Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Masayang magpapasko kasama ng kanilang mga pamilya.
00:04Ang siyam na tripulanting Pilipino na nakauwi na ng bansa,
00:07matapos ang limang buwang pagkakabihag.
00:09Kulyo nang atakihin ng grupong Houthi ang barko nilang MV Eternity Seed.
00:14May live report si Bea Pinlak.
00:16Bea!
00:20Atto, makakahinga na ng maluwag ang mga kaanak ng mga Pinoy seafarer
00:24na limang buwang binihag ng mga Houthi.
00:26Nakalapag na rito sa Naya Terminal 1 ang siyam na tripulanting Pinoy
00:31pasado alas 9 ngayong gabi.
00:34Ayon sa gobyerno, the mission is complete.
00:37Nakauwi na ang dalawang batch ng mga Pinoy seafarer na binihag ng mga Houthi.
00:41Paglilinaw ng DMW, tatlo sa ating marino ang nasawi.
00:44Isa ang itinuturing na missing.
00:46Sabi ni Migrant Worker Secretary Hans Kakdak sana, hindi na maulit ito.
00:50Mensahe ng DMW sa mga ship owner at manning agencies,
00:54huwag lumabag sa mga regulasyon para hindi malagay sa peligro ang buhay ng ating mga marino.
01:00Pati raw kapitan ng barko, papanagutin.
01:04Atom, nagpasalamat din si Pangulong Bongbong Marcos sa Umani government sa kanilang tulong.
01:09Yan muna ang latest mula ito. Balik sa'yo, Atom.
01:10Maraming salamat, Bea Pinlak.
01:14Pumutok ang Christmas lights sa munisipyo ng Subic habang nasunog ang isang bahay sa Negros Occidental na nag-imbak ng paputok.
01:22Ang tipto para iwasunog ngayong holiday season sa report ni Marisol Abduraman.
01:26Nagliwanag ang munisipyo ng Subic sa Zambales, nang pailawan ang palamutin pampasko nitong Martes.
01:40Pero ilang oras lang matapos yan, nagsikislapan na ang isang bahagi ng pailaw.
01:46Agad na apulang apoy bago pa ito kumalat.
01:51Ayon sa BFT, may nag-lose na wire sa breaker kaya ito sumiklab.
01:56Di na bago ang mga sunog na ang mitsa ay Christmas decor.
01:59Kaya paalala ng mga otoridad, bumili ng dekalidad.
02:03Ating lamang pong sanang pag-ingatan yung ating mga saksakan
02:06and make sure po na hindi po sub-standard ang mga mabibili po ninyo
02:11dahil marami pong nagkalat ngayon sa merkado.
02:13Tip ng Department of Trade and Industry,
02:16tiyaking may Philippine Standard Marks o PS at ICC Marks ang binibiling Christmas lights.
02:21Sa Mangaldan, Pangasinan, mabenta ang solar power Christmas lights.
02:25Halos pareho raw ang presyo nito sa mga dikuryenting pailaw.
02:29Naaabot sa 200 hanggang 400 pesos depende sa haba.
02:32Pero mas tipid daw ito sa kuryente.
02:34Wala, walang aksaya sa kuryente.
02:36O yun po.
02:39Lahat, nilagyan ko ng solar lahat hanggang sa loob ng bahay po.
02:43Ang tanong, pasigtas ba itong gamitin?
02:45Ito lima, itong mga disaksak yan.
02:48Pag naiwanan mo yan, natulog ka, nakasaksak.
02:51May tendencia na pwede itong pagsimulan ng sunog.
02:54So sa solar naman, it is, hindi naman siya, wala sa namang elektrikal.
02:59So yung solar ang magiging power rada niya.
03:03Nilaman naman nang nangalit na apol ang bahay na ito sa Binalbagan, Negros Occidental.
03:11Ayon sa VFP, nagsimula ang sunog sa bodega ng bahay kung saan may mga nakaimbak na paputok.
03:17Inaalam pa kung bakit biglang pumutok ang mga firecracker.
03:20Takaw-disgrasya talaga ang mga paputok na naka-stock sa loob ng bahay,
03:24pati ang mga iligal na paputok na ibinibenta online.
03:27Nalangan natin ipagbawal to.
03:29This is to ensure public safety and order.
03:31Mula nga noong Oktubre, dalawang libong paputok na na ibinibenta sa social media
03:36ang nakumpiskan ng PNP muna sa iba't ibang bahagi ng bansa.
03:40Mas aktibo ang pumomonitor ng pulis siya dahil inaasahang marami pa ang magbibenta
03:45habang papalapit ang Pasko at bagong taon.
03:47Kabilang ang mga namonitor nila, mga paputok na may mga pangalang Diskaya at Zaldico
03:52at tila nakikiride sa kontrobersya sa flood control projects.
03:57Marisol Abduraman.
03:58Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:03Doble ingat po dahil panay na ang mga scam na gumagamit ng artificial intelligence
04:08gaya sa Batangas City kung saan isang babae ang inaresto
04:12dahil sa pamimeki ng screenshot ng e-wallet transfer.
04:16Yan at iba pa sa Spot Report ni John Consulta.
04:22Inuhuli ka namin sa salang estapa.
04:25Laking gulat ng babaeng yan nang arastuin siya matapos makapagsasaksyon sa rider
04:30na undercover agent pala ng NBI Batangas.
04:34Inireklamo siya ng isang negosyante na pinagbilhan niya
04:37nang aabot sa 33,000 pesos na halagahan ng mga alak at pagkain.
04:41Nagtaka siya dahil pwede namang umorder sa grocery.
04:45Bakit sa restaurant pa?
04:47So nag-check siya ng transaction history na pag-alaman niya na wala palang actual payment.
04:53Para mapaniwala ang resto na bayad na ang suspect,
04:56nagpapadala siya ng pinaking screenshot ng transaction receipt.
05:00Gumagamit sila ng technology gaya ng AI or artificial intelligence
05:05to make receipts look more convincing.
05:09Gumagamit sila ng e-platform.
05:12So gumagamit sila ng screenshot ng receipt of payment
05:16na sa totoo wala palang ganun. Fake.
05:20Naaarap sa reklamong estapa at paglabag
05:22sa Cybercrime Prevention Act ang suspect
05:24na nakakulong na sa Batangas City.
05:27Pinag-iin nila ang gumamit din ng artificial intelligence
05:30ang mga scammer na tumawag sa hospital supplier na si John Akali.
05:34Ginaya raw mong boses ni San Lazaro Hospital Medical Center Chief
05:38Director David Suplico para mongolekta ng pera.
05:41Nagko-collect sila ng funds para matulungan yung mga nasalantas sa Cebu.
05:46Kami po para makatulong lang din,
05:48at small amount, nagbigay kami ng P10,000.
05:51Kinabukasan, muling tumawag ang scammer at humingi ulit ng pera.
05:56Kung pwede daw ba kami muna mag-abono ng cash na worth P50,000
06:01kasi daw yung isang supplier, naka-cheque pa yung pera.
06:06Nung time po na yan, nagtuda na po kami.
06:08Nang tawagan ng kilala nilang secretary ni Dr. Suplico,
06:12doon na nila na lamang nagpapanggap lang ang kanilang kausap.
06:15Parang robot po na talagang scripted yung sinasabi niya.
06:20Kasi pag tumatawag siya, may katop pang tatlong beses.
06:25Tapos sasabi, gusto po kayong makausap ni Dr. Suplico.
06:29Tapos sasabi niya sa amin, 5 to 10 minutes po may kausap lang sa under for si Dr. Suplico.
06:34Tapos after 5 minutes, natawag po talaga siya.
06:38Dahil sa nangyari, agad na naglabas ng babala ang San Lazaro Hospital.
06:42Paalala ng pamunuan ng hospital.
06:44Bawal at hindi sila nagsusurisit ng pera.
06:46At kung meron naman daw gusto mag-donate,
06:49dapat gawin ang mismo transaksyon sa kanilang opisina.
06:52We need to issue a receipt for this donation.
06:55Kung may tumatawag sa inyo na nanghihingi ng pera ang aming hospital,
07:00hindi po yan totoo.
07:02John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
07:11Dayo hong importer o manon ng mga luxury car na mag-asawang diskaya.
07:15Sasampahan ang deportation case.
07:18Sa impormasyon ng Bureau of Immigration,
07:20inaresto ang dayuhan ng Land Transportation Office.
07:23Dahil sa patong-patong na paglabag,
07:25kabilang ang paggamit ng peking pangalan sa kanyang record sa LTO.
07:30Kaso ng rabies sa tupa,
07:32naitala sa General Santos City.
07:34Hinalalang City Veterinarian,
07:36na agad ng asong gala na may rabies,
07:38ang isang tupa bago ito kumalat sa ilan pang tupa sa isang farm
07:43na nangamatay kalaunan.
07:46Tulay na nagdurugtong sa coastal area sa Davao City
07:49in inspeksyon ni Pangulong Marcos.
07:52Sa December 15, nakatakdang buksan ang Bucana Bridge
07:55na sinimula noong July 2022.
07:57Isa ito sa apat na legacy project sa lungsod
08:00na baluarte ng Pamilya Duterte.
08:03Ivan Merina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:08Pumiling ng Executive Session si Congressman Sandro Marcos,
08:17kaya di ni livestream ang kanyang pagharap
08:19sa Independent Commission for Infrastructure.
08:22Pero sa harap ng media,
08:23itinanggi ng Presidential Sun ang pagdawit sa kanya,
08:26idating Congressman Zaldico sa budget insertions.
08:29May report si Joseph Moro.
08:30Humarap sa Independent Commission for Infrastructure o ICI
08:38si Presidential Sun at House Majority Leader Sandro Marcos.
08:42Isa siya sa mga isinasangkot ni dating Congressman Saldico
08:45sa pagsisingit umunon ng P50 billion pesos sa 2023, 2024, 2025 budget.
08:51Pero di ni livestream ang kanyang testimonya
08:54dahil humiling siya ng Executive Session.
08:56There may be critical information that may be elicited from his testimony
09:00which may jeopardize or compromise for the investigation of this commission.
09:05Nang humarap sa media,
09:06Wala po akong tinatago.
09:08I have given the ICI full authority
09:11if they deem fit to release the video of my testimony.
09:15Itinanggi rin niya ang mga aligasyon ni Ko.
09:18I did not do any such a thing.
09:21Kung nakikita niyo po yung listahan,
09:22may mga project dyan sa Davao City nakalagay,
09:26nakalista sa Davao City.
09:27Eh, alam naman natin sino nakatira dun.
09:30Ba't ba ako maglalagay ng projects dun?
09:32Inuignay din ni Ko ang kanyang ama na si Pangulong Marcos
09:35sa budget insertions.
09:37Pero sabi na nag-resign na ICI Commissioner Rogelio Singson
09:40hindi ito sapat na basihan para ipatawag ang Pangulo.
09:43Effective December 15 ang resignation ni Singson
09:47nabunsod daw ng edad at stress.
09:50Wala naman daw gusot at nangyihalam sa ICI.
09:52Pero daing ni Singson,
09:53kulang na nga ang ICI sa pangil.
09:56Kulang pa ito sa budget.
09:58Sino't sinisip?
09:59ICI.
10:00Ang bagal nyo.
10:02You must be protecting the big fish.
10:04You must be protecting somebody.
10:06So binato na lahat sa ICI.
10:08Panawagan ni Singson sa Kongreso
10:10ipasa na ang upgraded version ng ICI
10:13na mas pinalawak ang kapangyarihan.
10:15Tingin ni Colocan City Representative Edgar Erize
10:17nag-resign si Singson
10:19dahil sa di pa napapasang panukala
10:21para sa mas malakas na versyon ng ICI.
10:24Nasa committee level pa lamang ng Senado
10:26ang panukalang Independent People's Commission Act.
10:29Ang Independent Commission Against Infrastructure Corruption Bill
10:32naman sa kamera
10:33ay isasalang pa sa Committee on Appropriations.
10:36Nag-express siya talaga ng frustration sa akin
10:39tungkol sa mga pagkukulang ng ICI.
10:44Ano ang bagay ko sa kanya,
10:45yung aking doubt na baka ang mangyari
10:49maging washing machine lang yung ICI.
10:56Sabi niya,
10:57I feel the same way na
10:58why would I risk myself and my family
11:05over the problems of Malacanang.
11:09Sabi niya,
11:10hindi lang washing machine
11:11magiging punching bag pa kami
11:13without proper support.
11:16Mawala man si Singson sa ICI,
11:19sabi ni DPWS Secretary Beans Thiessen.
11:21Well, tuloy-tuloy pa rin ang trabaho
11:23tsaka nakikita niyo naman.
11:24Tuloy-tuloy ang pagfafile ng ICI
11:27ng mga kaso kasama ng DPWH.
11:29Joseph Morong nagbabalita
11:30para sa GMA Integrated News.
11:33Tinanggihan ni Davao City First District
11:35Paul Representative or Paulo Duterte
11:37ang imbitasyon ng Independent Commission
11:39for Infrastructure
11:40na dumalo sa pagdinig.
11:42Sabi ni Duterte,
11:43ginagamit lang ng pangulo ang ICI
11:45para siraan ang kanilang pamilya
11:47para sa 2028 elections
11:49at isalba ang kanyang sarili,
11:52pamilya at mga kaalyado.
11:54Ang dapat daw imbesigahan ng ICI
11:56ay ang pangulo,
11:57kanyang pamilya at si Romualdes,
12:00lalo na ang mga proyekto
12:01sa Regions 1 at 8,
12:03pula 2022 hanggang 2025
12:05at noong 2000 hanggang 2025.
12:09Tugo ng ICI
12:10kung iyon ang posisyon ni Duterte
12:12ay hayaan na lang siya.
12:15Patuloy rin niya lang gagampanan
12:16ng kanilang tungkulin.
12:18Tanong naman ni Act Partylist
12:20Representative Antonio Tino,
12:21bakit biglang dinaga si Duterte
12:23matapos itong sabihin
12:24na handa siyang humarap
12:25sa imbesigasyon?
12:27Sagot ni Duterte,
12:28hindi siya umatras.
12:30Ayaw lang niya ng palabas.
12:32Di naman daw siya bahagi
12:33ng House Appropriations Committee
12:34at walang kinalaman
12:36sa paglalabas ng fondo
12:37at pagpapatupad
12:39ng mga proyekto
12:39kaya walang dahilan
12:41para humarap siya
12:42sa ICI.
12:44Bago ngayong gabi,
12:45nadagdagan pa ang mga lugar
12:46na isinailaling
12:47sa Signal No. 1
12:48dahil sa Bagyong Wilma
12:50na posibleng mag-landfall
12:52bukas o sa Sabado.
12:53Sa 11pm Bulitinang Pag-asa,
12:55Signal No. 1
12:56sa Southern Portion
12:57ng Mainland Masbate.
12:59Gayun din sa Northern Samar,
13:01Eastern Samar,
13:02Samar,
13:02Biliran,
13:03Leyte,
13:04Southern Leyte,
13:05Northern at Central Portions
13:06ng Cebu,
13:07kasama ang Bantayan
13:08at Camotes Islands,
13:10Bohol,
13:10at Eastern Portions
13:11ng Negros Occidental.
13:13Signal No. 1 din
13:14sa Surigao del Norte,
13:16Surigao at Bucas Grande Islands,
13:18Dinagat Islands,
13:19Northern Portions
13:20ng Surigao del Sur
13:21at ng Agusan del Norte.
13:24Huling namata
13:25ng sentro ng Bagyong Wilma
13:26sa layang 390 km
13:28silangan ng Borongan City,
13:30Eastern Samar.
13:31Ayon sa pag-asa,
13:32posibleng mas tumaks pa
13:33ang bagyo
13:34bago ang inasa
13:35ang landfall nito
13:36bukas ng gabi
13:37o Sabado ng umaga
13:39sa Eastern Visayas
13:40o Dinagat Islands.
13:42Pasok din sa area
13:43of responsibility
13:44o yung mga posibleng
13:45dadaanan ng Bagyong Wilma
13:47ang Northeastern Mindanao,
13:50Samar
13:50at Leyte Province
13:51Bohol,
13:53Cebu,
13:54Negros Island Region,
13:55Western Visayas
13:56at Palawan.
13:59Inalok ng trabaho
14:00sa DPWH
14:01ang bagong engineer
14:02at anak ng
14:02viral jeepney driver
14:04na nagpalibring sakay
14:05sa Davao City.
14:07Ayon kay DPWH
14:08Secretary Vince Dizon,
14:10nakipugnay na siya
14:11sa ama ng engineer
14:12na si Dave Recososa
14:15matapos mapanood
14:16ang kwento nilang magama
14:17na ating itinampok dito
14:19sa State of the Nation
14:20noong Martins.
14:21Sabi naman ni Dave,
14:23nagsuminti na siya
14:24ng requirements
14:24sa DPWH Davao.
14:27Target daw siyang
14:28magsimula
14:28sa trabaho
14:29sa susunod na buwan.
14:31Pupuntahan ko siya,
14:33nag-reach out kami
14:34doon sa kanyang father
14:35at nagsubminta siya
14:37ng resume niya.
14:43Miss Universe 2025
14:45Fatima Bosch
14:46sinampahan ang criminal complaint
14:49ng president
14:49ng host committee
14:50ng 74th Miss Universe
14:53na Sinawat
14:54It Saragrisil.
14:55Sa pahayag
14:56ng Miss Universe Thailand,
14:57kognay raw ito
14:59sa naging sagutan
15:00ni na Bosch
15:00at It Saragrisil
15:02sa Miss Universe pageant
15:04noong November 4.
15:05Nilinaw sa pahayag
15:07na hindi raw
15:08tinawag ni It Saragrisil
15:09si Bosch na dumbhead.
15:11Ang nabangit daw
15:12noon ni It Saragrisil
15:14ay damage.
15:15Taliwas sa mga sinasabi
15:17anila ni Bosch
15:18sa media.
15:19Patuloy rin daw
15:20na nagbitiho
15:21ng mga maling
15:22akusasyon si Bosch
15:23para sa pansariling
15:24interes.
15:25Noong November 12
15:27a nila,
15:28formal na nag-file
15:29ng complaint
15:29si It Saragrisil
15:31laban kay Bosch.
15:33Tina Pangariban Perez
15:34nagbabalita
15:35para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended