Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagkatapos ng masayang pagsalubong sa bagong taon, sinulit naman ng mga turista ang pamamasyal at malamig na panahon sa Baguio City bago matapos ang long holiday.
00:13Nakatutok doon live si Bam Malegre. Bam!
00:16Mal, Happy New Year! So, at yung kanilang mga pangginaw na OOTD, sinusulit nga ng maraming turista itong nakakalamig ng ulo na ginaw ng Baguio City bago sila matapos sa kanilang mga bakasyon.
00:35Sa sali ng tugtugan at mga turotot, masayang sinalubong ng Baguio City ang bagong taon sa Burnham Park.
00:46Ang inabangang mga paputok ng lungsod, makukulay at pasapog sa pagpapagilas.
00:55Sa kabila ng masayang selebrasyon kagabi, may vandalismo na namonitor ang mga polis sa palibot ng Burnham Park kinaumagahan.
01:03Kasabay ng community fireworks display kagabi, e tila pinagtripan itong signage na ito na kung titignan ninyo, ito'y tad-tad ng bala. Ito'y iniimbestigahan pa ng polisya sa ngayon.
01:13Sa kabila nito, generally peaceful ang pagdiriwang ng bagong taon sa Baguio ayon sa polisya.
01:18Mahigpit na ipinatupad ang ordinansa laban sa pagtitinda at paggamit ng mga paputok.
01:23Sa huling linggo ng Disyembre, mahigit 9,600 na mga paputok ang nakumpiskan ng Baguio City Police Office.
01:30Kaninang umaga, umabot hanggang 15.6 degrees Celsius ang temperatura sa Baguio City.
01:36Maraming turista ang sinulit ang lamig ng lungsod tulad ni Brie Abadiano na tagapalawan pa.
01:40Ano kasi sa amin, mainit, so hindi ko laging nararanasan na ganito yung weather.
01:47Kahit malamig, sinusulit namin sa pamamasyal dito.
01:52E yung fur baby mo?
01:53Feeling ko nag-enjoy naman siya.
01:55Anong name yan?
01:56Nagigising niya lang, snow.
01:57Snow, pangginawan talaga.
01:59Sinusulit yung lamig kasi siyempre alam naman natin, pagbalik sa Metro Manila, iba na yung temperatura.
02:04So most likely, enjoy natin yung lamig ngayon dito sa Baguio habang nandito pa tayo.
02:09Maagang nagsigising ang mga turista para pumasyal sa ilang tourist attraction tulad ng Children's Park.
02:14Pero may ilang sarado naman para sa New Year holiday tulad sa Baguio Botanical Garden.
02:19First time, so grabing favor ng Panginoon na abot kami rito.
02:23Kaso lang, sarado.
02:26Kaya medyo hindi masyadong nasulit.
02:35Mel, maulan ngayon dito sa Baguio City, particular sa ating kinalalagyan sa Session Road.
02:40Ang temperature ngayon, 19 degrees Celsius.
02:43Live mula rito sa Baguio City para sa GMA Integrated News,
02:46Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
02:48Happy New Year!
02:49Happy New Year at maraming salamat sa iyo, Bam Alegre!

Recommended