00:00Sa gitna ng tubuhan sa hasyenda sa barangay Salvation Murcia Negros Occidental,
00:05bumulaga sa dalawang nagaanin ng tubo o sugar cane ang ilang buto ng tao.
00:10Agad rumispondi ang soko at dinala ang mga labi para masuri.
00:13Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan nito, pero paniwala ng mga otoridad,
00:17lalaki ang biktima dahil may nakadikit pang briefs sa ilan sa mga buto.
00:21Inaalam din ang pinagmulan ng mga labi.
00:23Sa San Mateo Isabela, patay sa pamamaril ang isang lalaking construction worker.
00:27Nangyari ang krimen linggo ng gabi sa isang inuman kung saan naimbitahan ang biktima
00:32at ang bumaril sa kanya na hindi raw niya kakilala.
00:34Batay sa investigasyon, sa gitna ng kantahan sa inuman, binaril sa ulo at dibdib ang biktima.
00:40Inagaw raw ng biktima ang kanta sa videooke na aawitin daw dapat ng suspect.
00:45Tinutugis na ang suspect.
00:47Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
00:57Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments