasa Gip ang mahigit tatlong daang pasahero.
08:02Ayon sa PCG, natangay ng alon ang MV Light Ferry patungo sa mababaw na parte ng dagat.
08:09Inaalam ng mga otoridad kung nakasira ng bahura ang disgrasya.
08:14Frigate ng Navy ng China na mataang nakabuntot sa BRP Emilio Jacinto ng Philippine Navy sa Bajo de Masinlo.
08:20Nangyari yan, 56 nautical miles mula Zambales sa loob na ng EEZ ng Pilipinas.
08:27Namataan din ang apat na China Coast Guard vessel na sumusunod sa BRP Cape San Agustin ng PCG.
08:34Laguna Lake Development Authority sinabing walang nakipag-ugnayan sa kanila tungkol sa reclamation projects sa Laguna, Dubai na pinalabas sa umanong flood control project.
08:45Wala itong clearance mula sa LLDA.
08:47Sa inspection daw nila napag-alamang DPWH Metro Manila District Engineering Office ang implementing agency.
08:55Ikinagulat ito ng LLDA bilang tagapangalaga ng lawa.
08:59Dapat lahat ng proyekto roon ay coordinated sa kanila.
09:03Si DENR Undersecretary CP David ang nagsiwalat nito sa pagdinig kahapon ng Senado sa budget ng DPWH.
09:11Sabi rin kahapon ni DPWH Sekretary Vince Dizon, handa silang ipatigil ang mga depektibong proyekto na walang plano at walang silbi sa maha.
09:20Pero ngayon, ayon sa DENR, ibe-verify pa ang findings na iniharap nito sa Senado.
09:27Nilinaw rin daw ni Dizon na may mga slow protection para sa mga pangunahing road project na kasama rin sa listahan ng flood control projects na isinumitin nito sa Interagency Subcommittee.
09:37Ang slow protection sa Laguna Lakeshore sa Taguig City na natalakay sa Senado ay bahagi umano ng road projects at hindi flood control project.
09:47Chino Gaston, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:52Pinakamahina sa kasaysayan ang naitalang halaga ng piso ngayong araw.
09:56Nagsara ang palitan sa 59 pesos and 13 centavos kada US dollar.
10:01Sumadsad pa ito sa 59 pesos and 20 centavos sa intraday trading o kasagsagan ng kalakalan.
10:09Mismong Banko Sentral ng Pilipinas ang nagsabing sinasalamin nito ang pangamba ng merkado sa posibleng pagtamlay ng ekonomiya
10:17dahil sa issue ng korupsyon sa mga ginagastos ang infrastructure project.
10:21Inaalala rin daw na mga negosyante ang posibleng pagluluwag ng monetary policy ng BSP na ibig sabihin pababaan ang interest rates at pararamihin ang umiikot na salapi sa merkado.
10:33Sabi ng BSP, dikla ng merkado ang exchange rate.
10:37At kung mangihimasok man sila sa foreign exchange, ito daw ay para hindi umariba ang inflation o bilis ang pagmahal ng mga bilihin.
10:44Suportado pa rin daw ang piso ng mabagal na inflation, mga reforma at masiglang ekonomiya gaya ng pagpasok ng OFW remittance at kita mula sa mga BPO at turismo.
10:57Ayon naman sa isang ekonomista, mahalaga ang good governance para makabawi ang piso.
11:02Wizard Kid ang peg ni Will Ashley, donning his Gryffindor uniform sa kanyang fan meet.
11:15Pati fans, nakakostume din.
11:17Busy ngayon ang Nation's Son sa shoot ng kanyang MMFF movie at sa tiping ng The Secrets of Hotel 88 with fellow ex-PBB housemates.
11:26Sa isang picnic nature trip naman muling nagsama-sama ang iba pang ex-PBB housemates.
11:34Para bang ayaw umahon sa ilog ni na AZ Martinez, Vince Maristela, Cyril Manabat, Josh Ford at Kira Ballinger.
11:43May ayuda pang sweet photos ang Team Kish.
11:47Kilig overload naman ang fans ng Breka sa isang simple birthday surprise ni Brent Manalo for Mika Salamangka.
11:54Sabi kasi ni Brent sa photos nila ni Mika together, I celebrate you today and every day.
12:02Colab, we never thought we needed naman si na Michael Sager at Thai actor Om Pawat na nagsama sa racing event sa Malaysia.
12:10At tila, sepangs agad sila.
12:13Nag-comment si Michael na, Miss you?
12:15Reply naman ni Om, mag-Thailand na siya agad-agad.
12:19Ready to claim the Miss International 2025 crown ang pambato ng Pilipinas na si Myrna Esguera.
12:28Sa kanyang official send-off, pinakita ni Myrna ang kanyang winning grace and readiness for the pageant this November 27 sa Japan.
12:36Atina Imperial nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
12:40Matapos ang mahigit isang taon at dalawang bigong tangka, tagumpay na nakapagpisa ng sisiw ang Palawan Hornbill ng Catala Foundation Incorporated.
12:53At hindi lang isa, kundi dalawa.
12:55Over three months, nag-stay yung mother.
12:59Unique yung breeding ng Palawan Hornbill.
13:03Yung babae pongapasok.
13:05Tapos nag-seal siya ng kanyang nest box.
13:09Tapos isang malit lang na slit ang iniiwan nila.
13:13Na enough for the male hornbill to bring them food.
13:17So very dependent talaga sila sa pagbigay ng pagkain ng lalaki doon sa loob ng nest box.
13:25Marami rin daw challenges bago naging matagumpay ang captive breeding.
13:30Yung artificial nest box design, kung ano yung desk na design para ma-occupy nila.
13:38So ibig sabihin, gusto namin i-simulate yung nasa natural properties talaga.
13:46Yung nutrition, di nila kasi nasa captivity.
13:50Ang dalawang sisiw umalis na rin sa kanilang artificial nest box noong July.
13:55Tuloy-tuloy pa rin ang pagbabantayan ng Catala Foundation sa Species
13:58sa ilalim ng Philippine Cocotoo Conservation Program.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended