Skip to playerSkip to main content
  • 6 days ago
Aired (October 26, 2025): Habang humahampas ang malakas na hangin sa kagubatan, patuloy ang laban ng mga insekto para mabuhay. Isang gagamba ang agaw-buhay habang kinakain ng putakte at isang langgam ang sumubok mang-agaw ng pagkain. Panoorin ang video.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Pagkakataon nito para sa mga insekto na mag-ipon ng pagkain.
00:16Pero ang kanilang lakas, tila sinusubok ng malakas na hangin
00:30Kung ang tao naghahanap ng masisilungan,
00:35paano pa kaya mga hayo?
00:42Sa paglipad din naan ng paro-paro,
00:44ang paghahanap nito ng matatamis ng balaklak.
00:47This is their hedge garden.
00:49Ito yung mga halaman na pinagkukuha na nila ng mga tangkay
00:54for their asexual reproduction.
00:56And so, ito, itong mga butterfly na nandito,
00:59sabi nila, during summertime, mas madami sila,
01:04mas iba't ibang species.
01:06But right now, kasi medyo maulan eh.
01:09Ang hangin, tila sinasabayan lang nito sa paglipad.
01:14Hanggang sa mapili nito ang bulaklak na kanyang pagkukuha na ng pagkain.
01:20Ang paro-parong ito, perfect ang landing sa bulaklak.
01:24Gamit ang mahabang probosis, sinisipsip nito ang nektar ng halaman.
01:31Habang ang mga binti nito, nakakapit na mabuti sa bulaklak para hindi liparin.
01:36Sa katawan nito, hindi nila namamalayan na kumakapit ang pollen ng halaman.
01:44Kaya sa muling paglipad nito,
01:46naiuhulog din ang pollen sa iba pang mga tanim
01:51at sumisibol ang bagong bulaklak.
01:55Pero di lahat ng paro-paro, mapalad na nakakalipad.
02:00May ilan na namatay na bago pa man sila lumipad at makahanap ng pagkain.
02:06Ang pagkakaroon ng paro-paro sa paligid,
02:10bukot sa paniwalang pagdalaw ito ng mga yumaong mahal na natin sa buhay,
02:16yung mga butterflies na nakikita natin dito
02:19are believed to be indicators of a healthy environment that we have here.
02:24Indikasyon din ito ng pagkakaroon ng malinis na hangin.
02:28Lalo na sensitive ito sa pagbabago ng palahon at kanilang paligid.
02:33Ang butterflies po ay very sensitive sa kanilang environment.
02:36Kapag po halimbawa, buminit lang ng ilang degrees,
02:40maapektuhan na po yung population nila.
02:42And pati po air quality, damay na rin sila rin.
02:46Meron silang specific host plants.
02:49Kapag nawala po yung mga host plants na ito,
02:51yung mga population po nila pwedeng mag-decline.
02:53Ang ilang mga insekto.
02:57Pagtalo naman ang paraan ng pagkahanap ng pagkain.
03:01Ang mga jumping spiders,
03:02kayang tumalo na nasa 40 times ang haba ng kanilang katawan
03:06o kasing taas ng isang payo.
03:09Pero teka, ang jumping spider na ito,
03:13nakikiramdam kung aabot siya sa tataluning dahon.
03:18Bukot sa malayo, umiihip pa ang hangin.
03:22Nakapo!
03:23Ang kanyang diskarte, tila nag-iba.
03:26Sahalit na tumalon,
03:28hinaan nito sa mabilis na pagtakbo para labanan ang hangin.
03:34Nice move!
03:36Pero tila nag-ulat siya sa kanyang nakita.
03:43Ang kapwa niya gagamba, agaw buhay sa kalaban nitong pate.
03:49Paikot-ikot ang kanilang laban.
03:55Kung sino ang matalo,
04:02tsak na pagkain ng panalo.
04:04Oh no!
04:07Sa pwesto ng laban,
04:09lamang ang potakte.
04:11Lalo na't nagawa nitong madaganan ang gagamba.
04:14Maya-maya pa,
04:18sa gutom ng potakte,
04:21unti-unti na niyang kinakain ang talo ng gagamba.
04:29Pero tila may gustong makisalo sa kanya.
04:32Ang langgam na ito,
04:35sinubukan pang lumapit.
04:39Ang potakte,
04:40pinugaw ang langgam.
04:42Habang itinatago nito sa kanyang likorad ang pagkain.
04:49Omnivore ang mga potakte.
04:50Kumukuha ito ng sustansya at lakas
04:53sa pagkain ng halaman at karne ng ibang hayo.
04:57At para masiguro na walang istorbo sa kanyang pagkain,
05:01umalis ito na bit-bit ang gagamba.
05:06Ang sinapit ng gagamba sa kamay ng potakte,
05:10pinagmamasdan pala ng magtatagong scorpion.
05:14Sa apat itong mata,
05:15talaga namang makakaligtas siya.
05:18Ang kanyang median eyes na nasa gitna
05:20ng kanyang ulo,
05:22responsable para makita niya
05:24ang imahe at paggalaw sa kanyang paligid.
05:27Samantalang ang lateral eyes naman
05:29na nasa gilid ng kanyang ulo,
05:30kayang madetect ang liwanag.
05:34Ginamit din ang scorpion
05:36ang kapangirihan niya
05:37ang gayahin ng kulay ng kanyang paligid
05:39o camouflage.
05:42Ang kulay ng bunot,
05:44gayang-gaya nito.
05:47Pansin niyo ba kung maasaan ang scorpion?
05:53Maya-maya pa,
05:55ginagalaw na nito ang kanyang pictures
05:56at inangal sa kari.
05:59Parang sensor ito na nakikiramdam sa kanyang paligid.
06:05Sa takot nito sa pag-atake ng predator o insekto
06:08at hayop na posibleng kumain sa kanya.
06:10Duluyan na itong nagtago.
06:16Pero di lahat ng insekto
06:19kasing galing nila sa pagkahanap ng pagkain.
06:22Dahil ang steak insect na ito
06:24na nakakapit sa sanga na gumamela,
06:28go with the flow sa ihip ng hangin.
06:30Samantalang ang kuliglig naman na nakapatong sa dahon,
06:36walang ginawa kundi magtago.
06:39Sa mga pinakamalaki talagang threats
06:42sa population ng ating mga insekto
06:45ay ang pagkasira ng kanilang mga tirahan
06:48pati po ang pagtaas ng temperature sa globe.
06:53Gaano man kalakas ang hangin na hinaharap ng mga insekto,
06:57hindi sila nagpapatinag dito.
06:59Lalo na at sa paiba-ibang panahon,
07:05pakay nilang ligtas na makakain at makabangon.
07:10Maraming salamat sa panonood ng Born to be Wild.
07:14Para sa iba pang kwento tungkol sa ating kalikasan,
07:17mag-subscribe na sa JMA Public Affairs YouTube channel.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended