Sa 19 na senador na naglabas na ng kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth, pinamakalaki ang idineklarang net worth si Sen. Mark Villar. Aabot yan sa P1.26B, mas malaki sa net worth ng ikalawang bilyonaryo sa Senado na si Sen. Raffy Tulfo.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa labing siyam na senador na naglabas na ng kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth,
00:06pinakamalaki ang idineklarang net worth si Senador Mark Villar.
00:10Aabot yan sa 1.26 billion pesos.
00:13Mas malaki sa net worth ng ikalawang bilyonaryo sa Senado na si Senador Rafi Tulpo.
00:19Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:23Batay sa inilabas niyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-Ed,
00:28mahigit 1.26 billion pesos ang idineklarang net worth ni Senador Mark Villar.
00:33Kabilang sa kanyang assets, ang mahigit 349 million pesos na mga bahay, condominium units at lupa.
00:40Wala siyang idineklarang liabilities.
00:43Umabot sa mahigit 656 million pesos ang iyaman ni Senador Erwin Tulpo.
00:47Kabilang ang ilang lupain, labing isang sasakyan, apat na baril at halos 200 million pesos na cash a banko.
00:54Abot naman ang halos 160 million pesos ang utang niya, kaya nasa 497 million ang kanyang net worth.
01:01Si Senado Majority Leader Meg Subiri naman, abot mahigit 631 million pesos ang halaga ng yaman.
01:08Kabilang sa idineklara niya ang labing walong lupain, iba't ibang sasakyan, at shares na lampas 500 million pesos ang halaga.
01:15Mahigit 200 million pesos naman ang utang niya, kaya lampas 431 million pesos ang kanyang net worth.
01:21Si Neophyte Senator na si Camille Villar, nagdeklara naman ang assets na mahigit 362 million pesos.
01:28Pinakamalaki rito ang mahigit 214 million pesos na other personal properties, pero hindi nakasaad kung ano-ano ang mga ito.
01:36Nakasaad din sa kanyang salin ang interes sa ilang kumpanya ng kanyang pamilya.
01:40Wala siyang idineklarang liabilities.
01:42Ang iyaman naman ni Sen. Ping Lakson, aabot sa halos 257 million pesos.
01:48Kabilang dyan ang isang loteng may halagang 160,000 pesos at mga cash at investments na mahigit 256 million pesos.
01:57Halos 12 million pesos naman ang utang niya, kaya abot sa halos 245 million pesos ang kanyang net worth.
02:04Ang iyaman naman ni Sen. Jingoy Estrada, abot sa 252 million pesos, na sa kalahati nito ay iba't ibang bahay at kondominium unit, habang halos 100 million pesos ang investments.
02:16Meron siyang 31 million pesos na utang, kaya 221 million pesos ang kanyang net worth.
02:22Si Sen. Lito Lapid naman, merong mahigit 294 million pesos na halaga ng yaman, pero hindi nakalista kung ano-ano ang mga ari-ariang ito.
02:31Meron siyang mahigit 92 million pesos na utang, kaya nasa mahigit 202 million pesos ang kanyang net worth.
02:38Si Sen. JV Ejercito, mahigit 179 million pesos ang idineklarang yaman.
02:44Kabilang dyan ay mga bahay, sasakyan at ang shares niya sa Buildworth Development Corporation.
02:49May utang siyang halos 42 million pesos, kaya mahigit 137 million pesos ang net worth.
02:56Si Sen. Pia Cayetano naman, umabot sa mahigit 151 million pesos ang assets.
03:01Wala siyang idineklarang real property, pero may cash, stocks at iba pang investments at incorporator siya ng pitong kumpanya.
03:09Meron siyang halos 23 million pesos na utang, kaya abot sa mahigit 128 million pesos ang net worth.
03:15Si Sen. Bam Aquino, mahigit 86 million pesos ang yaman, na karamihan ay real properties, cash at investments.
03:23Wala siyang liabilities, kaya yan din ang halaga ng kanyang net worth.
03:27Ang yaman naman ni Sen. Loren Legarda ay mahigit 100 million pesos.
03:31Pinakamalaki niyang asset ang isang condominium unit na lampas 28 million pesos ang halaga.
03:37May mahigit 21 million pesos siyang utang, kaya nasa halos 80 million pesos ang kanyang net worth.
03:42Umabot naman ang yaman ni Sen. Joel Villanueva sa mahigit 72 million pesos.
03:48Kabilang sa yaman niya ang labing siyang na real property.
03:51Isa rito ay idineklarang donasyon, kaya walang binayaran.
03:54Ang ibang yaman ay stocks niya sa ilang kumpanya.
03:57Nasa 23 million pesos naman ang kanyang liabilities, kaya halos 50 million pesos ang kanyang net worth.
04:03Ang idineklarang yaman naman ni Sen. Cheese Escudero ay nasa mahigit 18 million pesos.
04:09Kabilang dyan ang limang lote na minana niyang lahat, kaya walang halagang nakasaad.
04:13Wala siyang utang, kaya mahigit 18 million pesos din ang net worth.
04:17Nauno na naglabas ng kanilang salensin na Sen. President Tito Soto, Sen. Rafi Tulfo, Risa Ontiveros,
04:23Wyn Gachalian, Kiko Panglinan at Robin Padilla.
04:26Wala pang inilalabas na salensin na Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano, Sen. Bato de la Rosa, Bongo, Rodante Marcoleta at Aimee Marcos.
04:35Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatuto, 24 Horas.
Be the first to comment