- 3 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Mga kapuso, kapapasok lang po na balita.
00:05Nag-landfall na ang bagyong ramil sa Gubat, Sorsogon, ayon sa pag-asa.
00:10Sa ngayon, mabagal ang kilos ito, pakanluran.
00:14Kung mapapanatili ng bagyong kilos ito, maaari itong lumapit sa Poligno Islands umaga bukas at mag-landfall sa Aurora. Bukas din.
00:22Mga kapuso, ramdam na sa mga lalawigan sa silangan ng bansa ang bangis ng bagyong ramil bago pa ito tumama sa lupa.
00:32Sabi ko, gaya sa Catanduanes, may paglilikas na ng mga residente.
00:37Mahigit tatlong libong pasahero naman ang stranded sa mga pantalan dahil kanselado mga biyahe sa dagat.
00:43Mula sa Dayat Camarinas Norte, nakatutok live si JP Soriano.
00:48JP.
00:48Ivan Pia, pabugso-bugso na ang malalakas na ulan at malakas na hangin.
00:54Dito sa ating kinalalagyan sa isang bahagi ng Dayat Camarinas Norte.
00:58Pero mas ramdam yan sa mga probinsyang kalapit dito na ayon sa pag-asa ay dadaanan ng bagyong ramil.
01:09Ramdam na ang masamang panahon sa Catanduanes kung saan inaasahang maglalampo ang bagyong ramil ngayong hapon o gabi.
01:19Maulan na sa birak kaninang umaga.
01:22May mga lumikas ng mahigit sa libong residente o mahigit tatlong daang pamilya sa Catanduanes.
01:27Sa headquarters ng Catanduanes Provincial Police Office, tinakpan ang mga gamit na posibleng mamasa.
01:32Hinarangan din ang mga pinto at bintana na maaring mabasag.
01:36Nag-ulong at nag-inspeksyon din ang mga rescue equipment ang mga provincial at municipal DRRMO sa iba't ibang bayan sa lalawigan tulad sa Viga.
01:46Naghanda rin ng rescue team ang Coast Guard sa iba't ibang bahagi ng Bicol.
01:50Sa Sorsogon, inilagay sa mataas na lugar ang mga bangka dahil kanselado ang biyahe sa Matnugport.
01:57Maraming sasakyang stranded.
01:59Kahapon pa suspendido ang paglalayag sa Bicol region.
02:02Sa pinakahuling ulat ng Coast Guard District Bicol kanina-sanghali, stranded sa labing walong pantalan sa reyon ang mahigit tatlong libong pasahero, mahigit isan libong rolling cargo, anim na vessels at dalawang motorbanka.
02:15Mahigit tatlong pong sasakyang pandagat pa ang pansamantalang sumisilog.
02:19Sa Albay, kahapon pa nagsagawa ng preemptive evacuation sa ilang bayan gaya sa Piyo Duran.
02:24Wala rin bangkang pumalao sa Dait Kamarines Norte sa utos ng Coast Guard Kamarines Norte, Kahapon.
02:35Kaya apektado ang mga manging isda na sa pagpalaot lang umaasa ang kaunting biyaya ng dagat, ipinagpapasalamat ni na Rene at Ray at paghahatian daw ito ng tatlong pamilya.
02:47Okay na po yun para sa amin, pang ulam na, para kahit pa paano, mabisa na ang ano, hindi kami mamumroblema ng panggabihan.
02:56Taga-Costal Barangay si Rene, kaya pinagahandaan na rin nila ang gagawing preemptive evacuation.
03:05Malakas ang buhos ng ulan sa Dait ngayong Hapon, halos wala na rin makita sa daan nang ikutin namin ang bayan.
03:12Sa Vinson's, minamadali na ng ilang residente ang pag-aayos ng kanilang bubungan.
03:16Nung karang pong low pressure is natanggal na po siya dyan sa pagkakabit. Kaya po, nung pong nakaraang araw, umulan, may hangin, nalaglag na po siya.
03:27Napinitan na rin ang ilang magsasaka na anihin ang mga palay.
03:31Pag umulan po pong maigyan, masasahin na lang yung palay, madapa lang po, mas kaunti po ang anihin lugod. Pinunahan na po namin marabisin.
03:38Binabantayan ng PDRRMO ng Kamarines Norte ang mga bayang madalas bahain.
03:43Yung threat nito, yung tubig, yung ulan, dadali ng tulang nito. Hindi natin inaalis yung possibility nga by early, late afternoon and early morning by tomorrow,
03:53doon na yung buhos ng ulan.
03:56At ibang matapos nga mag-landfall sa Sorsogon ng Bagyong Ramil, ay nag-abisong na rin ang electric cooperative na nagsusupay ng kuryente sa probinsya na posibleng mawala ng kuryente
04:10dahil nga po sa lakas ng hangin habang binabaybay nito ang malaking bahagi ng Kamarines Norte.
04:15At yan muna ang litesh. Balik muna sa'yo, Ibang.
04:17Ingat at maraming salamat, JP Soriano.
04:21Sa litna po ng paghanda ng Aurora sa pagtama ng Bagyong Ramil, ipinagbawal na roon ang pagpalaot ng mga manging isda.
04:28Daanda ang pamilya rin sa mga coastal barangay ang target mailikas.
04:32Mula sa Baler Aurora, nakatutukla si Jasmine Gabriel Lapan ng GMA Digital TV.
04:38Jasmine?
04:38Pia, sa mga oras nga na ito ay ramdam ng epekto ng Bagyong Ramil dito sa Baler Aurora.
04:47Mataas at malakas ng alon sa baybayin at pabugso-bugso na rin ang hanginang.
04:55Maaga pa lang, abala ng mga manging isda sa Dinggalan Aurora.
04:59Inayos nila ang kanilang mga bangka, inakya sa seawall at itinali para dimapinsalan ng alon at hanging dala ng Bagyong Ramil.
05:06Nag-ikot din ang mga bantay-dagat para tiyaking ligtas sa mga bangka.
05:09Makataas na po naman po sila lahat. Kanina pa naman po, pagsakabi ko po ganina magtaas, nagtaas din naman po sila.
05:15May mga residente nagtali na mubungat kanilang bahay. Plano nilang lumikas bago gumabi.
05:20Kami po'y talagang lilikas mamaya kasi po may mga designated evacuation po kami, doon po kami pupunta.
05:26Kami po'y naggayak na po kami ng mga gamit.
05:29Batay sa latest forecast ng pag-asa, maaari mag-landfall sa Aurora ng umaga o hapon bukas.
05:34Target ng otoridad sa Dingalan na mailikas ngayong araw ang mahigit 800 pamilya na karamihan ay nasa tabing dagat.
05:42Babantayan din ang LGU ang mga barangay sa paanan ng bundok na delikado sa landslide.
05:47Kung magkakaroon po talaga ng malakas na ulan, maaari pong magkaroon ng landslide.
05:52So nakakaroon po talaga tayo ng forced evacuation sa mga high-risk areas.
05:55Sa Baler, binawalan na rin ang pagpalawot ng mga manging isda.
06:00Sa buong Aurora, kansilado ang tourist activities.
06:04Naka-deploy na rin ang mga rescue personnel sa iba't ibang lugar.
06:07Pia, sa mga oras nga na ito ay puspusan ang pag-iikot na ginagawa ng Philippine Coast Guard, PNPM, DRRMO, ganun din ang PDRRMO sa mga coastal areas.
06:24Ipinapatupad na rin ang pre-emptive evacuation particular sa mga residenteng nakatira sa coastal areas.
06:30Pia?
06:30Maraming salamat, Jasmine Gabrielle Galban ng GMA Regional TV.
06:36Bago pa man mag-landfall ang bagyong ramil, nakaranasan ng malakas na ulan at pagbahangil ang probinsya sa bansa.
06:43Nakatutok si Darlene Kai.
06:52Kahit di pa nagla-landfall, ramdam na ang hagupit ng bagyong ramil sa biliran.
06:57Gumising sa bumubulwak at rumaragas ang baha ang mga taga-barangay sampaw sa Almeria Biliran.
07:03Mabilis ding bumaba ang baha ng huminto ang ulan ayon sa barangay.
07:08Umapaw naman ang Pulanggi River sa Kabakan-Kotabato matapos ang malakas na buhos ng ulan.
07:13Inilikas ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog.
07:16Na mahagi rin ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya.
07:21May iba pang barangay na lubog sa baha dahil sa magdamag na ulan.
07:24Ay, nakamdolila. Kanyarama na.
07:29Apektado rin ng pag-apaw ng Pulanggi River ang ilang barangay sa dato, Montawal, Maguindanao del Sur.
07:36Sa bahay ng General S.K. Pendaton, halos umabot na sa bubong ang baha.
07:40Sa tala ng MDR-RMO, nasa tatlong daang pamilya ang lumikas ng pasukin ng tubig ang kanilang mga bahay.
07:47Pero mismong ang evacuation center na lubog sa baha.
07:50Kaya ang mga residente nananatili sa gilid ng kalsada.
07:55Ayon sa MDR-RMO, catch basin ang kanilang lugar tuwing binabaha ang mga ibang lugar at umaapaw ang mga ilog sa paligid.
08:02Na mahagi na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.
08:06Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
08:12Kami-kabilang baha at paguho ang naitala sa Visayas na sa Bagyong Ramil.
08:18Nakatutok si JP Sariano.
08:22Kulay kaping baha ang rumagasa sa kalsadang ito sa kawayan biliran matapos ang malakas na ulan.
08:29Nagpastuhod ang tubig na galit pa sa bundok.
08:32Stranded ang ilang motorista.
08:34Kaya ang ilan napilitang lumusong sa tubig.
08:37Maging ang ilang lugar na lubog sa baha.
08:39Ang highway na ito sa Nava, nagmistulang ilog na.
08:43Bilang paghahanda sa Bagyong Ramil, pinadikas na ang mahigit-sanda ang pamilya sa bayan.
08:47Pansamantala silang tutuloy sa Naval Municipal Gym.
08:51Sa San Fernando Cebu, Gotter Deep ang baha sa ilang lugar.
08:54Tumirik na ang ilang sasakyan.
08:57Sa Giwan Eastern Samar, pinagtulungan ng itulak ang sasakyang ito.
09:01Sa gitna ng baha, malapit sa isang palengke.
09:04Sinabayan pa yan ang malakas na buhos ng ulan.
09:08Nalubog din sa baha ang isang pabahay sa isang barangay.
09:11Kaninang umaga pa na magsimulang bumuhos ang ulan sa probinsya.
09:15Sa Northern Samar, pinulong na ng provincial government ang iba't-ibang ahensya para paghandaan ang bagyo.
09:22Batay sa mga ulat, mahigit tatlong daang individual ang stranded sa Allenport.
09:27Matapos kanselahin ng Coast Guard Northern Samar ang mga biyahe ng barko simula pa kahapon.
09:33Sa Villaba, Leyte, lumambot ang lupa kaya gumuho ang bahagi ng bundok sa barangay Abihaw kaninang tanghali.
09:40Sinimulan na ang clearing operations doon.
09:44Nag-abiso ang mga otoridad sa motorista na iwasan mo ng dumaan sa nasabing lugar.
09:49Para sa GMA Integrated News, JP Soriano.
09:53Nakatutok 24 oras.
09:54Sa pag-landfall ng Bagyong Ramil, aling mga lugar ba ang dapat maghanda?
10:01Alamin natin mula kay Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center.
10:05Amor?
10:06Salamat, Ivan.
10:09Mga kapuso, pagkatapos ang unang landfall ng Bagyong Ramil sa Gubat, Sarusogon,
10:13ngayong hapon, posibleng po po itong masundan sa mga susunod na oras.
10:17Ayon po yan sa pag-asa.
10:19Dapos sa Bagyong Ramil, nakataas ang signal number 2 dyan po sa may southeastern portion ng Isabela,
10:24southern portion ng Quirino, southern portion ng Nueva Vizcaya,
10:27northern and central portions ng Aurora, Pulillo Islands, Camarines Norte, Catanduanes,
10:32northern and eastern portions ng Camarines Sur, eastern portion ng Albay,
10:37at pati na rin sa northeastern portion ng Sosogona.
10:40Signal number 2 rin ang nakataas dito po yan sa northern portion ng Northern Samar.
10:45Samantala, signal number 1 naman dyan po sa may Cagayan, kabilang po ang Babuyan Islands.
10:50Natitirang bahagi ng Isabela at ng Quirino, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya,
10:54ganon din po sa may Apayaw, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ipugaw, at pati na rin sa Bingget.
10:59Kasama rin dito, ito pong bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan,
11:05natitirang bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, pati na rin ang eastern portion ng Bulacan,
11:10at eastern portion ng Tarlac.
11:12Nakataas din ang signal number 1 dyan po yan sa eastern portion ng Pampanga,
11:16northern and eastern portions ng Quezon, natitirang bahagi ng Camarines Sur,
11:20ng Albay at ng Sosogon, pati na rin po dito sa may Buryas at Tikau Island.
11:24At ito po, kasama rin sa signal number 1, itong natitirang bahagi ng northern summer,
11:30pati na rin ang northern portion ng eastern summer,
11:32ganon din ang northern portion ng summer.
11:35Dito po, posibleng maranasan yung mga lugar na yan na nabanggit,
11:38ito pong malakas sa bugso ng hangin na may kasama mga pagkulana.
11:41Huling nakita ang sentro nitong Bagyong Ramil,
11:43dyan po yan sa bahagi ng Gubat Sosogon, kung saan nga ito nag-landfall kaninang 4.10pm.
11:48Taglay po ang lakas ang hangin nga abot, 65 kmph,
11:50at yung bugso naman na sa 90 kmph.
11:55Mabagal po itong kumikilos pa kaluran.
11:57At ayon po sa pag-asa, maaaring tawirin itong Bagyong Ramil,
12:01ang kalupaan o di kaya naman yung coastal waters itong Bicol Region,
12:05mula po yan ngayon hanggang bukas ng madaling araw.
12:08Sunod po nitong tutumbukin, itong bahagi naman ng Pulilyo Islands,
12:12at posibleng may isa pang landfall.
12:14Dito yan sa may aurora, bukas po ng umaga o di kaya naman ay sa hapon.
12:18May chance rin na tumama po itong Bagyong Ramil dito yan sa may northern Quezon
12:23o sa may southern part ng Isabela.
12:26Depende po yan, at tatatawin po nito itong northern Luzon
12:29at posibleng nasa labas na po yan ng Philippine Area of Responsibility pagsapit ng lunes.
12:35Pero mga kapuso, pwede pang magkaroon ng pagbabago sa paghilos itong Bagyong Ramil
12:39kaya umantabay po sa susunod na updates.
12:42Dahil po sa lawak ng mga kaulapan na dala po nitong Bagyong Ramil,
12:46malaking bahagi rin po ng Pilipinas ang makakaramdam ng epekto nito sa mga susunod na araw.
12:52Base po sa datos ng Metro Weather, bukas na madaling araw umaga,
12:56marami ng mga pagulan dito yan sa northern at pati na rin sa central Luzon,
13:00Quezon Province, Bicol Region.
13:02Dito po mararanasan yung pinakamatitinding mga pagulan.
13:06Kaya dob di ingat at maging alerto po sa malaking bantanang baha o pagguon ng lupa.
13:11Posibleng rin po ulanin ang iba pang bahagi ng Calabar Zone at ganoon din dito sa Mimaropa.
13:16Magtutuloy-tuloy po yan bukas ng hapon at posibleng magtagal hanggang sa gabi,
13:21lalong-lalo na dito sa malaking bahagi po ng northern at ng central Luzon.
13:26May mga kalat-kalat na ulan naman bukas po dyan sa may Visayas,
13:30pati na rin sa ilang bahagi po ng Mindanao.
13:32May chance rin ng mga malalakas sa pagulan na pwedeng magpabaha o magdulot ng landslide.
13:38Mararamdaman din ang epekto ng bagyong ramil dito po yan sa Metro Manila.
13:42Kaya mataas din ang chance na mga pagulan bukas.
13:45Kaya panatilihin po ang pagiging alerto at syempre mag-monitor ng updates.
13:50Yan muna ang latest sa ating panahon.
13:51Ako po si Amor La Rosa.
13:53Para sa GMA Integrated News Weather Center,
13:55maasahan anuman ang panahon.
Comments