Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, kapapasok lang po na balita.
00:05Nag-landfall na ang bagyong ramil sa Gubat, Sorsogon, ayon sa pag-asa.
00:10Sa ngayon, mabagal ang kilos ito, pakanluran.
00:14Kung mapapanatili ng bagyong kilos ito, maaari itong lumapit sa Poligno Islands umaga bukas at mag-landfall sa Aurora. Bukas din.
00:22Mga kapuso, ramdam na sa mga lalawigan sa silangan ng bansa ang bangis ng bagyong ramil bago pa ito tumama sa lupa.
00:32Sabi ko, gaya sa Catanduanes, may paglilikas na ng mga residente.
00:37Mahigit tatlong libong pasahero naman ang stranded sa mga pantalan dahil kanselado mga biyahe sa dagat.
00:43Mula sa Dayat Camarinas Norte, nakatutok live si JP Soriano.
00:48JP.
00:48Ivan Pia, pabugso-bugso na ang malalakas na ulan at malakas na hangin.
00:54Dito sa ating kinalalagyan sa isang bahagi ng Dayat Camarinas Norte.
00:58Pero mas ramdam yan sa mga probinsyang kalapit dito na ayon sa pag-asa ay dadaanan ng bagyong ramil.
01:09Ramdam na ang masamang panahon sa Catanduanes kung saan inaasahang maglalampo ang bagyong ramil ngayong hapon o gabi.
01:19Maulan na sa birak kaninang umaga.
01:22May mga lumikas ng mahigit sa libong residente o mahigit tatlong daang pamilya sa Catanduanes.
01:27Sa headquarters ng Catanduanes Provincial Police Office, tinakpan ang mga gamit na posibleng mamasa.
01:32Hinarangan din ang mga pinto at bintana na maaring mabasag.
01:36Nag-ulong at nag-inspeksyon din ang mga rescue equipment ang mga provincial at municipal DRRMO sa iba't ibang bayan sa lalawigan tulad sa Viga.
01:46Naghanda rin ng rescue team ang Coast Guard sa iba't ibang bahagi ng Bicol.
01:50Sa Sorsogon, inilagay sa mataas na lugar ang mga bangka dahil kanselado ang biyahe sa Matnugport.
01:57Maraming sasakyang stranded.
01:59Kahapon pa suspendido ang paglalayag sa Bicol region.
02:02Sa pinakahuling ulat ng Coast Guard District Bicol kanina-sanghali, stranded sa labing walong pantalan sa reyon ang mahigit tatlong libong pasahero, mahigit isan libong rolling cargo, anim na vessels at dalawang motorbanka.
02:15Mahigit tatlong pong sasakyang pandagat pa ang pansamantalang sumisilog.
02:19Sa Albay, kahapon pa nagsagawa ng preemptive evacuation sa ilang bayan gaya sa Piyo Duran.
02:24Wala rin bangkang pumalao sa Dait Kamarines Norte sa utos ng Coast Guard Kamarines Norte, Kahapon.
02:35Kaya apektado ang mga manging isda na sa pagpalaot lang umaasa ang kaunting biyaya ng dagat, ipinagpapasalamat ni na Rene at Ray at paghahatian daw ito ng tatlong pamilya.
02:47Okay na po yun para sa amin, pang ulam na, para kahit pa paano, mabisa na ang ano, hindi kami mamumroblema ng panggabihan.
02:56Taga-Costal Barangay si Rene, kaya pinagahandaan na rin nila ang gagawing preemptive evacuation.
03:05Malakas ang buhos ng ulan sa Dait ngayong Hapon, halos wala na rin makita sa daan nang ikutin namin ang bayan.
03:12Sa Vinson's, minamadali na ng ilang residente ang pag-aayos ng kanilang bubungan.
03:16Nung karang pong low pressure is natanggal na po siya dyan sa pagkakabit. Kaya po, nung pong nakaraang araw, umulan, may hangin, nalaglag na po siya.
03:27Napinitan na rin ang ilang magsasaka na anihin ang mga palay.
03:31Pag umulan po pong maigyan, masasahin na lang yung palay, madapa lang po, mas kaunti po ang anihin lugod. Pinunahan na po namin marabisin.
03:38Binabantayan ng PDRRMO ng Kamarines Norte ang mga bayang madalas bahain.
03:43Yung threat nito, yung tubig, yung ulan, dadali ng tulang nito. Hindi natin inaalis yung possibility nga by early, late afternoon and early morning by tomorrow,
03:53doon na yung buhos ng ulan.
03:56At ibang matapos nga mag-landfall sa Sorsogon ng Bagyong Ramil, ay nag-abisong na rin ang electric cooperative na nagsusupay ng kuryente sa probinsya na posibleng mawala ng kuryente
04:10dahil nga po sa lakas ng hangin habang binabaybay nito ang malaking bahagi ng Kamarines Norte.
04:15At yan muna ang litesh. Balik muna sa'yo, Ibang.
04:17Ingat at maraming salamat, JP Soriano.
04:21Sa litna po ng paghanda ng Aurora sa pagtama ng Bagyong Ramil, ipinagbawal na roon ang pagpalaot ng mga manging isda.
04:28Daanda ang pamilya rin sa mga coastal barangay ang target mailikas.
04:32Mula sa Baler Aurora, nakatutukla si Jasmine Gabriel Lapan ng GMA Digital TV.
04:38Jasmine?
04:38Pia, sa mga oras nga na ito ay ramdam ng epekto ng Bagyong Ramil dito sa Baler Aurora.
04:47Mataas at malakas ng alon sa baybayin at pabugso-bugso na rin ang hanginang.
04:55Maaga pa lang, abala ng mga manging isda sa Dinggalan Aurora.
04:59Inayos nila ang kanilang mga bangka, inakya sa seawall at itinali para dimapinsalan ng alon at hanging dala ng Bagyong Ramil.
05:06Nag-ikot din ang mga bantay-dagat para tiyaking ligtas sa mga bangka.
05:09Makataas na po naman po sila lahat. Kanina pa naman po, pagsakabi ko po ganina magtaas, nagtaas din naman po sila.
05:15May mga residente nagtali na mubungat kanilang bahay. Plano nilang lumikas bago gumabi.
05:20Kami po'y talagang lilikas mamaya kasi po may mga designated evacuation po kami, doon po kami pupunta.
05:26Kami po'y naggayak na po kami ng mga gamit.
05:29Batay sa latest forecast ng pag-asa, maaari mag-landfall sa Aurora ng umaga o hapon bukas.
05:34Target ng otoridad sa Dingalan na mailikas ngayong araw ang mahigit 800 pamilya na karamihan ay nasa tabing dagat.
05:42Babantayan din ang LGU ang mga barangay sa paanan ng bundok na delikado sa landslide.
05:47Kung magkakaroon po talaga ng malakas na ulan, maaari pong magkaroon ng landslide.
05:52So nakakaroon po talaga tayo ng forced evacuation sa mga high-risk areas.
05:55Sa Baler, binawalan na rin ang pagpalawot ng mga manging isda.
06:00Sa buong Aurora, kansilado ang tourist activities.
06:04Naka-deploy na rin ang mga rescue personnel sa iba't ibang lugar.
06:07Pia, sa mga oras nga na ito ay puspusan ang pag-iikot na ginagawa ng Philippine Coast Guard, PNPM, DRRMO, ganun din ang PDRRMO sa mga coastal areas.
06:24Ipinapatupad na rin ang pre-emptive evacuation particular sa mga residenteng nakatira sa coastal areas.
06:30Pia?
06:30Maraming salamat, Jasmine Gabrielle Galban ng GMA Regional TV.
06:36Bago pa man mag-landfall ang bagyong ramil, nakaranasan ng malakas na ulan at pagbahangil ang probinsya sa bansa.
06:43Nakatutok si Darlene Kai.
06:52Kahit di pa nagla-landfall, ramdam na ang hagupit ng bagyong ramil sa biliran.
06:57Gumising sa bumubulwak at rumaragas ang baha ang mga taga-barangay sampaw sa Almeria Biliran.
07:03Mabilis ding bumaba ang baha ng huminto ang ulan ayon sa barangay.
07:08Umapaw naman ang Pulanggi River sa Kabakan-Kotabato matapos ang malakas na buhos ng ulan.
07:13Inilikas ang mga residenteng nakatira malapit sa ilog.
07:16Na mahagi rin ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya.
07:21May iba pang barangay na lubog sa baha dahil sa magdamag na ulan.
07:24Ay, nakamdolila kanya arama na.
07:29Apektado rin ng pag-apaw ng Pulanggi River ang ilang barangay sa dato, Montawal, Maguindanao del Sur.
07:36Sa bahay ng General S.K. Pendaton, halos umabot na sa bubong ang baha.
07:41Sa tala ng MDRMO, nasa tatlong daang pamilya ang lumikas ng pasukin ng tubig ang kanilang mga bahay.
07:46Pero mismong ang evacuation center, nalubog sa baha.
07:50Kaya ang mga residente, nananatili sa gilid ng kalsada.
07:55Ayon sa MDRMO, catch basin ang kanilang lugar tuwing binabaha ang mga ibang lugar at umaapaw ang mga ilog sa paligid.
08:02Na mahagi na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.
08:06Para sa GMA Integrated News, Darlene Cai, nakatutok 24 oras.
08:10Habang buhay na akansilasyon ng lisensya ang ipinataw ng Department of Transportation sa driver ng UV Express
08:18na humarurot at ng araro ng mga sasakyan sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
08:23At sa DOTR, umamin ang suspect sa QCPD at LTO na nag-shabusha bago pumasada.
08:30Nakatutok si Bea Pinlock.
08:40Nakagigimbal ang nasaksihan ng mga motoristang ito
08:45nang araruhin ang UV Express ng ilang motorsiklo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, Kahapon.
08:51Ginit-git at hinarangan na ng truck ang UV Express pero hindi pa rin ito huminto.
08:56Ayon sa pulisya, ilang beses nagpaikot-ikot sa Commonwealth Avenue ang UV Express.
09:02Labing tatlong motor at isang kotse ang binanggan ito.
09:06Patay ang 26-anyos na delivery rider na yan, matapos pumailalim at makaladkad ng UV Express.
09:13Yung time na yun, nagmamadali talaga siya.
09:15Pati yung pagliku niya, mapapansin na talagang napaka-reckless niya eh.
09:20Tinamaan niya yung motorcycle at serious po yung naging injury ng tao.
09:26Nadala pa naman sa hospital pero na-declare na as dead.
09:31Tumanggi mo nang magbigay ng pahayag ang kaanak ng nasawing biktima.
09:34Hindi bababa sa pito ang sugatan kabilang ang isang critical na motorcycle rider.
09:40Matapos makipaghabulan sa mga otoridad, nahuli ang 56-anyos na driver.
09:46Giit niya, nag-init ang ulo niya ng may makagit-gitan sa kalsada.
09:50Wala siyang ibang sagot kundi hindi niya maalala.
10:10Nagdilim daw yung paningin niya.
10:12Suspendido ng siyamnapung araw ang lisensya ng sospek.
10:16Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng drug test ng sospek pero nag-negatibo ito sa alkohol.
10:22Ayon sa Department of Transportation, inamin ng sospek na may ininom siyang illegal substance noong gabi bago ang trahedya.
10:30Nahaharap siya sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at multiple damage to property.
10:38Pinagpapaliwanag din ang Land Transportation Office ang sospek kung bakit hindi siya dapat sampahan ng dagdag pang mga kaso.
10:45At ang may-ari naman ang UV Express kung dapat ba itong managot kaugnay ng pagbibigay ng trabaho sa umano'y reckless driver.
10:52Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
10:59Isang pamilya sa Pasay ang nagluluksa ngayon ng masawi ang isang batang babae na natrap sa kanilang bahay.
11:06Nakatutok si Jomera Presto.
11:11Nagtulong-tulong na ang mga residente para maapula ang sunog sa Mendoza Compound sa barangay 127 Pasay City, pasado alas 11 kagabi.
11:19Nagpapasaan sila ng mga timbang may tubig na ibinabagsak nila papunta sa isang truck ng bumbero para hindi maubusan ang supply ng tubig ang truck.
11:27Ayon sa Bureau of Fire Protection, dahil dikit-dikit at gawa sa light materials sa mga bahay, mabilis na inakyat sa third alarm ang sunog.
11:34Napulang sunog, dakong alas 12.22 ng hating gabi.
11:37Pero isang sampung taong gulang na babae ang namatay matapos matrap sa bahay habang natutulog ayon sa barangay.
11:44Wala raw sa bahay ang nanay na nagtitinda noong mga oras na maganap ang sunog.
11:48Dito sa covered court ng Juan Sumulong Elementary School, pansamantalang manunuluyan ang mga residenteng nasunogan sa barangay 127.
11:55Ayon sa barangay, e papunta na ang mga modular tent na magagaling sa lokal na pamahalaan para maggamit ng mga apektadong residente.
12:02Si Soledad, walang gamit na naisalba. Inuna niya kasing ilikas ang kanyang labindalawang apo kasamang kanyang limang anak.
12:09May sumigaw po ng sunog na taranta na kami. Pinatay na namin yung sweetmean sa bahay namin.
12:15Si Ramon hindi naininda ang pilay para mailikas ang kanyang asawa na mayroong stage 4 bladder cancer.
12:21Hindi po siya makalakad masyado dahil konting ano lang po inihingil na siya.
12:25Sabi naman ang PASI LGU, bigyan na maayos na matutuluyan at atensyong medikal ang asawa nito.
12:31Ayon sa barangay, nasa mahigit 70 pamilya o mahigit 400 individual ang kapektado ng sunog.
12:36Sabi ng barangay, tinitignan pa kung sa ikalawang palapag ng isang bahay nagsimula ang sunog.
12:41Kung saan isang dalawang taong gulang na bata raw ang nasagip ng mga residente.
12:45Sa taranta siguro, naiwan. Siya lang yung tumakas.
12:49Yung bata, nanonood daw siya ng TV sa baba lahat. Ayon sa sabi ng kapitbahay.
12:56Ngayon yung second floor, walang tao. Hindi malam, biglang sumiklab na lang yung sunog.
13:00Patuloy ang investigasyon ng Bureau of Fire Protection kung ano ang pinagmulan ng apoy.
13:05Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended