State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00There are a lot of cemetery that is going to be in the morning.
00:10There are a lot of cemetery that is going to be in the undas
00:12and some of them are going to be in the Loyola Memorial Park in Marikina.
00:18We are live with Jamie Santos.
00:20Jamie?
00:21Atto, may mga bumibisita pa ngayong gabi rito sa Loyola Memorial Park.
00:29May one-way scheme nang ipinatutupad sa labas ng libingan para maayos ang trapiko.
00:39Ngayong besperas ng undas, pinili ng ilan na pumunta sa Loyola Memorial Park sa Marikina.
00:45Pag 31st, maluwag-luwag pa.
00:47Dito at least may naparking ka pa pero bukas wala na.
00:50Na-reunion din po namin.
00:52Katulad ngayon po yung mga kapatid ko galing sa Bicol, ako po nandito sa Maynila.
00:57Nagbaon pa nga ng pagkain ng ibang bisita.
00:59Salamat sa Panginoon at hindi umulan nakadalaw ng maayos.
01:04Pati mga bata nakahasama kahit hanggang madaling araw,
01:09pwede dahil bukas walang pasok rin yung mga bata.
01:12Ilang sikat na nakahimlay rito gaya ni Kapuso Broadcaster at 24 Horas Anchor Mike Enriquez,
01:18aktres na si Nida Blanca at si Master Rapper Francis M.
01:22Nasa 11,000 ang pumasok sa Loyola ngayong araw.
01:25Bukas, mas hihigit pa yan ayon sa mga otoridad.
01:29Para di magbuhol ang trapiko sa labas ng libingan,
01:44eastbound muna ang magkabilang lane ng A. Bonifacio Avenue at Sumulong Highway
01:49mula ngayong araw hanggang hating gabi ng November 3.
01:52Sa Manila Memorial Park sa Paranaque, nagcamping na din ang ilang dumalaw.
01:57Grabe parang dala niyo yung buong kitchen niyo dito sa dami.
02:00May sibuyas, may bawang.
02:02Short off.
02:03Tonight, we're having Mexican taco and then tortillas, burrito.
02:09Kasi they cannot go sa lugar na yan.
02:13So you bring the food to them to share.
02:16Pwedeng mag-overnight sa sementeryo.
02:19Pero bawal ang mga pampaingay tulad ng karaoke at speakers.
02:23Bawal din ang mga toldang may mga mukha at pangalan ng mga politiko.
02:27Kung magdadala ng pets, mahigpit na paalala ng pamunukan ng sementeryo,
02:31nabantayan silang maigi lalo't kanina may matang nakagat ng aso.
02:35Yung bata naman, na-treat siya sa scene.
02:39Yung family na yung magdadala sa hospital.
02:42Inaasahang aabot sa 800,000 ang dadalaw sa Manila Memorial Park hanggang sa November 2.
02:48Kasamang mga tagahangang dumalaw sa ilang personalidad dito tulad ni Rico Yan.
02:52Fan niya ako.
02:54Nagbabakasakali ako baka nandito rin si Clau. Charot.
02:58Ang himlayan ni nadating Senador Ninoy Aquino,
03:01dating Pangulong Corazon Aquino,
03:03at dating Pangulong Noynoy Aquino,
03:05pinadalha ng bulaklak ni Pangulong Bongbong Marcos at ng Manila City Hall.
03:09Sa libingan ng mga bayani sa Taguig,
03:12dinalaw ulit ni Lot Lot de Leon ang puntod ng kanyang inang si superstar Nora Onor.
03:16Bago na ang lapida ng national artist,
03:19nakaukit ang kanyang siluet ng mukha at salitang mami.
03:22Bukod sa fans ni Ati Gay,
03:24maraming tao rin ang nagbigay-pugay
03:26sa puntod ng mga dating Pangulong nakalibing doon.
03:29Atom, para sa ligtas, maayos at payapang paggunitan ng undas,
03:38hinimok ng mga otoridad ang mga dadalaw na sundi ng mga paalala at panuntunan sa Loyola Memorial Park.
03:43Yan ang latest balik sa'yo, Atom.
03:46Maraming salamat, Jamie Santos.
03:48Alas 5 bukas ng madaling araw na ulit pwedeng dumalaw sa Manila North Cemetery.
03:53May ilang sinulit ang pagbisita kahit nagsarana ang sementeryo.
03:57Mula sa Maynila, may live report si Jommer Apresto.
04:00Jommer?
04:01Atom, umabot sa 67,000 ang mga nakitalang bumisita dito sa Manila North Cemetery ngayong besperas ng undas.
04:10Sarado na ito kanina pang alas 9 ng gabi kaya may mga hinarang.
04:14Kabilang ang isang galing pa sa pagbibenta ng isda sa Sampaloc at isang kadarating lang sa Metro Manila mula Davao.
04:20Pero kanina, may senior citizen na lumabas kahit lagpas na sa oras dahil sinulit daw ang pagbisita.
04:26Sa gitna ng init at dami ng tao kanina sa Manila North Cemetery, nirespondihan ng medical team ang dalagitang ito.
04:39Naimatay po siya. Pauwi na po sa anak kami. Tapos na kami. Kaso bigla siya naimatay dyan.
04:44Pantulong ang Puntod Finder website sa mga hirap matagpuan ang dadalawing yumaos sa norte.
04:49Pero ibang kaso ang sitwasyon ni Luis na sa puntod kasi ng ina, kapatid at lola, may ibang nakalibing.
04:55Sa lawak ng simenteryo na pinakamalaki sa Metro Manila, may ilang puntod na napakalayo mula sa Bucana.
05:16May libring sakay para sa mga yan. Pero wala na yan sa auno ng Nobyembre dahil sa inaasahang dagsa ng mga dadalaw.
05:22Pwera na lang sa mga wheelchair para sa mga senior at person with disabilities.
05:28Sa puntod ng ilang nakahimlay na personalidad, may mga ordinaryong taong dumadalaw.
05:39Ang iba naman, nakahalloween costume. Walang dadalawin kundi sadyang nais magbigay aliw sa mga dalaw.
05:45Para po yung mga nalulungkot na dumadalaw, mapasaya ka po.
05:51Sa harapan, iniwan ang mga gamit na bawal sa loob. Kakabitan lang ng numero para maklaim.
05:56Kinakabitan naman ang wristband ng mga bata para di maligaw.
05:59Alas 9 ng gabi, isinara ang North Cemetery at muling bubuksan alas 5 kinaumagahan.
06:04Pareho rin ang oras ng dalaw sa Manila South Cemetery hanggang sa Ados ng Nobyembre.
06:09Wala pa rin patid ang dating ng mga tao sa gabi. Hindi lang mga gamit ang bawal, pati mga alagang hayop na pinaiwan muna sa entrada.
06:16Sana po, next na undas po, pwede na po pumasok yung mga pets po kasi kawawa naman po.
06:22Unpunan dito lang yung mga pets.
06:25Bawal din magpasok ng sasakyan. May service naman para sa mga senior at PWD.
06:29May clinic para sa emergency. Sa labas, may nakaantabay ring pink ataol.
06:34Parang ako na sa langit. It's giving. Okay, ang sarap sa pakiramdang.
06:40Fulfilling.
06:42Sa Roman Catholic Cemetery ng Dagupan, Pangasinan, may ilan na humabol sa paglilinis ng puntod, lalot bawal na yan bukas.
06:49May bahasa ilang bahagi ng sementeryo na itutuloy raw ang pagpapatag sa susunod na taon.
06:54Mga ilang portion lang, ma'am, ang hindi namin natabon kasi inabot na po kami ng tagkulan.
06:59Sa Davao City, marami na rin dumalaw sa Roman Catholic Cemetery.
07:03Iginagayak na rin ang mga punto doon.
07:05Kabilang ang sa mga magulang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
07:09Ayon sa caretaker na una nang bumisita si Congressman Paulo Duterte noong nakaraang linggo.
07:14Sa Cebu, may mga punto na nasiran na magnitude 6.9 na lindol noong September 30 na di pa naaayos.
07:20Ang ngayon, ang LGU na nagpakuan sa mohanag o stansimahan eh, cooperate sila ba nga para matakpan na ang mga punto, nasira ng mga libingan.
07:33Unang undas din ito ng pag-alala ng mga taga-bogo sa mga kinitil ng lindol.
07:38Gaya ng labing isang magkakaanak na nadaga na ng mga bato.
07:41Sa San Remigio, maraming nicho ang di pa rin naaayos.
07:44Dito rin inilibing ang dalawang Coast Guard personnel na nadaga na naman noon ng gumuhong bahagi ng sports complex.
07:54Abiso ng mga otoridad, pumunta sa Manila Public Information Office o sa official Facebook page ng Manila Public Information Office
08:00para makita ang listahan ng mga bawal dalhin sa mga sementeryo dito sa Maynila.
08:05Yan ang latest. Balik sa iyo, Atom.
08:07Maraming salamat, Jomer Apresto.
08:09May mga humahabol pa rin sa pagluwas ngayong undas bagamat may kaluwagan na sa mga sakayan.
08:17Nagbumulto naman sa pagpasok ng Nobyembre ang pasindak na pagmahal ng petrolyo.
08:22May report si Tina Panganiban Perez.
08:26Sa bisperas ng undas, parang dagat ang agos ng mga tao sa PITX.
08:32Minsan humahaba ang pila, minsan sakto lang.
08:35Nakikita po natin na mas maunti na po ang mga pasahero natin compared po yesterday.
08:40Yung iba po natin mga pasahero ay nakapag-travel na since Monday pa lamang.
08:45Ang maliliit na pass company naninibago.
08:48Real talk sir, wala talagang pasahero.
08:50That is story. Walang dumaan na season. Walang dumaan na peak.
08:54Ang sitwasyon sa PITX.
08:56Halos katulad din sa Batanga Sport.
08:58Mukhang kahapon talaga yung pinaka-peak because yun yung last day.
09:03Yung last day of office kahapon and then ngayon kasi declared holiday na tayo.
09:10Ang sunod na buhos ng mga pasahero na pinagahandaan ng Batanga Sport
09:14ay yung pagbalik ng mga bumiyahe ngayong undas sa November 2.
09:18Pero hindi naman daw inaasahang maiipon ang mga pasahero sa loob ng terminal.
09:23Mahigpit na sinusuri ang mga gamit ng mga pasahero.
09:26Nag-iikot din ang mga bomb unit at canine unit ng Philippine Coast Guard.
09:32Ramdam naman sa Naiya Terminal 3 ang epekto ng seasonal flu.
09:37May mga nagkasakit kasing immigration agents kaya di naiwasan ang mahabang pila.
09:42Parang may flu season eh.
09:44Talagang dumarami ang absences because of that.
09:47Pero ang ilang pasahero, tila nakahinga ng maluwag
09:50sa ilang pagbabago sa terminal na masusundan parao.
09:54Mas lumuwag at mas dumami nga yung upuan ng mga naghihintay, mga ano natin dito.
10:02Then, mas malamig, mas maganda yung lugar.
10:05Mas accessible yung ano niya, accessible yung parking.
10:08By November 17, gagana na ang ating automated passenger processing system.
10:14Yung sinasabi natin na iskan mo lang yung passport mo,
10:19mapiprill na yung mga boarding pass, mayroon ka ng mga bagtags.
10:25And then from there, pupunta na na sa self-bag drafts.
10:29Bumili ng immigration e-gates.
10:32Yung e-gates nga, yun ang mga nakikita natin sa other countries eh.
10:35Dahil long weekend din ang undas, inakyat muli ng mga turista ang Baguio.
10:41Eh kasi po, ayun sa weather po, napaka-press ko.
10:44Kahit maglakad, yung hindi ka pagpapawisan.
10:46Daan-daang polis na ang nakabantay sa mga tourist spots sa City of Pines.
10:52Pati mga pihikan o nangokontratang taxi driver, pinabantayan.
10:57Andami nga talaga yun, namimili na sila.
10:59Dahil traffic, dahil nga ayaw nila dun sa rota na yun, andaming ganyan.
11:04Pagkatapos ng long weekend, big-time oil price hike naman ang sasalubong sa mga motorista sa unang Martes ng Nobyembre.
11:12Batay sa 4-day trading, mahigit 2 piso ang posibleng dagdag sa diesel, mahigit piso sa gasolina, at halos 2 piso sa kerosene.
11:23Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:27Kung may big-time price hike sa petrolyo, may rollback naman sa LPG pagpasok ng Nobyembre.
11:34Sa 11 kilo LPG tank, 50 centavos per kilo ang tapyas ng petron, at 45 centavos per kilo ang bawas ng solene.
11:42Nabuhay ang iba't-ibang nilalang at characters sa Shake, Rattle and Ball 2025.
11:55Kabilang sa mga agaw pansin ang sparkle stars na nag-ibang anyo.
11:59Sharp and spiky. Bold and bald pa si Michelle D. as an elven warrior.
12:04I did not know it took hours to be bald, but I had so much fun making this look.
12:10Oozing with Oz Magic si na Roxy Smith at Sky Chua as Glinda and Dorothy.
12:15Honk Angel si TJ Marquez.
12:17Naroon din si na Jay Ortega as Aladdin at Matthew Uy as a Roman soldier.
12:22Relevant naman ang kostyum ng host na si Tim Yap, dressed as a ghost project.
12:27Nakiparty rin ang GOT7 member na si Jackson Wang.
12:30Proud sa kanyang first international film si Gabby Garcia.
12:36Gaganap siyang nurse noong World War II sa 2025 American martial arts war film na Prisoner of War.
12:42Kasama ni Gabby ang English actor na si Scott Adkins na gumanap bilang British officer na binihag
12:48at pinilit lumaban sa loob ng kampo ng mga Hapon sa Pilipinas.
12:52It's actually now showing abroad. Hopefully ma-stream din siya sa Philippines.
12:57And I'm so, so happy and thrilled to be working with Scott Adkins.
13:00It's also about the death march here in Bataan.
13:02So it's such a big deal for our country.
13:05And hopefully mapanood din siya dito sa Pilipinas.
13:08Bea Pinlak nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:14Isang espesyal na night trail ngayong Halloween ang handog ng Masumi G Reserve sa Rizal.
13:20Silipinian sa report ni Von Aquino.
13:21Walang dudang likas ang ganda ng Masumi G Reserve sa Baras Rizal.
13:31Pero pagkagat ng dilim.
13:35Lumalabas ang kakaiba nitong hiwaga.
13:41Ngayong Halloween, nagbukas ito ng trails sa gabi.
13:44Ihanda ang tibay ng kalooban at katawan.
13:54Talaga nakakapagod. Wala pa kami 30 minutes na umakit.
13:57Pero sobrang hinahapon ako.
14:00Pero kaya pa rin.
14:01Tara!
14:05Hindi ko na makita.
14:06Pumanap ng mga elementong aktibo sa dilim.
14:11Itingin po tayo sa paligid po para makakita kung may mga nakatingin po sa atin ngayong gabi.
14:18Kasi na mga hayop po.
14:21Mga hayop po.
14:22Mga hayop naman pa.
14:24Gaya ng mga paniki sa mga yungit.
14:26Yung mga kwento po ng manananggal, yung nahahati po yung katawan,
14:30tapos may mga pakpak po ng paniki,
14:33ay dun po sa mga lugar po kung saan makikita rin po yung mga giant, golden crown, flying foxes po natin.
14:42Sa may puno ng balete o banyan,
14:45akma ang magkwentuhan ng kababalaghan.
14:47Yung mga kwentong bayan po,
14:49yung mga may white lady daw po, may aswang na nakatera.
14:52At yung isa pa nga pong kilalang kwento po yung tungkol sa mga kaprip.
14:57Ginamit din po ito ng mga prily po para takutin yung mga kabataan po natin
15:01para hindi po sila pumunta sa kagubatan.
15:05Kung mahapon naman sa halos dalawang oras na lakaran,
15:09may makikitang pahingahan sa ilalim ng mga batong naglalakihan.
15:14Samantalahin ang katahimikan para pakinggan at masdan ang kalikasan sa karimlan.
15:19Aandap-andap ang mga alitap-tap.
15:23May mga kabuting sa gabi ay nagliliwanag.
15:26At ang mga fungi at bakterya sa paligid.
15:29Indikasyong malinis ang hangin sa masungi.
15:32Ang trail na ito, higit pa sa pakikiuso sa Halloween ang layunin.
15:36Yung tema po ng ating Halloween special po ay nakasentro po sa pagkoneksyon din po ng ating mga kwento
15:46tungkol sa mga mitulohiya po, yung mga manananggal sa ating kalikasan.
15:53Yun yung talagang pinagmumulan po ng mga kwento ng ating mga katutubo na nagpapahalaga po sa kalikasan.
15:58I think may mga supernatural na things na hindi natin nakikita but they're all around us.
16:05So yun, very peaceful na hike.
16:09Marami kang matututunan like yung legend ng balete.
16:12Maganda rin siyang time para to discover the nature, to learn new things.
16:18May Halloween night trail ulit sila sa susunod na linggo.
16:22Bukas ang hiking sa mga 13 years old pataas at physically fit.
16:26Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment