24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Critical sa pamaril ang isang mekanikong senior citizen sa Laguna.
00:06Ang suspect na nagpabalik-balik sa kanilang talyer, arestado.
00:10Nakatotok si Jomera Presto.
00:16Tandad ng tama ng bala ang kotseg ito sa talyer sa San Pedro, Laguna,
00:21alas 9 kagabi ng pagbabarili ng kotse at ang lula nitong 65 years old na mekaniko.
00:26Ayon sa kaanak ng biktima, ang gunman na inakala pa nilang customer,
00:31apat na beses nagpabalik-balik sa talyer.
00:33Hindi raw nila makausap ng makayos ang sospek kaya tinawag na nila ang tsuhing may ari ng talyer.
00:39Pero nang kausapin ng biktima ang sospek, bigla raw siyang naglabas ng baril mula sa bang.
00:44Tinanong po ng tito ko, ba't may baril ka? Ang sagot niya po,
00:47siyempre may pera ko kaya akong bumili ng baril.
00:49Nasa gilid na po kami, wala na po kami mag-away.
00:52Ito yung kotse na sinakya ng senior citizen na biktima nang papunta sana siya sa barangay para magsumbong.
00:57Pero habang umatras ang kotse, bigla raw binaril ng gunman ang likurang bahagi ng gulong nitong sasakyan,
01:04bago niya tuluyang pinagbabaril ang biktima.
01:07Agad na isugod sa ospital ang biktima na critical matapos mabaril sa dibdim.
01:12Hagip sana aktual na pamamaril sa CCTV na yan, pero hindi pa nagbibigay ng kopya ang mga otoridad.
01:18Casual lang daw na naglakad palayo ang sospek, pero bumalik makalipas ang 30 minuto.
01:23Mabuti na lamang at may mga polis sa lugar kaya nahuli ang sospek at nakuhanan ng customized na caliber 45 na baril.
01:29Hawak na siya ng San Pedro City Police at maharap sa reklamong frustrated murder.
01:33Sinusubukan pa siyang makuhanan ng pahayag.
01:36Ayon sa polis siya, Tagamontalban Rizal ang sospek at hindi pa malinaw kung ano ang kanyang pakay ng mapadpad sa Laguna.
01:42Tingin nila, binalikan talaga ng sospek ang biktima.
01:45Kasi ano pa to eh, buhay pa yung biktima, so probably baka may ano pa siya, intention.
01:51So, sinecheck namin po yun, then sinecheck na namin yung probability na may kasama pa siya dun sa incident.
01:59Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
02:06May paghulan na rin sa Baguio City sa gitna ng paghahanda sa Baguio Nando.
02:10Nakaalerto ang mga turidad sa mga landslide prone area.
02:14At ang mga turista naman, sinulit ang pamamasyal.
02:17Nakatutok doon live si John Cusuta.
02:20John?
02:21John?
02:25Pia, nakaalerto na nga ang labing tatlo municipalidad ng Cordillera Administrative Region
02:30bilang sinasang epekto ng pagpapalapit na Baguio Nando.
02:36Dinatnan namin sa Baguio ang pamilya Favis mula Quezon City, nakatatapos lang mag-strawberry picking.
02:45Sinamantala na nila ang pagkakataon habang hindi pa masungit ang panahon.
02:50Kahit alam nilang may paparating na Baguio, tinuloy pa rin nila ang pag-akyat sa Baguio.
02:55Kasi sayang po yung booking namin eh. Bawal naman po i-cancel. Stay lang talaga sa hotel pag masama ang panahon.
03:03Malayo-layo pa ang Baguio Nando, pero mayat-mayana ang pag-uulan sa Baguio City at karating ng marsipyo.
03:10Ayon sa Benguet PDRRMO, ipinatutupad ang road closure sa bahagi ng Baguio-Buwa-Itogon Road
03:17na sa ongoing clearing operations sa landslide na naganap sa lugar.
03:21Pero may binuksang alternate route para tuloy-tuloy ang biyake mula Baguio papuntang Itogon-Benguet.
03:27Naka-standby na rin daw ang ilang equipment ng probinsya at DPWH para sa mga landslide-prone areas sakaling kailanganin.
03:35Hinihikayat rin daw ang pag-aaning sa mga taning na gulay at putas bago tuluyang sumama ang panahon.
03:42Sa ngayon, Pia, ay bahagyang humina itong pag-ulan sa bahagi ng Burnham Park ito sa Baguio City.
03:52Kung kaya naman ang ating mga kababayan ay sinasamantala itong pagkakatoong ito para pumasyal kasama ka nila mga mahal sa buhay
03:59habang hindi pa ganap na ramdam ang epekto ng papalapit na bagyo.
04:04Yan muna rin rin rin rin rin sa Baguio City.
04:06Balak siya, Pia.
04:08Maraming salamat, John Consulta.
04:11Mga kapuso, alamin natin ngayon ang latest sa Typhoon Nando mula kay Amor Larosa ng GMA Integrated News Weather Center. Amor.
04:20Salamat, Ivan, mga kapuso. Lalo po po lumalakas ang Bagyong Nando na posibling ang maging super typhoon.
04:29Ang paglapit niyan sa lupa, nagsimula ng magtaas ng wind signal ang pag-asa.
04:33Signal number 1 na po sa Batanes, ganun din sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands,
04:38Isabela, Quirino, northeastern portion ng Nueva Vizcaya, Apayaw at ganun din sa Kalinga.
04:43Signal number 1 din dito sa Abra, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, northern portion ng Ilocos Sur, northern at central portions ng Aurora at pati na rin sa northern at central portions ng Catanduanes.
04:56Mas madadagdagan pa yan habang lalong lumalapit ang Bagyong Nando at kapag naging super typhoon nga itong bagyo, ay aabot ang pinakamataas na babala sa signal number 5.
05:07Bukod po sa mga pagulan at bugso ng hangin, maging handa rin sa banta ng malalaking alon at storm surge o daluyong.
05:14Huling namataan ang mata ng Bagyong Nando sa layong 770 kilometers silangan ng Echage, Isabela.
05:20Taglay po nito ang lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers per hour at yung bugso po niyan aabot na sa 170 kilometers per hour.
05:29Ito po ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
05:35Ayon sa pag-asa, posibleng dumaan malapit o mag-landfall ang Bagyong Nando dito yan sa Batanes o Babuyan Islands lunas ng hapon o gabi.
05:43Martes ng umaga ay posibleng nasa labas naman na po yan ng Philippine Area of Responsibility.
05:49Pero mga kapuso, pwede pang magkaroon ng pagbabago sa pagkilos nito kaya patuloy po ang tumutok sa updates.
05:54Unti-unti nang nakaka-apekto yung trough o buntot ng Bagyong Nando dito po yan sa ilang bahagi ng Luzon.
06:00Kita na po yan sa mapa, humahampas na po yung mga kaulapan yan dito sa ilang bahagi po ng Luzon at Visayas.
06:06At ito naman po, pinapalakas po nito, hinahatak na habagat, e magpapaulan din sa natitirang bahagi po ng Pilipinas.
06:12So combined effects po ng bagyo at ng habagat, asahan po natin magdudulot ng masamang panahon.
06:18Base po sa datos ng Metro Weather, bukas kung kailan may kabi-kabilang protesta sa iba't-ibang bahagi ng bansa.
06:25Umaga pa lang may chance na po ng mga kalat-kalat na ulan dito yan sa Bicol Region,
06:29ganun din sa may Eastern Visayas, Mimaropa, Calabar Zone, Western Sections ng Central Luzon,
06:36at ganun din sa ilang bahagi po ng Visayas at Mindanao.
06:39Pag sapit naman ng hapon, halos buong Luzon na ang uulan din, mula po yan sa may Extreme at Northern Luzon,
06:46ganun din dito sa may Central Luzon, Southern Luzon kasama po ang Calabar Zone at Mimaropa,
06:51ganun din sa Bicol Region.
06:53May mga pag-ulan din po tayo nakikita sa malaking bahagi ng Visayas at ng Mindanao.
06:58Maraming lugar na ang mag-uumpisang makaranas ng malalakas na buhus ng ulan,
07:02kaya maging handa po sa bantanang baha o landslide.
07:06Sa Metro Manila naman, umaga pa lang ay maulap na po ang panahon at bago magtanghali,
07:11ay posibleng meron ng mga kalat-kalat na ulan sa ilang lungsod.
07:14Pwedeng magpatuloy ang mga pag-ulan sa hapon at maulit sa gabi, kaya dobli-ingat.
07:20Pag sapit po ng lunes, nasa Northern Luzon pa rin at ganun din sa may Extreme Northern Luzon,
07:25yung pinaka matitinding buhos ng ulan at kitang kita po dito sa ating mapa,
07:29yung lawak ng sakok nitong bagyong nando.
07:32Maulan din sa iba pang bahagi po ng Luzon at ganun din dito,
07:36meron din po mga pag-ulan sa ilang panig ng Visayas at Mindanao,
07:39dahil naman po yan sa habagat.
07:42Yan muna ang latest sa ating panahon.
07:44Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center,
07:48maasahan anuman ang panahon.