Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, kuha tayo ng updates sa Bagyong Goryo kasama si Amor La Rosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor!
00:13Salamat, Emil. Mga kapuso, nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Goryo.
00:19Pero bago po yan, nagdulot ito ng masamang panahon sa Batanes.
00:23Ramdamang malakas na hangin na may kasamang pagulan sa Batanes kaninang umaga.
00:32Naglalakihan din po ang mga alo na posibleng magpatuloy sa mga susunod na oras, lalo at may nakataas pa rin na gale warning ang pag-asa.
00:39Ibig sabihin po niyan, babala po yan sa malalaking alon.
00:43Sa bayan naman ng uyugan, nabalot ng putik at mga bato ang ilang kalsada, matapos gumuho ang bahagi ng bundok.
00:50Ayon po sa pag-asa, nag-landfall ang Bagyong Goryo.
00:55Dito po yan sa may southeastern portion ng Taiwan.
00:58Kanina po yung alauna ng hapon.
01:00At dahil malapit po sa Taiwan itong Batanes, yan po yung dahilan kung bakit po naranasan dyan yung masamang panahon kanina.
01:05At alas 4 po ng hapon, tuloy na po yan nakalabas sa Philippine Area of Responsibility.
01:10Kaya inalis na rin po ng pag-asa ang wind signal sa anumang bahagi po ng Pilipinas.
01:15Huling namataan ang sentro nitong Bagyong Goryo, dyan po yan sa 325 kilometers northwest ng Itbayat, Batanes.
01:23Taglay po nito ang lakas ng hangi nga abot sa 140 kilometers per hour.
01:27At yung pagbugso po niya nasa 230 kilometers per hour.
01:30Kumikilos po ito pa west-northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
01:35Ayon po sa pag-asa, sunod po na tinutumbok nitong Bagyong Goryo.
01:39Ito pong bahagi po ng China kung saan po yan kung sibling humina dahil po sa interaksyon sa kalupaan.
01:45So wala na po ito gaano makukuhang moisture dyan po sa mainland China.
01:49Wala nang bagyo dito po sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
01:53Pero tuloy-tuloy ang pag-iral nitong southwest monsoon o yung hanging habagat.
01:57Dito po yan sa malaking bahagi ng ating bansa.
02:00Ibig sabihin, may chance pa rin po ng ulan na.
02:02Base po sa datos ng Metro Weather, umaga po bukas, may mga kalat-kalat na ulan.
02:06Dito po yan sa ilang bahagi ng Cagayan Valley, pati na rin po dito sa Palawan.
02:10At ilang lugar lamang dito po sa Visayas at sa Mindanao.
02:13So pwedeng maalingsangan pa ang panahon sa malaking bahagi po ng ating bansa sa umaga o tanghali.
02:19Pero pagsapit ng hapon, mas marami ng ulanin.
02:22Lalong-lalo na po dito sa Visayas, pati na rin sa Mindanao, Southern Luzon.
02:26Kasama po dyan itong Bicol Region.
02:29At ilang bahagi ng Northern at ng Central Luzon.
02:32May mga malalakas sa ulan pa rin.
02:33Kaya dobli ingat pa rin po sa bantanang baha o landslide.
02:36Dito naman sa Metro Manila, mainit po sa umaga o tanghali.
02:40Pero may chance pa rin ng thunderstorms.
02:43Pagsapit po yan ng hapon o kaya naman sa gabi.
02:46Samantala mga kapuso, kung may kasunod ba agad ang Bagyong Goryo?
02:50Sa ngayon po ay wala pa naman.
02:52Pero ayon po sa pag-asa, minomonitor yung cloud clusters o mga kumpol na mga ulap sa paligid po ng ating bansa.
02:58May dalawang panibagong sama ng panahon na posibli pong mabuo sa mga susunod na araw.
03:03Isa po dito sa may silangan at isa din dito sa kanluran po ng ating bansa.
03:08Kaya patuloy pong tumutok sa updates.
03:11Yan muna ang latest sa lagay ng ating panahon.
03:13Ako po si Amor La Rosa.
03:14Para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended