Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang security guard ang nang-hold up sa mismong banko na binabantayan niya
00:04at ang mga nahulikam na krimen sa pagtutok ni Darlene Cai.
00:11Abala sa trabaho ang mga empleyado ng bankong ito sa Iba Zambales
00:15nang biglang lumapit ang gwardya nilang nakajuti.
00:18Pero maya-maya, bumunot siya ng baril at nagdeklara ng hold up.
00:24Inutusan niya ang manager at mga empleyado na pumunta sa vault.
00:26Ginawa niya po yung 4,670,000 na pera sa vault.
00:32Then after that po, sumakay po siya ng tricycle.
00:35And nung makarating sa bandang Cusada Street, bigla na lang pong tumutok ng baril sa victim number 2.
00:42At dun po, tinangay na po ng tulo yan yung tricycle.
00:45Lunes nangyari ang pagnanakaw.
00:47Natagpuan kalauna ng polis siyang inabandon ng tricycle
00:50habang ang suspect inareso nitong Webe sa bayan ng Santa Cruz.
00:54Nag-report po yung isang waiter doon regarding nga po doon sa presence ng isang lalaki na naglalabas ng baril.
01:02Doon po, na-aresto po yung ating suspect sa pangu-hold up dito sa sambangko at yung pagkakarnak po.
01:10Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang suspect na wala pang pahayag.
01:15Dalawang tindahan naman ang ninakawan sa Zamboanga City.
01:18Huli kam ang paglapit ng isang lalaki sa tindahan sa barangay Kabalway.
01:23Nagpanggap na bumili ang suspect pero pagtalikod ng tindero,
01:26dinukot at tinangay ng lalaki ang lalagyan ng pera na may lamang 1,500 pesos.
01:32Sa isang tindahan sa barangay Santa Maria,
01:36tinangay ang limang tray ng itlog na mahigit 1,000 piso ang halaga.
01:40Agad siyang tumakas sakay ng isang motorsiklo.
01:43Tinutugis ang dalawang suspect.
01:45Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended