00:00Ilang pang mambabatas ang naglabas ng kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth,
00:06kabilang sila Sen. Sherwin Gatchalian at Kiko Pangiliran.
00:09Nakatutok si Tina Pangaliban Perez.
00:13Batay sa inilabas niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALIN,
00:19lumalabas na nasa mahigit 89.5 million pesos ang halaga ng yaman ni Sen. Winn Gatchalian o Net Worth.
00:26Ito rin ang kanyang net worth dahil wala siyang idineklarang liabilities.
00:31Nasa mahigit 38,000 pesos ang idineklaran niyang cash sa bangko.
00:36Konting movement lang naman yung aking assets because nung naging public servant ako,
00:42hindi ako masyadong, wala naman masyadong personal activity.
00:46So nagbenta lang ako ng shares I think mga 6 years ago, 7 years ago.
00:53And then after that wala naman masyadong movement.
00:55Sabay naman naglabas ng SALIN si na Liberal Party Chairperson Sen. Kiko Pangilinan
01:01at mamamayang Liberal Partylist Representative Laila De Lima.
01:05Mahigit 26.7 million pesos ang halaga ng mga yaman ni Pangilinan.
01:11Ito rin ang kanyang net worth dahil wala siyang idineklarang utang.
01:14Hindi natin maaaring hilingin ang transparency kung hindi natin ito isasapuhay.
01:22Hindi natin maaaring kondinahin ang katiwalian habang kinukonsinti natin ito sa sariling bakuran.
01:3110.7 million pesos naman ang halaga ng mga yaman ni De Lima.
01:35Ito rin ang kanyang net worth dahil wala rin siyang idineklarang liabilities.
01:40With the example already shown by the Speaker,
01:44umaasa kami na mas marami pa ang susunod na i-disclose na huwag nang maghintay
01:50ng either batas o maghintay ng requests from anyone, from any citizen or from media.
01:58Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments