Skip to playerSkip to main content
Bigong maisama sa order of business sa plenaryo ngayong araw ang pagtalakay sa tatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.


Pero tuluyan nang inaprubahan ang House Committee on Justice report na nagbabasura sa dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bigong maisama sa Order of Business sa plenaryo ngayong araw ang pagtalakay sa tatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:08Pero, tuluyan ang inaprobahan ang House Committee on Justice Report na nagbabasura sa dalawang impeachment complaint laban naman kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:18Nakatutok live si Mark Salazar.
00:20Mark!
00:20Tama, Emila. Inilaan nga ng Kamara ang kanilang plenaryo ngayong araw para sa isang political action.
00:31At yan ay ang ibasura ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:36Sa botong 284 na yes, inaprobahan sa plenaryo ang resolusyong nagpapatibay sa Committee Report 111 ng Committee on Justice
00:50na nagbabasura sa dalawang impeachment complaints laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:56Walo lang ang bumoto ng no at apat ang nag-abstain.
00:59The impeachment complaints filed against the President Ferdinand Bongbong R. Marcos Jr. are hereby dismissed.
01:09January 19 at 22, tinanggap ng House Secretary General ang mga reklamong may kinalaman
01:15sa umano'y pag-surrender ng gobyerno kay dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court
01:21at ang mga anomalyang may kinalaman sa flood control projects.
01:25Bagamat pumasa ang mga complaints sa sufficiency in form,
01:29bumagsak naman ito sa sufficiency in substance sa mata ng Committee on Justice.
01:34Sufficiency in substance is not measured by the volume of bare allegations and annexes
01:45that are unsubstantiated by personal knowledge and authentic records.
01:52Madam Speaker, sa pagtukoy kung may sapat na substance,
02:00laging kinikilala ng Committee on Justice
02:03ang sound discretion ng bawat miyembro
02:07rooted in their individual appreciation of facts.
02:14In these two complaints, malinaw po ang naging desisyon ng Committee on Justice.
02:21The substance is insufficient.
02:26Inabangan din kanina sa plenaryo kung a-action na na rin ba ang impeachment complaints
02:31laban naman kay Vice President Sara Duterte.
02:34Ngunit hindi ito naisama sa order of business.
02:37Dahil sa one-year bar rule ng saligang batas,
02:45sa January 26, 2027 na ulit pwedeng kasuhan ng impeachment si Pangulong Bongbong Marcos.
02:52Iampetsang yan ang eksaktong one year matapos ma-refer sa Committee on Justice
02:57ang impeachment na tinalakay at binasura ngayong araw.
03:00Emil, maraming salamat, Mark Salazar.
Comments

Recommended