Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Linggo, Jan. 25, 2026:


Shariff Aguak Mayor Datu Akmad Mitra Ampatuan Sr., nakaligtas sa pananambang; 2 kasama sa convoy, sugatan


Sen. Imee Marcos, sinisi ang Palasyo sa pagkakasakit ng kapatid na si Pres. Marcos


Sen. Pres. Sotto sa pagpapa-impeach kina PBBM at VPSD: nakakahiya sa mundo pero kailangang paghandaan


'Di bababa sa P150,000 na halaga ng gamit, ninakaw at ibinenta sa junk shop


Iba't ibang grupo, nagpasiklaban sa kanilang performances sa Tribes Competition


Pulis, tumulong sa isang babaeng biglang napaanak sa plaza sa Taguig


17-anyos na babae sa Batangas, sinakal ng dating live-in partner


Mga Sto. Niño na may iba't ibang bihis, ipinarada; street performances, inabangan


Alex Eala, handa na sa pagsabak sa WTA 125


4 na sundalo patay, isa sugatan sa pananambang ng mga umano'y kasapi ng Maute sa Lanao del Norte


2 proyekto kontra-baha sa Naujan, sira-sira at 'di nasunod ang bahagi, ayon kay Oriental Mindoro Gov. Dolor


OCTA Research survey: kalusugan at edukasyon, ilan sa top personal concerns ng mga Pinoy


Magtiyahin na nagpatulong na sa netizens para mahulaan ang isang kanta, kinaaliwan


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit  http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:00Habang nakahinto ang mini van ayan sa barangay poblasyon sa Sharif Aguac Maguindanao del Sur,
01:08kaninang umaga may gumabang dalawang armadong lalaki at pinapotok ng isa ang animoy rocket propelled grenade.
01:16Pinuntirya pala nila ang convoy ni Sharif Aguac Mayor Dato Akmad Mitra Ampatuan Sr.
01:26Tinamaan ang sinasakyan niyang black SUV.
01:31Nakaabante pa ang SUV at nagkaputukan.
01:34Kalaunan, huminto ang SUV sa isang kalsada at umaling-aungaw ang sunod-sunod na putok.
01:45Ayon sa pulisya, papauwi na si Mayor Ampatuan ng tambangan kaninang alasais ng umaga.
02:09Hindi nasaktan ang alkalde, pero tinamaan ang bala sa chan ang dalawang kasama niya sa convoy.
02:25Kabilang ang kanyang security escort, isinugod sila sa paggamutan.
02:29May follow-up vehicle, sakay doon yung ilang mga security din ni Mayor.
02:36Yung mga securities niya, sir, nakapag-retaligate sa mga suspects.
02:42But dalawa sa securities niya ay wounded din kanina.
02:47Both ay may tama sa left side ng abdomen.
02:52Tumakas ang mga suspects sakay ng minivan.
02:55Pero sa hot pursuit operation, tatlong suspect ang napatay.
02:59Sa bayan ng Datu-Unsay.
03:01Iniimbestigahan pa ang motibo sa pananambang habang nakaalerto ang kongwersa ng PNP Barm.
03:08Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Mayor Ampatuan,
03:12kaugnay sa pananambang na ikatlong tangkana pala sa kanya.
03:19Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
03:23or Jill Relator.
03:26Nakatuto, 24 oras.
03:29Sinisini Senadora Amy Marcos ang mga taong nakapaligid kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang pagkakasakit.
03:36Ayun, nagkasakit na nga si Bongbong Pambira talaga.
03:42Wala kasing nag-aalaga sa kanya.
03:44Sino ba dyan sa nakapaligid sa palasyo, sa dinami-dami ninyo,
03:49ang talagang nagmamahal sa kapatid ko?
03:51Kanya-kanyang agenda kayo dyan.
03:53Wala naman umasikaso sa kanya.
03:55Habang may sakit siya,
03:57kung ano-ano namang ginagawa nitong mga feeling presidente.
04:00Presidente! Naku!
04:03Ayan na nga ang senadora.
04:03Ang payo pa ng senadora, sa ipinost niyang video,
04:06talikuran na ng Pangulo ang lahat ng nakapaligid sa kanya sa palasyo,
04:10na anya'y mga panggulo lamang.
04:13Inanunso na malaka niyang na na-ospital si Pangulong Marcos itong miyerkules
04:17dahil sa diverticulitis o pamamaga ng bahagi ng large intestine.
04:21Tugo naman ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro
04:25kay Senadora Amy,
04:26wag gawing biro ang kalusugan ng Pangulo.
04:30Hindi rin daw dapat maging komedyante o payaso sa pagbibigay ng payo.
04:36Dagdag pa ni Castro,
04:37totoong puso at pagkalinga ang kailangan ng taong may karamdaman.
04:42At huwag daw magpaka-plastic sa mata ng nakararami.
04:48Ang dalawang pinakamataas sa leader ng ating bansa,
04:52parehong nahaharap sa reklamong impeachment.
04:55Paano kaya ito aharapin ng Senado, natatayong impeachment court?
04:58Alamin sa pagtuto,
05:00si Mav Gonzalez.
05:01Ngayong may nakahain na sa Kamara na impeachment complaint
05:08laban kay Pangulong Bongbong Marcos
05:10at may nagbahayag ng planong sampahan muli ng impeachment
05:13si Vice President Sara Duterte,
05:16naghahanda na si Senate President Tito Soto
05:18sakaling sabay na umabot ito sa Senado na uupong impeachment court.
05:22Sana naman huwag nakakaya sa mundo.
05:26Nevertheless, pagkandaan natin kung sa kasari.
05:29Ako naman, hindi ako dyan.
05:31Sabi ni Soto, lalot mga abogado ang dating humawak sa impeachment trial.
05:36May mungkahe na rin siyang schedule para hindi naman mapabayaan ng Senado
05:40ang trabaho nitong gumawa ng batas.
05:41In the morning, from 9 a.m. to 1 p.m.,
05:48legislative work ng Senado.
05:50Pagdating lang 3 p.m. up,
05:52pwede impeachment court.
05:53Ngayon, kung sakasangali,
05:55sinabi nila, di nilawa.
05:58At a very remote possibility,
06:02sabayin natin, nilawa.
06:03Pwede gawin natin MWFU isa,
06:05isa at APS isa.
06:07Hindi, siguro naman,
06:08majority ng mga members papayag.
06:11Giit ni Soto,
06:12dapat umaksyon agad ang Senado
06:14oras na ipinadala na sa kanila
06:16ang Articles of Impeachment.
06:18Pero agad-agad din ba ang impeachment trial?
06:21Somehow, yes.
06:23Parang gano'n yun.
06:23Kasi,
06:24i-refer sa committee on rules yun.
06:26Tapos yung rules committee
06:27will take up the rules of impeachment
06:30or take up sa floor uli yun.
06:32And then,
06:33gagawin na schedule.
06:3540 prosecution to present.
06:37Tapos,
06:38mapasasabutin yung defense
06:40or kung sino yung impeached officer
06:42para sagutin.
06:44Ganon.
06:45Pwede tuloy na agad sa trial yun.
06:48Sabi naman ni Sen. Winn Gatchalian,
06:50pagamantungkulin ng Kongreso
06:52ang impeachment proceedings,
06:54magiging divisive sa bansa,
06:56lalot dalawang pinakamatataas na opisyal
06:58ang ini-impeach.
06:59Dapat talagang pag-isipan
07:01mabuti ng mababang kapulungan.
07:03Tingnan mabuti yung ebidensya
07:05dahil kung pang-politika lang,
07:07talaga masisira tayo.
07:09Tingin naman niya,
07:10walang kredibilidad
07:11si dating congressman Zadiko
07:12para tumestigo
07:13sa impeachment case
07:14laban sa Pangulo.
07:16Kung talagang gusto nyo
07:17tumulong,
07:18dapat matagal na siyang umuwi dito.
07:20Ayon kay Bicol Saro Partialist
07:22Representative Terry Ridon,
07:24ire-refer na sa
07:24House Committee on Justice
07:26ang unang impeachment complaint
07:27laban kay Pangulong Marcos
07:28sa susunod na dalawang linggo.
07:30Hindi pa naman tiyak
07:31kung ano ang mangyayari
07:32sa ikalawa at ikatlong inihain
07:34ng grupong bayan
07:35at ilang dating opisyal
07:37ng gobyerno
07:37na hindi tinanggap
07:39ng Office of the Secretary General
07:40dahil wala noon
07:41si House Secretary General
07:42Chelo Icarafil.
07:44Yung ikatlong impeachment complaint
07:46wala akong lumitaw na
07:47endorser po
07:49ng House member
07:49so tingin ko
07:50hindi yun talaga
07:51mailalatag
07:53as part of the
07:54order of business
07:54at mare-refer
07:55to the House Committee
07:56on Justice.
07:57So,
07:58yung sa ikalawang
07:59impeachment complaint lang po
08:00yung magkakaroon
08:01ng aktual na
08:02debate
08:03sa korte
08:04kung constructively filed
08:05or kung maliba
08:06na hindi po tinanggap
08:08ng House
08:08Office of
08:10the Secretary General
08:11kahit po wala po si
08:12SecGen
08:13noong pong araw na ito.
08:15Sabi naman ng
08:16Makabayan Block
08:17na nag-endorso
08:17ng ikalawang
08:18impeachment complaint
08:19titiyaki nila bukas
08:20na formal na matatanggap
08:22ni Garafil
08:22ang impeachment complaint
08:23at maisasama ito
08:25sa order of business
08:26sa sesyon sa hapon.
08:27Pero bago pa man gumulong
08:29ang bagong impeachment
08:29complaint sa Kamara.
08:31Sana ma-i-resolve na po
08:32ng Korte Suprema
08:34yung motion for
08:35reconsideration ng Kamara
08:36doon po sa impeachment
08:38ni Vice President
08:39Sara Duterte
08:40para mag-guide po
08:41yung Kongreso
08:42at Senado
08:43doon po sa talagang
08:45final na proseso.
08:47If they will grant
08:49DMR,
08:51it means that
08:52the impeachment complaint
08:53archive in the Senate
08:54can be reinstated.
08:57But if the decision
08:58of the Supreme Court
09:00is to deny
09:00the motion for
09:02reconsideration,
09:04it only means
09:05that the requirement
09:07of notice and hearing
09:08for the second mode
09:10of impeachment,
09:11the one filed
09:12by at least
09:13one-third,
09:14kahit
09:15hindi kailangan
09:16dumahan
09:17sa Justice Committee,
09:18we need to follow
09:19the requirement
09:20of notice and hearing.
09:23Para sa GMA Integrated News,
09:25Mav Gonzales
09:26nakatutok
09:2724 oras.
09:30Nilooban
09:30at ninakawan
09:31ang dalawang lalaki
09:32ang isang bahay
09:33sa Kaluokan.
09:34Aresado ng mga suspect
09:35pero karamihan
09:36sa mga ninakaw na gamit
09:37ibinenta na
09:38sa junk shop.
09:40Nakatutok
09:41si Bea Pinlak
09:41exclusive.
09:46Pumasok sa isang subdivision
09:47sa barangay 168
09:49Kaluokan City
09:49ang tricycle na yan
09:50pasado alas 11
09:52Webes ng gabi.
09:54Pumarada ito
09:54sa harap
09:55ng isang bahay.
09:56Pumasok sa loob
09:57ng bahay
09:57ang sakay nito
09:58habang naiwan
09:59sa labas
10:00ang tricycle driver.
10:01Ayon sa pulis siya,
10:03look out
10:03ang tricycle driver
10:04habang nilolooban
10:06ng kasama niya
10:07ang bahay.
10:08Wala pong tao
10:08sa bahay
10:09at nakapasok po sila
10:11di human
10:11sa pintuan
10:14sa garahe
10:15kasi
10:15nadatnan po
10:16ng may-ari
10:17na yung pintuan
10:19sa garahe
10:20ay sira na ho.
10:21Nakita rao mismo
10:22ng mga kapitbahay
10:23nang isakay
10:24ng mga suspect
10:25sa tricycle
10:26ang dalawang sako
10:27ng mga ninakaw
10:28nilang gamit.
10:29Totally ransack po
10:30ang loob.
10:31Totally ransack po.
10:33Magulo ang gamit
10:33pati po kwarto
10:34nakabukas po.
10:35Kinalkal hula
10:36ng mga gamit.
10:37Di bababa
10:38sa 150,000 pesos
10:40ang halaga
10:41ng mga ninakaw
10:42kabilang
10:43ang mga souvenir
10:44ng may-ari
10:44ng bahay
10:45mula sa mga
10:46biyahe niya abroad.
10:47It's more than the money
10:48kasi it's
10:49something you bring back
10:51pag nagbiyahi ka.
10:52Actually,
10:53ang nakakatakot doon
10:54yung
10:55isipin mo
10:56na may pumasok
10:57sa bahay niyo
10:58kumbaga
10:59yung privacy niyo
11:00na violate
11:00tapos
11:01sinakawan kayo
11:02yung danger,
11:03yung fear
11:03na baka bumalik.
11:05Natumpak po namin po mismo
11:06yung tryscale
11:07na nakaparada po
11:08sa
11:09phase 5
11:10bagong silang
11:11doon po mismo
11:12yung namin niya po
11:13nasa aming pagdanakaw
11:14at tinuro din niya po
11:16yung kanyang kasama.
11:18Kinabukasan
11:19na-arresto rin
11:19ng mga suspect
11:20pang narecover
11:21na lang sa kanila
11:22kalan
11:23at tangke ng LPG
11:25ang iba pang ninakaw
11:27na ibenta na rao
11:28sa junk shop.
11:29Sabi nyo
11:29may kukuhin lang siya
11:30kaya ako
11:31nagantay lang naman po ako.
11:32May nakumpis ka rin
11:41umanong tig
11:42isang gramo
11:43nang hinihinalang
11:44shabu sa bulsa
11:45ng mga suspect.
11:51Nahaharap sila ngayon
11:53sa reklamong robbery
11:54at paglabag
11:55sa Comprehensive
11:56Dangerous Drugs Act.
11:58Posible ring
11:58sampahan
11:58ang reklamong
11:59paglabag
12:00sa anti-fencing law.
12:01Ang mga tauhan
12:02ng junk shop
12:03na pinagbentahan
12:04umano ng mga suspect
12:05ng mga nakaw na gamit.
12:07Para sa GMA Integrated News,
12:10Beya Pinlak
12:10nakatutok
12:1124 oras.
12:14Napuno ng makulay
12:15at engranding
12:16pagtatanghal
12:17ang mga lansangan
12:18ng Iloilo City
12:19sa ginanap na
12:19tribes competition
12:20na bahagi ng
12:21Dinagyang Festival.
12:23Mula sa Iloilo City
12:24nakatutok live
12:25si Kim Salinas
12:26ng GMA Regional TV.
12:28Kim.
12:28Ivan,
12:30hindi pa natatapos
12:31ang kasiyahan
12:31dito sa Iloilo City
12:33kasabay
12:34ng pagdiriwang
12:35ng Dinagyang Festival
12:362026.
12:37Sa ngayon,
12:37nagpapatuloy
12:38ang street dancing
12:40ng 6 na tribo
12:41sa Sad Sad
12:42sa Calierial.
12:47Bawat taon,
12:49lalong tumitindi
12:50ang kompetisyon
12:51ng mga tribong kalahok
12:52sa tribes competition
12:53ng Dinagyang Festival.
12:54Ang tribe number 1
12:57na tribo Bulawanon
12:58sa Molo
12:58agad nagpabilib
12:59dahil sa kanilang
13:00energetic na performance,
13:02choreography
13:03at engranding
13:04mga kasuotan.
13:06Ang mahusay
13:08ng storytelling
13:08at nagagandaang
13:10props naman
13:10ang ibinida
13:11ng tribo Tagabario
13:12mula sa distrito
13:13ng Lapuz.
13:16Husay sa sining
13:18sa pamamagitan
13:18ng detalyado
13:19at makulay
13:20na kasuotan
13:21na sinamahan
13:22ng hataw performance
13:23ang ipinakita
13:24ng tribo Panay.
13:27Sinundan ito
13:28ng ingrande
13:29at malawarrier
13:30na pagtatanghal
13:31mula sa tribo
13:32Paginaet
13:33ng La Paz National High School.
13:35Ang nag-iisang
13:36elementary school
13:37contingent
13:38na tribo Ilayanhon
13:39ng Graciano Lopez
13:40Haina Elementary School
13:41hindi rin nagpahuli
13:43at nagbigay
13:43ng magandang performance.
13:47Napawawaw naman
13:48ang lahat
13:48sa performance
13:49ng tribo sa Lugnon
13:50mula sa Haro
13:51National High School.
13:53Ang huling grupo
13:55ay ang tribo Ilunganon
13:56na napahanga
13:57ang mga manonood
13:58dahil sa kanilang
13:59choreography
14:00at style.
14:02Bawat grupo
14:03ay nag-highlight
14:04ng mga endemic species
14:06ng kayop
14:07na makikita
14:07sa Western Visayas.
14:08Very vibrant,
14:10colorful
14:11and very festive
14:13yung atake
14:15na tinagyang.
14:16It's really, really nice
14:17and it's
14:18the energy is there.
14:20Everybody's good.
14:22Nakidinagyang din
14:23ang kapuso stars
14:24na sina Alan Ansay,
14:25Charlie Fleming,
14:27Sian Lucas
14:28at Anthony Constantino
14:29na mga vida
14:30sa upcoming horror film
14:32na huwag kang titingin.
14:34Bago magsimula
14:36ang Dinagyang Tribes Competition,
14:37isang Concelebrated Mass
14:39muna ang idinaos
14:40sa San Jose Parish Placer.
14:44Kagabi naman
14:45idinaos
14:45ang religious sad-sad
14:46kung saan
14:47libo-libong diboto
14:48ang nakiisa.
14:53Ivan,
14:55mamaya na malalaman
14:56kung sino
14:56ang tatanghaling kampiyon
14:58sa Dinagyang Tribes Competition
15:00kasadyahan
15:01sa kabanwahanan
15:01at iba pang kompetison
15:03sa gaganaping
15:04awarding ceremony
15:05alas 7 ng gabi
15:07sa Iloilo Freedom Grandstand.
15:09Yan ang latest
15:10mula rito
15:10sa Iloilo City.
15:12Mga kapuso,
15:12Ivan,
15:13happy Dinagyang!
15:15Happy Dinagyang!
15:17Salamat,
15:17Kid!
15:18Kim Salinas
15:18ng GMA Regional TV.
15:22Agad,
15:23nirespondihan
15:24ng isang polis
15:24sa tagig
15:25ang babaeng ito
15:26na sa bangketa
15:27na inabutan
15:27ng panganak.
15:29Pagdating ng polis,
15:30halos nakalabas
15:31na ang ulo
15:31ng sanggol.
15:32Bagamat wala raw
15:33siyang karanasan
15:34o training
15:34sa pagpapaanak,
15:36pumalalay siya
15:37para maayos
15:37sa mailuwal
15:38ng ina
15:38ang sanggol.
15:39Ang kwento
15:40ng nanay,
15:41papunta na talaga
15:42siya ng ospital
15:42para magsilang
15:43pero napaanak na siya
15:45pagdating pa lang
15:46sa plaza.
15:47Dahil naipit
15:48sa traffic
15:48ang polis mobil,
15:49isinakay na lang
15:50ng polis
15:51sa tricycle
15:51magina
15:52at nadala
15:53naman
15:53sa isang
15:53lying-in
15:54clinic.
15:57Sinakal
15:58hanggang
15:58malagutan
15:59ng hininga
15:59ang isang
16:00babaeng
16:0017 anyos
16:01sa Lipa,
16:01Batangas.
16:03Ang kanyang
16:03bangka
16:04ay itinapon
16:04sa harap
16:05ng kanilang
16:05bahay.
16:06Nakatutok
16:07si Bon Aquino.
16:16Labis
16:16ang hinagpis
16:17ni Elma
16:17sa sinapit
16:18ng kanyang
16:1817 anyos
16:20na babaeng
16:20kapatid.
16:22Bangkay
16:22na kasi
16:23niyang
16:23nadatna
16:23ng kapatid
16:24nitong
16:24January
16:2522
16:25sa damuhan
16:26sa tapat
16:27ng kanilang
16:27bahay.
16:38Batay
16:38sa investigasyon
16:39ng polis
16:39siya,
16:40nagpaalam
16:41ang biktima
16:41na dadalo
16:42sa isang
16:42birthday party
16:43pero hindi
16:44na siya
16:44nakauwi.
16:45Suspect
16:46sa krimen
16:46ang dating
16:47kinakasama
16:47ng biktima
16:48na nakipagkita
16:49o mano
16:49para magbigay
16:50ng sustento
16:51sa kanilang
16:51anak.
16:52Selos
16:52ang tiniting
16:53ng motibo
16:53sa krimen.
16:55Hawak
16:55na ng
16:56pulis
16:56siya
16:56ang suspect
16:56na umaming
16:57sinakal
16:58ang biktima.
16:59Maharap
16:59siya
16:59sa reklamong
17:00murder.
17:01Hanggat
17:02na pabuhay
17:02siya
17:03hindi
17:03hindi ko
17:03siya
17:03mamapatawad.
17:05Sorry,
17:05mapabalik
17:06ba yung
17:06kapatid
17:06namin
17:07ang ganon?
17:08Para sa
17:08GMA Integrated News,
17:10Von Aquino
17:10Nakatutok,
17:1124 oras.
17:13Nagpapatuloy
17:14ang pagdiriwang
17:15ng Pisa
17:15ng Santo Niño
17:16dito po
17:16sa Metro
17:17Manila.
17:18Iprinusisyon
17:18sa Pasay
17:19ang iba't
17:19ibang imahen
17:20ng batang
17:21Jesus
17:21at sinabayan
17:22pa ng
17:23makukulay
17:24na pagtatanghal.
17:25At mula
17:25sa Pasay City
17:26Nakatutok
17:27live
17:27si Jamie
17:28Pia
17:35makikita
17:36ang buhay
17:36na buhay
17:37na pananampalataya
17:39at tradisyon
17:39ng mga
17:40devotong
17:41lumahog
17:41dito nga
17:42sa taon
17:42ng Piesta
17:43del Santini
17:44at dahil
17:45diyan
17:45isinara
17:46ang ilang
17:47kalsadan
17:47dito
17:48sa Pasay.
17:53Puno
17:54ng kulay,
17:55musika
17:56at pananampalataya
17:57ang Pasay
17:58ngayong araw.
17:59Lula
17:59ng bawat
18:00karosa
18:00ang puong
18:01Santoninio
18:02na dinamita
18:03ng
18:03makarbon
18:04kasuotan
18:04at
18:05pinalamutian
18:06ng mga
18:06bulaklak.
18:07Ilang
18:07pamilyang
18:08narito
18:08ay galing
18:09pa sa
18:09ibang
18:10lungsod.
18:10Nakiisa
18:11sila,
18:12dala
18:12ang kanilang
18:12kwento
18:13ng
18:13mahabang
18:13debosyon,
18:14pagpapala
18:15at
18:15pasasalamat.
18:17Ang
18:17pamilyang
18:17ito
18:18na mula
18:18pa sa
18:18Las Piñas
18:1930 taon
18:20nang
18:20ipinuprosesyon
18:21ang
18:21Santoninio
18:22na minana
18:23mula
18:23sa kanilang
18:24lula.
18:24Sa lula
18:25pa po namin,
18:26ninunu pa.
18:27Gano'n
18:27na pong
18:28matagal yun?
18:28Ay,
18:29matagal na
18:29matagal na,
18:30hindi lang
18:3040 years,
18:31hindi lang.
18:32Bakit po natin
18:32inaanagaan
18:33ng Santoninio
18:34na pamilya?
18:34Ay,
18:34siyempre,
18:34yun ang
18:35tradisyon
18:36po namin
18:36talaga.
18:38Hanggang
18:38sa mga
18:39anak-anakan
18:39namin
18:40ngayon,
18:41sama-sama
18:41sila.
18:42Ano ba
18:42ang ginawa
18:43ng Santoninio
18:44sa inyong
18:44pamilya?
18:44Kaya talaga
18:45namang
18:45yung tradisyon
18:46ay tuloy-tuloy?
18:47Ay,
18:47siyempre,
18:48biyaya
18:49ng Panginoon
18:50sa amin,
18:50lakas ng katawan,
18:52lahat na,
18:52all day.
18:53Dahil sa tinupad
18:54na hiling,
18:5538 years
18:55nang inaalagaan
18:56at ipinuprosesyo
18:57ni Mercy
18:58ang kanyang
18:59Santoninio.
18:59Dating hirap
19:00magkaanak
19:01dahil sa panalangin
19:02kay Santoninio,
19:03binihayaan daw siya
19:04ni Santoninio
19:05ng anak,
19:06hindi lang isa,
19:07kundi dalawa pa.
19:09Sa kanya
19:09ko hiniling
19:10yung anak ko,
19:1114 years,
19:1214 years
19:12hindi ako
19:13nagkaanak.
19:14Siya lang
19:15ang binang
19:16hiling ako
19:17iyon,
19:18dun lang ako
19:18nagkaanak.
19:21Sumayaw ako
19:22dati sa
19:22Obando,
19:23sa lahat,
19:24wala,
19:25pero sa kanya
19:26lang ako humilin.
19:27Kaya po,
19:27matapos po kayong
19:28mabiyayaan ng anak,
19:29pinunin rin ako?
19:30Nung binayayaan ako,
19:31binigyan ako ng anak,
19:33pinangako
19:34namin sa kanya,
19:35pagbinigyan niya
19:36kami ng anak,
19:37e,
19:38binigyan niya kami
19:38ng anak,
19:39taon-taon
19:40ipaparada namin siya,
19:41bibigyan namin siya
19:42ng sariling
19:42ati-atihang
19:43karosag.
19:44Bukod sa prosesyon
19:45ng mga Santoninio,
19:46mas pinakulay at pinasaya ang grand procession ng mga street performances.
19:51Kasabay ng selebrasyon, sarado mula pa kagabi ang FB Harrison mula Galvez
19:57hanggang Arnaiz Avenue at Jalandoni Street, Capua Northbound.
20:02Mula naman alas 11 kaninang umaga hanggang alas 9 mamayang gabi,
20:06sarado ang Durhamham Park, FB Harrison, EDSA, Rojas Boulevard,
20:11Buendia Avenue at Jalandoni Street.
20:16Pia, patunay ng pananampalataya at pagkakaisa ang grand procession na ito
20:22dahil nga sa kabila ng traffic at awala, makikita ang saya, demosyon at ang makulay na kultura dito sa luson.
20:31At yan ang latest mula rito sa Pasay Balik Sa'yo, Pia.
20:35Maraming salamat, Jamie Santos.
20:38Inaabangan na ng Pinoy tennis fans ang pagsabak ni tennis ace Alex Ayala sa Philippine Women's Open.
20:44May paalala naman po ang Women's Tennis Association sa proper decorum na mga manonood
20:50matapos punahin ang pag-cheer ng ilang Pinoy sa laro ni Ayala sa Australia.
20:56Nakatutok si JP Siriano.
20:57Bukas maghaharap-harap ang pinakamagagaling na tennis player sa buong mundo.
21:07Sa WTA 125 Philippine Women's Open na gaganapin sa Rizal Memorial Sports Complex Tennis Court,
21:13inaabangan ang pag-smatch ni Pinoy tennis ace at world number 49 Alex Ayala.
21:19Sa qualifying singles draw, unang makakaharap ni Alex ang Russian na si Alina Shareva,
21:25na nakaharap na niya sa International Tennis Federation match sa Spain noong 2020.
21:30I have met her. She's a very nice person. I think and a great player.
21:36So I'm just gonna go and I've done everything to prepare to the best of my ability.
21:42So I'm gonna go and do my best.
21:44Isa sa mga inaabangan din ang pagiging bubbly ni Alex,
21:48na nakikipagsabayan nga din sa social media.
21:51Step by step pala.
21:53Pinoy-coded nga raw ang tennis tuwing sasabak siya.
21:56Anong masasabi ko, Pinay naman talaga ako.
22:00I mean, I think it's only normal.
22:01Like a lot of people ask me, saan nanggagaling yun?
22:03But, I mean, I'm Pinay.
22:06Bago ang Philippine Women's Open sumabak noong nakaraang linggo si Ayala sa Australian Open.
22:12Doon ay pinuna ng ilang tennis fans ang pag-cheer ng mga Pinoy sa tennis stadium sa Melbourne,
22:18na umabot sa puntong hindi na raw makafokus ang kalabang si Alicia Parks ng USA.
22:23Ang organizers ng Philippine Women's Open naglabas ng tennis etiquette guidelines mula sa WTA o Women's Tennis Association.
22:32Paalala nila sa mga manonood, dapat manatiling tahimik para makafokus ang mga malalaro.
22:38Pumalakpak lang kung out of play na o hindi na pwedeng tamaan ng bola.
22:43Patayin o is silent mode ang mga cellphone.
22:45Kung magpipicture walang flash at tunog at itaon lang ang pagtayo o paglakad kapag naka-changeover o break ang laro.
22:54Huwag mag-usap o kahit bumulong lang para di ma-istorbo ang mga malalaro.
22:59Huwag humiyaw o mag-cheer kung nagkamali ang kalaban.
23:04At huwag gumamit ng selfie stick.
23:06Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano.
23:10Nakatutok 24 oras.
23:12Patay ang apat ang sundalo at sugatan ang isa pa matapos tambangan sa Munay, Lanao del Norte.
23:20Tinutugis sa ng militarang anilay may kagagawan ng mga miyembro ng maote.
23:24Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
23:30Nagluloksa ang mga sundalo at kaanak ng apat na sundalong nasawi sa pananambang sa Munay, Lanao del Norte nitong umaga ng biyernes.
23:37Ayon sa Joint Task Force Zampelan, nasa sasakyan ang mga biktima ng tambangan.
23:43Nagsasagawa noon ng Community Support Program ang mga sundalo sa barangay Lilingdi.
23:49Kwento ng isa sa mga naulila, nung tambangan ang mga sundalo, mamamalain kayo dapat sila at hindi nakauniforme.
23:55Unpair ba nga, they are helping you as, they are serving as a military, they are serving their best, they are doing their job, their service.
24:07Nga-angan at abo nga-amo sila.
24:10Siyempre, mam sakit din.
24:12Kinundina ng Philippine Army ang pag-atake na sinisi nila sa Daula Islamiyah Maote Group.
24:18Ayon kay Army Spokesperson Colonel Louis Dimaala, gumagantiraw ang grupo para makubkob ang lugar kung saan may programa ang mga sundalo.
24:28Kahapon, personal na nakiramay si AFP Chief of Staff General Romeo Browner Jr. at Army Chief Lieutenant General Antonio Nafarete kasama ang iba pang sundalo.
24:40Kinilala nila ang kabayanihan ng mga nasawi at tiniyak ang tulong at suporta ng gobyerno sa mga naiwang pamilya.
24:47Bilisita rin niya sa paggamutan ang mga sundalong nasugatan sa ambush.
24:52Kwento ng survivor na si Corporal Roland de la Cruz, mayigit sampung armadong lalaki ang umatake sa kanila.
24:58Mayroon na nag-guardahong nga pag-abot na dito sa ikatulong tubigan na kalit o buto.
25:06Sa isa ka buto pa lang, ang amang driver na yun ako na nakaiko na.
25:12Tapos pag volume fire dito sa kilid, so ang amang akong dibuhat,
25:19nangupo ako dito sa pan sa katulong dito sa limpuranan.
25:24Ipinag-utos na ni Broner na pag-aralan ng sitwasyon para mapagplanuhan ang mga susunod na hakba.
25:31We are giving a warning sa mga grupo na ito na armado na mas maganda po ay mag-surrender na lang sila sa atin.
25:41Para maiwasan na rin po natin yung ganitong insidente na maraming namamatay,
25:46both mga sundalo at yung mga rebelde.
25:50Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatuto 24 oras.
25:57Sira-sira kahit ginasusan na mahigit 400 milyong piso
26:01ang dalawang flood control project sa Oriental Mindoro
26:03nang inspeksyonin ni Governor Bons Dolor.
26:07Pumirba sa mga yan si dating DPWH Memoropa Regional Director Gerald Pakanan
26:11na nakakulong ngayon dahil sa isa pang substandarduman ng proyekto sa probinsya.
26:16Nakatutok si Darlene Kai.
26:20Upang tingnan, nauna ko pong nanotis, bukod sa wasa, yung pagkakagawa ng disennyong ito.
26:28Pag tinitingnan ko nga po, nagugulat ako.
26:31Palpak at perwisyo ang tawag ni Oriental Mindoro Governor Bons Dolor
26:35sa dalawang flood control project na ininspeksyon niya kahapon sa barangay San Andresa na Wuhan Oriental Mindoro.
26:41Hawak ni Dolor ang kopya ng litrato ng umunoy plano para sa road, dyke and esplanade sa mag-asawang Tubig River.
26:47Hindi na nga raw sinunod ang plano, sira pa ang bahagi nito at maikli pa ang sheet files ng sukatin.
26:53Kaya raw lalong binahakamakailan ang ilang lugar sa mga bayan ng Victoria at Nowhan.
26:57Ayon sa disenyo ng DPWH, una muna, ang sheet files, pagkatapos ng sheet files, saka ilalagay, yun.
27:11Ang tawag nila doon ay, ito pa, hindi sunfield sa ilalim, ang tawag nila dyan, geotextile, pampatibay dapat.
27:19Ang problema, kitang-tita nyo naman, salip na lang sa loob, nasa labas.
27:27Kanyan ha, hindi tayo nagyawa niya.
27:30Ayon sa contract agreement sa DPWH website, February 11, 2023 sinimula ng dalawang proyekto.
27:37Ang isa ay natapos umunod ng February 5, 2024.
27:40Ang isa naman, December 10, 2023 ang completion date.
27:43Ang nakakapagtaka lang po, dalawang stretch, mayigit dalawang daang milyon ang isa,
27:50sabay ini-award, sabay binigyan ng notice of commencement, sabay din dapat nagpanimula.
27:59Pero dapat magkaibang kontrapista dahil dalawang magkaibang program pa proyekto,
28:04pero iisa po ang kontrapista.
28:06Ngayon, makalipas lamang, mayigit sang taon, ito na ang flood control na ginawa.
28:15Nakakalungko, dahil sa halip na nakakatulong sa ating mga kababayan,
28:20nag-isani pa ng pagbaha.
28:22At pag hindi ito tinama, ang magag-alap sa atin, ibayo pang baka.
28:27Pirmado ni dating DPWH Mimaropa Regional Director Gerald Pakanan ang parehong kontrata.
28:34Mahigit 210 milyon pesos ang pondo kada proyekto na lumobo pa sa mahigit 217 milyon pesos
28:41hanggang sa matapos ito base sa isumbong sa Pangulo website.
28:45Nakakulong ngayon sa New Quezon City JLC Pakanan dahil sa pagkakasangkot niya
28:49sa isa pang umano'y substandard na flood control project sa Nauhan Oriental Mindoro rin.
28:54At kasalukuyang nililitis para sa mga kasong graft at malversation of public funds through falsification.
29:01Ang kumpanyang New Big 4G ang kontratista ng parehong flood control project na ininspeksyon ni Dolor.
29:06Pinuntahan namin ang kanilang address na nakalista sa mga dokumento ng DPWH
29:10pero sarado ang opisina at wala kaming inabutang tao.
29:13Kinausap na raw ni Dolor ang mga taga DPWH Mimaropa at DPWH Oriental Mindoro District Engineering Office.
29:20Sinusubukan pa ng GM Integrated News na kunin ang panig ng DPWH.
29:24Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai nakatutok 24 oras.
29:29Kalusugan at pag-iwas sa sakit at pati nakabubuhay na pasahod.
29:34Ang mga yan ang nangunguna sa mga inaalala ng mga Pilipino batay sa survey na isinagawa ng Okta Research.
29:40Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
29:42Sa labas ng isang government hospital na kilala namin si Mike Ramo.
29:50Dalawang buwan nang nasa ospital ang kanyang amang diabetic na inoperahan sa paa.
29:55Libre o zero billing naman daw ang ospital.
29:58Pero umaabot pa rin ng 5,000 pesos ang gastusin kada linggo.
30:01Yung gastus po ng family po namin, yung sa kagaya po yung sa pagkain po namin.
30:07Tapos yung pag bumibili po ng ibang gamot ni papa, like yung sa dugo.
30:12Kailangan daw po kasi na bago daw po ma-operahan, sasalinan daw po muna ng dugo.
30:18Ang hipag naman ni Mary Jane Capio, naka-confine din ang libre sa ospital para sa iniindang stage 4 cancer.
30:25Sa iba pang gastusin gaya ng pambili ng gamot at bag ng dugo, sinubukan daw nilang lumapit sa ilang politiko.
30:33Pagod lang kami pila, puyat, lutong. Wala kami nakuha, pinasa. Tatawagan daw kami. Hanggang ngayon wala.
30:42Hindi na bago ang alalahanin ng mga Pilipino sa kalusugan.
30:45Ang pananatiling malusog at pag-iwas sa karamdaman ang nangunguna sa top 5 urgent personal concern ng mga Pinoy.
30:53Batay sa survey ng Okta Research nitong fourth quarter o huling tatlong buwan ng 2025.
30:59Sumunod ang makatapos ng pag-aaral o makapagpaaral ng mga anak.
31:04Sapat na pagkain araw-araw, matatag at maayos na kita at pagnanais na hindi mabiktima ng krimen.
31:10Ayon sa Okta Research, mainam na palawakin pa ang beripisyong medikal at matiyak na nararating nito ang lahat ng bahagi ng bansa.
31:19Ang hangaring maiwasan ang pagkakasakit ay hindi usaping medikal lang.
31:25May kinalaman nito sa gastos, sa gamutan, akses sa servisyong pagkalusugan at araw-araw na seguridad ng pamilya.
31:32Ito sa mga nakaraan na survey kaya hindi ito parang dalian tapot kundi pang matagalan na alalahanin.
31:41Tanggap naman ang DOH ang resulta ng survey na anilay magandang resulta ng pinalawak na mga programa ng gobyerno.
31:48Nung nalaman nila na sa utos ng Pangulo ay libre na ang kanilang pagpapaggamot sa basic accommodation ng DOH hospitals,
31:55abay, tumaas yung bilang na nagpapakonsulta.
31:58Ayon sa DOH, palalawakin pa nila ang zero billing at mga programa ng PhilHealth.
32:04Si Tristan de la Cruz naman, bukod sa kalusugan, pangunahing alalahanin daw ang pag-aaral ng kanyang tatlong anak
32:11at kung paano mapagkakasya ang kita niya bilang driver.
32:14Yung may pababayan yung mga bilihin, number one na yan sa mga gastusin, regarding sa mga pagkain.
32:21Mahirap sa mahirap kung siyempre hindi ganung kalakihan ng mga sinasawad ang bawat, padre pa di pamilya.
32:27Sa parehong pag-aaral ng Okta Research, sahod o sweldo ang number uno sa mga isyong dapat daw tugunan ng gobyerno.
32:35Sunod ang pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, sapat na supply ng pagkain, pagsubpo sa korupsyon sa gobyerno at libreng edukasyon.
32:43These issues constitute the same top five issues that we saw noong third quarter.
32:49So, anong ini-indicate nito? Actually, hindi lang sa third quarter pa second quarter.
32:53Ang ini-indicate nito may stability in household core concerns.
32:57Clear na dapat may response mo ang gobyerno natin to these issues.
33:02Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Oras.
33:07Nagpasaklolo na sa netizens ang sentyahin para sa pamangking na LSS sa isang kanta.
33:18Eto, mahuhulaan nyo kaya ang kanta?
33:22Guys, tulungan nyo ako. Ano bang kanta to?
33:27Ang hint na ibinigay ni Kendall Gray sa kanyang tita Daphne Ramores,
33:39kanta raw ito ng isang girl group at pink ang lyrics ng kanta sa isang music streaming app.
33:45Yun nga lang, kahit Google ay hindi ito masagot.
33:48At nang i-post ang video, the search is over dahil nahulaan ng mga netizens ang title ng kanta,
33:55Power, na inawit ng isang British girl group.
34:01And that's my story this weekend. Ako po si Nelson Canlas.
34:04Pia, Ivan.
34:07Thank you, Nelson.
34:09Salamat, Nelson.
34:09At yan po ang mabalita ngayong weekend para sa mas malaki misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan.
34:15Ako po si Pia Arcangel.
34:17Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
34:22Nakatutok kami 24 oran.
Comments

Recommended